🔞: This chapter contains mature scenes that is not suitable for very young readers or sensitive minds. Adult language and situations intended for mature readers only.
CHAPTER 45: LOVE
Xyrianna Isabella's POV
Kakauwi ko lang kasama sila Ali at Aki galing kela Lucas.
Naabutan namin siyang nakatulala lang sa bintana nila. Tila ang lalim ng iniisip niya.
Tinawag namin siya at nagulat pa nga siya no'ng makita niya kami na nandoon sa kanila.
Nag-usap kami right after and may part na hindi kami nagkasundo, pero naging okay na rin naman na.
Nag-usap kasi kami kung bakit hindi siya nakapunta kanina, nag-aalala lang rin naman kami sa kaniya kasi baka talaga may problema siya. Iyon pala ay dahil pala sa'kin kaya hindi siya nakapunta.
Akala niya raw kasi ay hindi na ako interested sa jowa jowa na 'yan kaya hindi daw siya gumagawa ng move. Well, kahit ako naman hindi rin 'to ine-expect. Wala naman na talaga akong interes magmula ng lokohin ako ng ex ko. Pero ayon nga, medyo broken daw siya at sobrang gulat nang malamang girlfriend pala ang meron ako. Naiintindihan ko naman siya sa part na 'yon kasi alam ko naman 'yong feelings niya towards me.
Pero tama ba 'yong lilipat na lang siya bigla ng University dahil lang sa nalaman niya? Hindi kami nagkasundo sa part na 'yon. Hindi ko siya doon gets kaya nagtalo kami sa part na 'yon. Kasi sabi niya, baka raw makita niya ang paghaharutan namin ni Ave sa loob ng campus at lalo daw siyang magselos?
Eh, hindi ko naman nilalabas ang kalandian ko kapag kasama ko sila at nasa loob ng campus???
At tiyaka, hindi ba pwedeng i-set aside niya 'yong personal feelings niya sa loob ng campus?
Wala naman siyang ideya kung anong pinagdaanan namin ni Ave at kung paano kami humantong sa ganitong level, eh.
Sadyang si Ave lang talaga ang may lakas ng loob lumandi sa'kin kahit saan. Wala na akong magagawa doon. Kahit siguro sa harap ng pamilya ko, gagawin niya ang gusto niya.
But anyway, okay naman na kami. Nagkasundo kami sa part na hindi na siya lilipat pero huwag muna daw namin kausapin ang isa't isa, lalayo daw muna siya pansamantala hanggang sa makamove-on siya. Siya ang nag suggest niyan, hindi ako. Ginusto niya 'yan kaya panindigan niya.
Pero may part naman sa'kin na okay 'yon since feeling ko naman ay helpful 'yon. Mag explore na lang muna siya. Kaya niya na ang sarili niya, malaki na siya.
Pero kapag kailangan niya kami, nandito pa rin naman naman kami sa kaniya. Kung gusto niya ng bumalik ay welcome pa rin naman siya. After all, kaibigan namin siya, medyo nagusot lang naman ng kaunti.
"Nasa'n si Ave?" Tanong ko nang maabutan na walang tao sa buhay. Pumasok na ako sa loob at wala talaga ni anino niya.
"Saan naman kaya nagpunta 'yon?" Wala naman kasi siyang sinabing aalis siya kanina. Ang sabi niya lang ay hihintayin niya akong makauwi no'ng nagsabi ako sa kaniyang pupuntahan namin si Lucas sa kanila.
"10:00PM na pala," sabi ko nang tignan ang wrist watch ko. "Nasa'n naman kaya nagpunta 'yon?"
Nang dinial ko ang number niya ay hindi siya sumasagot.
Mga thirty minutes din akong nag dial ng number niya pero wala talaga, ang dami niya na ngang missed call sa akin. Not until may tumawag sa'kin na unknown.
"Hello?" Pormal na sagot ko sa tumawag.
["Hello, Xy! This is Bri. Hindi masagot ni Rox ang call mo dahil naiwan niya ang phone niya sa'kin. Nandoon siya ngayon sa Hotel namin nakacheck-in. May kasama siya doon but, I don't know that someone eh, pero Rox knows her daw. And sabi niya ay siya na lang raw ang maghahatid sa kaniya. Anyway, I'll send you the hotel address and her room number since sinabi niya na I'll send you the details raw incase na she get drunk."] Dire-diretsong sabi ni ate Bri. Nagtaka naman ako kung sino 'yong babaeng sinasabi ni Ave. May kilala pa ba siyang hindi ko kilala
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...