MHMIMP - CHAPTER 06

19.4K 577 147
                                    

CHAPTER 6: GOOD DAY?

Xyrianna Isabella's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo na natanggap ko. Hinimas-himas ko pa pa ang ulo ko dahil sa sakit.

Marahan lang akong bumangon sa higaan at naglakad pababa. Dumiretso ako sa kitchen para magluto sana ng pagkain pero nahagip ng mata ko ang isang nakatakip na mga pagkain na tingin ko ay bagong luto dahil mainit pa lahat at may sticky notes pa na nakalagay.

𝓖𝓸𝓸𝓭 𝓶𝓸𝓻𝓷𝓲𝓷𝓰, 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓲𝓼 𝓯𝓸𝓻 𝔂𝓸𝓾. 𝓔𝓪𝓽 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝔀𝓱𝓲𝓵𝓮 𝓲𝓽'𝓼 𝓼𝓽𝓲𝓵𝓵 𝓱𝓸𝓽. 𝓣𝓱𝓪𝓷𝓴 𝔂𝓸𝓾 𝓯𝓸𝓻 𝓳𝓸𝓲𝓷𝓲𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓼𝓽 𝓷𝓲𝓰𝓱𝓽 :)

For me?

Tinuro ko pa ang sarili ko, hindi kasi ako makapaniwala.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napangiti. May katinuan rin pala siya sa pag-iisip minsan.

Hmm, okay.

Bati kami ngayon. Pagbigyan ang kabibirthday kahapon, Hindi ako makikipag-away ngayon, promise.

Kinain ko lahat ng mga pagkain na nandito sa lamesa, hindi naman siya masyadong marami, hindi rin kaunti, sakto lang, 'yong makakaya kong ubusin.

Ayon, naubos ko nga.

Tumingin ako sa sala, May konting gulo at kalat pa akong nakikita kaya naisipan ko nalang munang maglinis.

Ilang oras rin akong naglinis dahil ang dami palang kalat na naiwan. Ano bang nangyari kagabi at napakakalat?

Iiling-iling nalang akong nagtapon ng kalat sa basurahan. Hindi ko na maalala 'yong nangyari kagabi eh, 'di bale na.

Pagtapos kong magtapon ng mga basura sa trash can ay nagpahinga muna ako saglit. Sinilip ko ang wall clock, lunch time na pala. Hindi muna ako nagluto, nag shower muna ako dahil na rin sa mga dumi na nahawakan ko kanina at sa mga pawis.

Nang matapos kong maligo ay naabutan ko si pandang payatot na nakabulagta sa sofa. Naligo lang ako may natutulog na dito.

Hinayaan ko nalang muna siya doon at nagluto nalang ng kakainin, sinadya kong damihan ang pagkain, incase na gutom siya, may maibibigay ako.

Mabait naman ako sa mabait minsan.

. . .

Natapos na akong kumain pero nakahiga hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Tinignan ko siya at ang linis niya matulog.

Parang natutulog na Reyn-

Okay, OA masyado.

Pero totoo, ang ayos niya matulog.

Napansin kong wala siyang kumot na suot kahit na balot ang suot niya kinumutan ko nalang muna siya, Baka kasi lamigin.

Remember, mabait ako ngayon.

Lumabas na muna ako at naggala sa labas, gusto ko rin makabisado ang lugar na 'to, para sa pasukan hindi ako magkandiligaw-ligaw.

Napadpad ako sa lugar na puro street foods ang tinda medyo namiss ko 'to dahil ilang buwan na rin akong hindi kumakain nito, kaya naman bumili ako ng marami at naisipang sa bahay ko 'to kakainin while watching sa Netflix.

Umuwi na ako at naabutan ko ang kagigising na si Pandang payatot.

"Oh, gising ka na pala pandang payatot." Kaswal kong sabi sa kaniya. Sinarado ko na ang pinto at naglakad na papasok.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon