MHMIMP - CHAPTER 31

14.4K 393 21
                                    

Brief Announcement: Chapter 30, which is in the last part, has some minor changes to prevent confusion. Those of you who have already read Chapter 30 are advised to go back and reread it so that you won't be feel confused by this chapter. Thanks a lot!

CHAPTER 31: CHRISTMAS PARTY

Xyrianna Isabella's POV

Huling araw na namin ngayon for the first semester, dahil kinabukasan ay Christmas party na namin. Late na rin namin 'to napag-usapan at ayon nga, kinabukasan na namin iyon icecelebrate.

Wala naman talaga kaming Christmas party, sadyang bida-bida lang 'tong mga kaibigan ko at gusto nilang magkaroon kami no'n. Ito namang si Ave ay palong-palo, pumayag rin. Pumayag na rin naman ako, wala rin naman akong sinabing ayaw ko 'di ba? Ilang linggo rin kasi kaming hindi magkikita siguro? Dahil sa mga susunod na araw ay Christmas break na. Syempre, family time 'di ba?

"Uy, bukas. Huwag niyong kakalimutan susuotin niyo ah, hindi pwedeng pumasok kapag mali ang suot!" Anunsyo muli ni Akira sa harap. Ang dami kasing alam ng mga 'yan. Magsusuot raw kami bukas ng red dress para sa mga babae, at nakapormal na porma rin ang mga kalalakihan.

"Oo na, ulit-ulit kana Valdez."

"Manahimik ka nga diyan Mendoza!"

"Edi wow!"

"Edi shing!" 

Wala talagang pinipiling lugar ang pagbabardagulan ng dalawang 'to.

"Akira, Lucas. Tumigil na kayong dalawa diyan." Saway ko sa kanila. Mabuti naman at sinusunod nila ako. Nanahimik na rin finally ang dalawa. Dapat lang nila akong sundin dahil ako ang presidente nila. Binoto nila ako, kaya panindigan nila.

"Nakabili na ba kayo ng pangregalo niyo?" Tanong bigla ni Ali.

"Oo," sagot ko. Bumili na ako kahapon. Ang nabunot ko kasing reregaluhan ay 'yong isa kong kaklase, si Vecca. Hindi ko alam ang gusto niya kaya binase ko na lang sa mga bagay na napapansin ko sa kaniya. Since nakikita ko siya minsang nagbabasa ng books, ay libro na lang ang ireregalo ko sa kaniya. At mahilig din siya sa croptops kaya binilhan ko rin siya no'n.

Nagbunutan kami kasi no'ng nakaraang araw, kasama pa nga si Ave sa bumunot, bawal sabihin kung sino ang nabunot mo kaya lahat kami ay mamatay-matay na sa curiosity. Sana lang talaga ay maayos ang nakabunot sa'kin at hindi ako regaluhan ng baso at picture frame.

"Naks, prepared na prepared si idol ah." Saad ni Lucas.

"Naman." Proud na sabi ko at nagtawanan kami.

"Hays, mamimiss ko kayo." Nalulungkot na salita ni Ali.

"Siraulo 'to, magkikita naman tayo sa twenty, kasi mangangaroling tayo!"

"Ay, oo nga pala!"

"Huy, seryoso talaga kayo sa caroling na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman!" Sabay na sagot ni Lucas at Akira.

"Hindi kami nagbibiro doon, Xy. Kasama ka doon ah, kapag ghinost mo kami, sampung taon kang mamalasin." Nanakot pa nga, anong tingin ng mga 'to sa'kin? Five years old na bata?

"Ewan ko sa inyo."

Pumunta na muna kaming cafeteria since wala naman na kaming klase sa ibang subject. Nag attendance lang kami at nag class dismiss na agad si ma'am. Gusto ko na ngang umuwi kaso ayaw pa ako pauwiin ng mga kasama ko. Dito daw muna kami tumambay.

"Minu-minito na tayong kumakain, hindi ba kayo nabubusog?" Curious na tanong ko. Kanina pa talaga sila kumakain ng kung ano-ano tapos gusto na naman nilang kumain ngayon.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon