CHAPTER 44: CAUGHT
Xyrianna Isabella's POV
"Saan ka naman galing at muntik ka ng malate sa next subject?" bungad sa'kin ni Aki after kong makabalik sa room na medyo hinihingal pa. Lintik na Rejj na 'yon, kasalanan niya ang lahat kung bakit naudlot ang smooth na pagbalik ko.
Ang plano ko kasi ay dapat mauunahan ko sila Aki na makabalik ng room para hindi ako masiyadong ma hot seat. Kaso nadelay dahil may umepal pa sa labas ng office.
Mga bubuyog nga naman. Tsk, tsk, tsk.
Bigla akong napangiti nang may bigla akong maalala.
Girlfriend ko na si Ave?
Hahahahahahahahahahahahaha—
Nagalit lang ako nagkaroon na ako agad ng girlfriend. Hays, mas lamang naman ang ngiti ko ngayon kaysa kanina. Sobrang badtrip ko talaga kanina dahil sa babaeng 'yon.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan at namumula ka pa? ano ng nangyayari sa'yo?" tanong muli ni Aki.
"Ha?"
Ay, oo nga pala, may kausap nga pala ako.
"Tinatanong ka namin, hindi ka sumasagot."
"Ahh, ano kasi-"
Ano kayang magiging reaction nila kapag sinabi kong may girlfriend na ako?
At si Ave 'yon?
Ni wala nga silang ideya na nanliligaw no'n sa'kin ni Ave.
Akala niya mag bff lang kami.
Hindi nila alam bff premium pro max na pala.
"Anoooooooo?"
"Huwag mo kaming bitinin!"
"Oo nga, ano ba 'yon."
"Magkasabay kami ni Ave kumain. Inaya niya me," sabi ko. Nakakahawa pagka-conyo no'ng isa. Nahawa na yata ako.
"Oh? ang dayaaaa! hindi manlang nag-aya!" pagdadabog ni Aki.
Napangiwi naman ako.
"Eh, hehe-" hindi ako nakagat ng lamok, pero napakamot ako sa batok. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Dahil diyan, you owe us a dinner!" sabi ni Ali.
Pumayag na lang ako sa gusto nila. Para hindi na nila ako dabugan dito. At isa pa, sayang naman kung hindi ko magagamit 'yong regalo sa'kin ni Ave. Sayang 'yon. Tinry ko nga sa kaniyang ibalik 'yon pero sinungitan lang ako. Kaya hindi ko na binalik ulit at gagamitin ko na lang. Ang dami niya na daw na cards na gano'n, hindi niya na daw kailangan yung akin.
Hindi na sila makadabog ng matagal dahil dumating na ang next subject professor namin.
. . .
"Saan niyo gustong kumain?" tanong ko sa kanila after ng klase namin. Nasa room pa rin kami at inaayos ang mga gamit na ginamit namin kanina sa group activity sa Literature.
"Gusto ko sa Jollibee."
"Sa Mcdo ako."
"Ako rin sa Jollibee."
"Saan ba talaga?" naguguluhan kong tanong.
"Jollibee-"
"Mcdo na lang!"
Napatampal ako sa noo dahil sa gulo no'ng tatlo, hindi nagkasundo.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...