MHMIMP - CHAPTER 11

15.4K 494 57
                                    

CHAPTER 11: SHE IS MY PROFESSOR

Xyrianna Isabella's POV

Wearing a High waist large hem skirt paired with a doll shoes is perfect for me to go to our first day of school at Shiniell University. Nakalugay ang buhok ko pero may clip akong iniligay kaya nagmukha akong taong tignan.

Hindi ako nag m-make up. Tamang gamit lang ako ng pulbo at lip balm lang ang nilalagay ko sa lips ko.

"Finally, tapos na rin." Lumabas na ako ng bahay ay ni-lock na ang gate.

Ghosted na naman ako ng Ave. Palagi na lang siyang umaalis pabigla-bigla at notes na lang ang palagi kong naabutan sa kaniya.

Saan na naman kaya nagpunta iyon?

"Baka umuwi na naman siya sa kanila," Sagot ko sa sariling tanong ko. Siyempre, sino pa bang sasagot eh, wala naman akong kausap dito.

Unless, may mga kausap akong hindi nakikita ng iba kundi ako lang.

Anyways, hindi ko na lang muna siya inisip dahil ayaw kong maging dagdag pa siya sa iisipin ko ngayong araw. Ayaw ko rin ma late ako sa unang araw ng klase ko.

Ang memorable siguro no'n. Kahihiyan agad sa first day of class.

Naglakad na ako palabas ng subdivision at ganoon na lang ang pagtataka ko nang may makita akong Lamborghini na papunta sa gawi ko. Bumaba ang driver at parang ako ang tinitignan? Nagpalinga-linga pa ako sa paligid pero ako lang naman ang taong nandito.

At ako lang ang tanging tinitignan niya.

"Yes po?" Tanong ko sa kabababa lang na driver ng mamahaling sasakyan. Lumapit medyo sa'kin ang driver tiyaka siya nagsalita.

"Ma'am, pinapasabi po ni Miss Roxiette na sasakay daw po kayo dito at hayaan niyo pong ako ang maghatid sa'yo sa University," Sabi ni kuyang driver sa'kin.

Luh?

"Huh, bakit naman?" Nagtakang tanong ko.

"Ma'am, mas mabuti ho kung siya na lang po ang tanungin niyo dahil maging ako ay hindi ko rin po alam ang sagot dahil ito rin ang unang beses na may sinundo akong ibang tao, maliban sa kaniya." Dire-diretsong sagot ng driver sa'kin na ikinangiwi ko lang.

Hindi sana ako papayag pero paladesisyon 'yong driver at tinakot pa ako, "Ma'am, kapag hindi ka po sumakay ay malalagot po ako sa boss ko, at kayo rin po. Kaya sumakay na po kayo," Pagpupumilit niya sa'kin.

Nakaramdam naman ako ng kaunting awa sa driver kahit na medyo paladesisyon siya. Hindi ko pa nakikitang seryosong magalit si Ave. Kaya sige, papayag na lang ako.

Pero sana naman totoo 'yong sinasabi ni driver na utos nga 'to ni pandang payatot?

Baka kasi mamaya, kinikidnap na pala ako ng hindi ko alam. Low-key kidnapping gano'n since ang expensive ng sasakyan.

Hindi ko pa talaga masyadong kilala 'yong pandang payatot na 'yon. Ang alam ko lang ay may restaurant siyang nasa iba-ibang lugar. Hindi ko naman akalain na may sasakyan pa siyang ubod ng mahal? She must be the one of the damn rich people.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon