MHMIMP - CHAPTER 18

14.6K 410 249
                                    

CHAPTER 18: PARTY WITH NEW SQUAD

Xyrianna Isabella's POV

"Xyri? Xyri? Open the door!"

"Pagbuksan na natin ng pinto, love. Baka mag war na naman dito." Bulong ni Paul sa'kin.

Loko.

Okay naman talaga si Ave, hindi lang talaga maawat pagiging maistorbohin niyang ugali.

Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ewan eh.

Pinause muna namin ang pinapanood para pagbuksan 'yong isa ng pinto.

Pinagbuksan ko na siya ng pinto at gano'n na naman siya. Parang sinumpa na naman ng langit at lupa dahil sa masasama niyang tingin sa akin.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko. Nilalabanan ko 'yong mga tingin niya.

"Do you know what time it is right now?" Nagsalubong naman ang kilay ko sa tanong niya. The last time I checked, may orasan naman sa kwarto niya?

Tinignan ko naman ang wristwatch ko at mag aalas nuebe na pala. Medyo maaga pa naman.

"Nine thirt-"

"And here we are again with your stupidity." Aniya at napahilamos sa mukha niya.

huh?

"The two of you won't be sharing a bed," Sabi niya. "And it's time to sleep, go to my room, now."

Ay, oo nga pala.

"Dito na lang muna ako matutulog, Anniversary rin kasi namin ni Paul."

"No. We made a deal about this Xyri, you cannot break that deal." Matigas niyang untag.

"Dito na lang muna siya matutulog, Anniversary naman namin, eh." Biglang sabat ni Paul. Nasa likod ko na pala siya.

"Shut up. Do you want another war, boy?" Pagmamaldita niya kay Paul. Mukhang mainit pa rin ang ulo niya kay Paul.

"Since you're having a small celebration, I'll give you two more hours. You need to be in my room by eleven o'clock. Understood?"

Magiging considerate naman pala.

Pumayag na lang ako sa gano'ng gusto niya, kaysa naman magtalo pa kami at baka mauwi pa sa away 'di ba or else papuntahin niya na ako agad sa kwarto niya para matulog.

Pinagpatuloy na namin ni Paul ang panonood namin. 

Napuno ng tawanan, hampasan, at kilig sa loob ng kwarto na 'yon. Marami na rin naman kaming pinanood kaya nag enjoy pa naman kami sa last two hours.

"Paul, punta na ako sa kabila." Pagpapaalam ko.

"Sige. Pero, babe." Mukhang hesitant pa siya sa sasabihin niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Can I..." Putol niyang sabi at nilagay ang kamay niya sa batok niya. Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin.

Bago niya sabihin ng buo 'yon ay kita ko ang biglang pamumula niya.

Ano ba 'yon?

"Since isang taon naman na tayo. Can I kiss you?" Nahihiya niyang tanong.

"H-Ha?" Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. It's his first time approaching me and asking to kiss me.

"I-I mean, s-sure! sa cheeks lang ah?" Awkward kong tanong.

"How about dito?" Turo niya sa lips ko na mas lalo kong ikina-awkward. Ramdam ko na 'yong kaba ko sa sinasabi niya.

Gano'n 'ata siguro kapag first time.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon