MHMIMP - CHAPTER 25

13.3K 406 125
                                    

CHAPTER 25: UNEXPECTED HAPPENING

Xyrianna Isabella's POV

Huling araw na namin ngayon dito sa probinsya at kinabukasan na ang uwi namin. Dahil sa lunes ay babalik na rin kami sa klase kasabay ng madugong exam which is 'yong final exam namin for this semester.

Hindi pa rin sa'kin nagpaparamdam si Paul. Nakakaramdam na ako ng pagtatampo, dahil hindi niya na nga ako sinipot no'ng birthday ko, ni anino niya ay hindi ko manlang namataan.

Literal na hindi ko siya maramdaman ngayon. Nakakainis, nakakapanibago. Hindi naman siya gan'yan last year. 

"Bakit nakabusangot ka diyan, Xyxy?" Tanong sa'kin bigla ni Ali nang makita niya akong nakapalumbaba sa mesa.

"Oh, Ali." Tawag ko sa kaniya.

"Anong problema?" Diretsong tanong niya. Hindi pinansin ang pagtawag ko sa kaniya.

Kinwento ko sa kaniya kung ano 'yong iniisip ko. Kung gaano kalaki ang tampo ko kay Paul ngayon. Siya naman ay tahimik na nakikinig lang.

"What if puntahan na lang natin siya sa kanila?" Suggestion ni Ali. May point siya. Medyo malayo-layo ang bahay dito ni Paul. May isang sakay bago makapunta sa kanila, pwede naman siyang lakarin kung sinisipag ka. Pero kung tamad ka, kailangan mong sumakay since may kalayuan nga.

Dalawa kasi ang bahay nila Paul. May bahay sila na limang bahay lang ang dadaanan mo bago ang bahay nila, pero wala kasi siya diyan, nandoon siya sa main house nila which is medyo malayo sa'min.

"Tara. Pahatid tayo kay ate Ro-" Pinutol ko ang sinasabi niya nang biglang takpan ko ang bibig niya. 

"Hindi. Tayong dalawa lang ang aalis, wala ka bang paa? may pamasahe rin naman ako dito papunta doon." Sabi ko.

"Kung nakasakay tayo sa Van niya, edi nakatipid pa tayo," pagmamatigas naman ni Ali.

"Hayaan mo na lang muna siyang mag-enjoy dito. Masyado na tayong nakakaistorbo sa kaniya." Nakikipaglaro kasi siya ngayon kela Genesis. Kanina pa nila siya pinagtritripan at ako naman ay hinahayaan lang siya. Ginugusto niya rin naman 'yong ginagawa sa kaniya. Mukha ngang kaedaran niya lang 'yong mga kalaro niya.

Hindi rin talagang pwedeng malaman ni Ave na aalis kami, kundi magmamatigas 'yon na ihatid kami or worst, ay baka sumama pa siya sa'min. Knowing her, kapag gusto niya talaga ay nasusunod. Hindi ka makaka "Hindi" dahil gagamitan ka ng panakot card. Kung wala lang kaming deal no'n ay hindi ako mabobother ngayon. Hayaan ko pa siyang maglumpasay diyan sa sahig. 

Wala ring nagawa si Ali kundi sumunod sa'kin at tahimik lang kaming umalis ng bahay. Wala talaga kaming ginagawang ingay. Literal na ghinost namin ang lahat ng tao doon. 

Wala naman na doon sila mama, nasa trabaho na sila at sila Genesis na lang ang naiwan dito. Umuuwi naman si mama kapag gabi, si tito ay minsan isang linggong hindi uuwi dahil medyo malayo-layo ang trabaho niya. Si mama kasi ay malapit lang. Kaya madalas ay tatlo lang silang naiiiwan dito sa bahay, kung kasama ako ay apat kami. 

Nakasakay na kami ng tricycle at malapit na kami sa bahay ni Paul nang may mamataan akong bulto. Pamilyar na pamilyar siya sa'kin kahit na nakatagilid siya at may-

Ang bastos naman. Diyan pa talaga naghalikan sa gilid ng puno, eh kitang-kita naman sila. Grabe pa 'yong paghawak ng guy sa kaniya, tapos ang landi rin ng haplos no'ng babae sa kaniya.

Teka, mukha talagang pamilyar 'yong lalaki-

"Paul?" Napakunot ang noo ko nang biglang tawagin ni Ali ng Paul 'yong lalaking nakikipaghalikan na kasalukuyan naming pinapanood.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon