Bago ko pa makalimutan na naman. While drafting this chapter, lalagay ko na name mo. dilawnabuwan_ HAHAHAHAHAHHAHA! ayan ha, huwag ka na magdabog, mwa.
CHAPTER 13: FAVOR
Xyrianna Isabella's POV
I can't stop smiling right now.
Wala lang, ang cute lang kasing mag sorry ni Ave. Super effort. Actually, the moment na inaasar ko pa lang siya kahapon ay sign na 'yon na okay na kami.
May nang-aasar bang naiinis pa? 'Di ba, wala na?
Kaya ayon, ang witty niya pa sa part na maggawa ng mga ganoong pagkain para lang mabuo 'yong word na sorry.
Anyway, nandito na ako sa campus at papasok na naman ako kay Ave at magpapanggap na hindi ko siya kakilala. We made a deal again na secret lang daw ang pagtira namin sa iisang bahay, pero pwede naman daw sabihin sa friends ko. But still, I respect privacy. Masyadong malikot kamay ni Ali kaya hindi pwedeng tumambay siya ng tumambay sa bahay. Kaya nga ako na lang mag isa gumawa ng lahat ng pinapagawa sa akin tutal ako naman ang pinagawa ng mga instructors ko. Papapuntahin ko lang siya doon kapag wala si Ave.
President moments.
Mabuti na nga lang sa second day of class ay hindi na ako napagtripang iboto bilang president at umayaw na rin ako. Pero binoto pa rin ako ng mga loko bilang muse. Hindi nga binoto bilang president, binoto naman bilang muse. Salamat na lang talaga sa mga classmates ko, hindi man lang naawa sa akin.
"Alkaraz, sabay tayo mag lunch mamaya." Sabi sa akin ni Akira.
"Oo nga, Xy. Hindi tayo nagkasabay kahapon, saan ka ba nanggaling?" Dagdag naman ni Lucas.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanila kahapon. Paano kasi, nambibigla si Ave eh, akala ko kakausapin lang ako sa kung ano, aayain pala akong mag lunch kasama siya.
Anyway, sa maikling panahon na pagpasok ko dito ay naka-close na kaagad namin ni Ali si Lucas at Akira. No'ng monday ay nagsabay na kami kumain ng lunch, at nag usap usap na rin kami na kapag lunch ay magsasabay na kami. Kaso hindi nga ako nakasabay dahil kay Ave. Kaklase ko rin pala 'yong girlfriend yata ni Miss Raven, pero bihira ko lang siyang nakakausap dahil kapag nandito siya ay busy rin siya sa pag-aaral, kasama niya palagi si Vecca na umaalis, or pupunta siya sa office ni Miss Raven. Hindi ko naman siya tinuturing na kaaway pagdating sa acads dahil nagbibigayan naman kami.
"A-Ah, may pinagawa kasi sa akin si Ma'am Fontana at kumain na lang akong mag isa doon." Pagsisinungaling ko. Wala na akong maisip na iba.
"Kinausap kasi siya kahapon ni Miss Fontana, Akala ko kakausapin lang talaga siya pero may pinagawa pa pala." Saad naman ni Ali na tinango-tanguan ko.
Hindi rin natuloy ang pag-uusap namin dahil dumating na si Ave. Masyado silang takot sa kaniya kaya hinayaan ko na silang mag-ayos ng kanilang sarili at umayos ng upo.
Hindi na ako natatakot sa kaniya, pero nandoon pa rin naman ang respeto since she is my professor. Kaya siguro hindi ako natatakot sa kaniya, kasi hindi ko naman siya ganyan nakilala. Even though minsan ramdam ko 'yong ganyang masungit at maldita niyang ugali sa bahay, pero normal na lang sa akin talaga 'yon.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...