CHAPTER 5: CLEAN AND MESS
Xyrianna Isabella's POV
"Hey little monkey! What did you do to me last night, bakit nangkaroon ako nito?" tanong ng babaeng pandang payatot na 'to sa kalagitnaan ng panonood ko ng peppa pig.
Medyo istorbo siya sa part na 'yon.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at sumubo muna ng popcorn at ngumiti na animo'y inosente sa nangyari, "Aw, nakalimutan mo na? What a poor big panda." saad ko at nagpanggap na malungkot, pero hindi rin 'yon nagtagal dahil humahalakhak ako ng pagkalakas-lakas ng maalala ang nangyari kagabi, pinaningkitan niya naman ako ng mata dahil doon.
[Flashback...
"Hoy! gising sabi pandang payatot!" hindi talaga siya nagigising kahit anong yugyog ko kaya naman, kinaladkad ko siya paakyat papunta sa kwarto niya. Nang mapunta na kami sa kwarto niya ay naalala ko 'yong isang rules na bawal pumasok sa kwarto ng may kwarto, kaya muli kong kinuyog ng gising 'tong pandang payatot na 'to.
"Ayaw mong gumising, ha! bahala ka, ikaw rin." kaya naman muli ko siyang kinaladkad papasok, ang hirap din kayang maghila, sa sobrang bigat niya bigla ko siyang nabitawan kaya naman nauntog siya sa may lamesa, "Ay shookt, sorry lamesa ha? natamaan ka pa ng bakal na noo ng pandang payatot na 'to."
"Maki-cooperate ka naman, ang bigat mo!" reklamo ko sa kaniya, mabuti naman kahit papaano ay hindi na siya nagpapabigat kaya mabilis ko siyang naitayo at naipunta sa higaan niya.
Ihihiga ko na sana siya nang biglang hawakan niya ako sa damit ko kaya naman imbis na siya lang ang mapahiga ay dalawa na kaming nasa higaan niya ngayon, and look what just happened. Nanlalaki ang mga mata ko ngayon dahil sa nangyari, I'm on top of her right now at ilang pulgada nalang ay magdidikit na ang mga labi namin, hindi ako makagalaw dahil para akong isang tubig na nanigas sa pwesto, at mas lalo akong natigilan ng bigla niyang hilahin papalapit sa kaniya lalo ang ulo ko, dahil doon ay nagkalapat ang mga labi namin, napakurap-kurap pa ako dahil sa panlalapastangan niya kani-kanina lang. tumagal nang sa tingin ko ay bente segudo na magkalapat ang labi namin, at ako na mismo ang humiwalay, hindi na niya mahiwalay kasi tulog na siya bwisit siya!
We kissed!
My first kiss!!!!!!!!
Magnanakaw na pandang payatot!
Tumayo ako at napatili dahil doon, kaya naman bigla siyang napadilat at nagtanong ng kung anong nangyari, at bakit raw siya tumitili.
"Walang'ya ka! kasalanan mo ang lahat ng 'to! bwiset kaaaaaa!" Sigaw ko sa kaniya at pinaulanan siya ng hampas, at mga sampal.
kainisssss!!!!!!!
...End of flashback]
Oo, natatawa ako dahil narealize ko ang pinaggagagawa ko sa kaniya, pero hindi ako natutuwa sa ginawa niya sa'kin, buong buhay ko siyang isusumpa dahil ninakaw niya lang naman ang first kiss ko. Sa lahat ng tao pa talagang makakakuha ng first kiss ko eh, doon pa talaga sa taong kinaiinisan ko? bwisit na kamalasan 'to.
Malas siya, malas siya sa buhay ko. Hindi lang siya sakit sa ulo, nakakakulo rin siya ng dugo.
"Kainis ka! Malalagot ka sa'kin once I find out what really happened, you'll pay back for this!" Inis na singhal niya sa'kin at nag walk out.
Inirapan ko lang siya habang nakatalikod at pinagpatuloy na ang panonood, pero agad ko ring pinatay ang TV dahil nawalan na ako ng gana manood.
"Ha! siya pa talaga ang may ganang bantaan ako ha?! ang kapal ng mukha niya!" napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration na binibigay niya sa'kin everytime na maalala ko ang nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...