MHMIMP - CHAPTER 16

18.3K 494 123
                                    

CHAPTER 16: HER FRIENDS

Xyrianna Isabella's POV

Akala ko kung ano ng nakadagan sa akin.

Kamay lang pala ni Pandang payatot.

Hindi naman siya masyadong mabigat actually, sakto lang pero ang hirap pa ring huminga lalo na't sobrang siksik niya sa'kin. Nakayakap ba naman tapos 'yong ulo niya malapit na sa leeg ko. Kapag lumingon pa ako sa kaniya baka may mangyari na namang hindi dapat.

Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong pagnakaw niya sa first kiss ko.

Anyway, bakit ko pa ba iniisip 'yon, wala naman 'yong malisya eh kasi parehas naman kaming babae.

At tiyaka, lasing rin naman siya no'n for sure nakalimutan niya na rin 'yon.

Kaya dapat kalimutan ko na rin.

Alasais pa lang ng umaga pero bumangon na agad ako para i-check si Paul. Kumusta kaya pagtulog no'n. Sana naman maayos ang tulog niya.

Inaalis ko na 'yong kamay ni Ave, pero parang biglang bumigat.

Hindi ko maalis!

Para bang minagnet niya 'yong katawan ko sa kamay niya.

"Ave, alisin mo kamay mo, babangon na ako." Bulong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot, gumalaw lang.

Lalo ba namang dumikit sa akin. Sa kakapilit kong tanggalin pero ayaw namang matanggal kaya sumuko na lang ako. Nakatanga lang ako doon ng ilang oras at inaantay na tanggalin niya 'yong kamay niya sa'kin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na akong wala ng nakadagan sa'kin.

Pagkabangon ko ay may notes sa'kin na nakasulat at nakadagan ito sa phone ko.

Pagkabangon ko ay may notes sa'kin na nakasulat at nakadagan ito sa phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ba 'yan, batdrip naman oh. Kakagising ko lang eh. Kasalanan niya kaya kung bakit ako nakatulog kanina! Edi sana maaga ako nakapag prepare!"

Nakasimangot akong lumabas ng kwarto niya at diniretso agad ang kwarto ko. Ich-check ko lang kung nandiyan pa ba si Paul.

Pagtingin ko doon ay wala na si Paul. Maayos na ang kwarto eh. Ayaw ko kasi sa makalat, isa 'yon sa napagkasunduan namin kapag makikitulog siya sa kwarto ko.

"Saan naman kaya nagpunta 'yon?"

Inaantok pa akong bumaba at hinanap agad ng mata ko si Paul.

At ayon, naabutan ko siyang naglalaro ng video games. May video games nga pala kami dito.

Hindi naman ako mahilig diyan kaya hindi ko 'yan ginagamit.

"Paul? Good morning. Nag breakfast ka na?" Bungad ko sa kaniya.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon