MHMIMP - CHAPTER 20

15.6K 432 86
                                    

CHAPTER 20: DOCTOR'S DUTY

Xyrianna Isabella's POV

Ipinahanap talaga ni Ave 'yong taong nakasakit sa'kin last last week. Hindi ko alam kung anong way ang ginawa niya at mabilis niyang nahanap ang kriminal na 'yon at naibalik agad sa kulungan.

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos mangyari 'yon at si Ave naman ay alagang-alaga ako, dinaig pa pasyenteng na-comatose. Doctor duty niya raw.

Mas lalong naging mainit ang dugo niya kay Paul to the point na makita niya pa lang siya ay ang sama ng tingin niya na para bang isang kalan si Paul tapos siya naman ay takure na may kumukulong ininit na tubig. Wala lang siguro siyang choice kasi boyfriend ko siya kaya hinahayaan niya lang si Paul.

Nag-stay pa si Paul ng isa pang week dahil nga sa lagay ko, at ito namang isa ay mas lalong nagiging wala sa mood, tapos no'ng umuwi na siya ay parang bata lang na nabigyan ng candy, naging good mood na naman.

Weird 'di ba?

May napansin rin ako sa kaniya sa naglipas na mga araw. Ayon nga, naging weirdo lang naman siya. Sometimes, I feel like she's acting like my mom, but sometimes, parang hindi na. The way she treat me ay parang may iba to the point na kung lalaki siya ay iisipin kong may gusto siya sa'yo.

Well, siguro gano'n lang talaga siya mag-alaga ng pasyente. Kaya siguro marami rin gustong-gusto siya. She's a good doctor indeed.

"How are you? Magaling na ba talaga ang mga sugat mo?"

After pala ako ma-hospital ay hindi ako nakapasok ng one week, pinagaling muna kasi 'yong mga sugat ko, Hindi rin pumayag si Ave na pumasok ako. Sundin ko raw and adviser at doctor ko? ikatlong weeks na ngayon at palagi niyang tinatanong kung kumusta ako at pati ang mga sugat ko.

"Yah. Thank you for taking care of me, Doc. Fontana." Sincere na sabi ko na may halong biro.

"You're welcome, Xyri. You know, I'll do anything for you." Nakangiting sabi niya sa'kin. At ayan na naman ang mga weirdong ngiti niya. 'yong ngiti kasi niya ngayon ay ibang-iba na sa mga ngiti niya dati. Nakita niya 'atang na-weirduhan na naman ako sa kaniya dahil sa pag-iwas ko ng tingin, "Because I'm your friend, right? That's why." Paliwanag niya. Ayon naman pala, eh. Bumalik na ako ng tingin sa kaniya at nginitian siya pabalik.

Lunch break pala ngayon at kakatapos lang naming kumain ng lunch. Inaya niya kasi akong kumain eh. Actually, napapadalas na rin ang pagsabay naming kumain, nasasanay na rin ako na kasabay siya. Inaamin kong masaya rin kasi siyang kasama. May times pa nga na sumasabay siya sa'min ng friends ko, kasabay nila Scarianna at Miss Raven.

Minsan hindi na ako sanay kung paano siya mag act kapag kasama ang ibang tao, kaysa kapag kasama niya ako. Mas sanay akong jolly at makulit siya. Parang ibang tao kasi siya kapag masungit at ibang-iba sobra sa paningin ko.

"Let's go back to class?" Tanong niya.

"Tara." Magkatabi lang kasi 'yong room na papasukan ko at papasukan niya, Kaya usually sabay na talaga kaming bumalik.

Lumabas na kami ng office niya at sinarado na ang pinto sabay diretso sa building na papasukan namin.

College of Business.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon