CHAPTER 46: HONEY
Xyrianna Isabella's POV
"Saan ba kayo kasi galing kagabi at wala kayo dito sa bahay niyo?" Si Aki na naman.
Hindi na ako tinantanan ni Aki sa tanong na 'yan magmula ng makita namin pagmumukha ng isa't isa.
Kaya rin sila tanong nang tanong dahil hindi ko na kasama si Ave ngayon, nasa kitchen na siya, nagluluto. Hindi nila ako matanong ng kung anong kalokohan kapag nandyan siya, eh.
"Sa hotel nga, nag stay lang kami doon for a night kasi nalasing si Ave. Hindi na ako nagbalak na umuwi muna, kapag sober na lang siya." Paliwanag ko for the hundred times.
"Okay na ba? Nasagot ko na ba ang katanungan mo, Miss?" Sarcastic kong dagdag.
"Hindi pa," sagot ni Aki.
Aba't—
"Ano na naman 'yon?" Tanong ko. Nakita ko naman bigla sa kaniya ang parang may binabalak na kalokohan na tingin. "H-Hoy, Aki. Kung ano man 'yang iniisip mo, mali ka!"
"Huhhhh? Ano bang iniisip ko, ha?" Pang-aasar niya at natatawa pa.
Nag-iwas nalang ako sa kaniya ng tingin at naisipang tawagan na lang ang pamilya ko.
"Huy, tinatanong pa kit-" pinutol ko ang pang-aasar niya nang matawagan ko na ang number ni mama.
"Hello, ma!"
. . .
"Good morning, class." Pormal na bati sa'min ni Ave at kasabay no'n ang paglapag niya ng MacBook niya sa desk.
Magalang naman namin siyang binati pabalik.
"We don't have a class for the whole two weeks next week because we'll be having a celebration of the College of Business." Anunsyo niya after namin siyang batiin.
Agad na nag-ingay ang mga tao sa loob ng room na 'to dahil sa napakagandang balitang bungad ni Ave sa'min. Agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil dalawang linggo rin akong hayahay at walang iisipin na school works.
Agad na diniscuss ni Ave ang mga gagawin next week. Nawala agad ang saya ng mga organizations officers dahil sa sinabi ni Ave. Sila kasi ang mag-aasikaso sa lahat ng events.
Bibili pa pala kami ng tickets, at nasabing may prom rin kami, so medyo another gastos pero last day pa naman gaganapin kaya may time pa kami para doon.
May mga laban din when it comes to sports, tapos may iba pang competetion like modeling, singing or ano pang talents na gustong ipakita. Lahat 'yon diniscuss ni Ave at lahat daw ng nabanggit ay required ang isa sa'min na sumali, dahil may consequences daw kapag may hindi kami nasalihan.
I guess, mas pipiliin ko na lang na umupo dito at makinig sa professor kaysa ma-stress sa mga gan'yang activities.
Pero nakaka-enjoy naman siguro, kaya hayaan na. Minsan lang naman 'to gaganapin.
"Do you understand what I'm saying, class?" Seryoso na tanong ni Ave.
"Yes, miss!" Sagot naman namin.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...