Bad day"What?!"
"Anong gusto nyong gawin ko sa mga papel nayan sunugin ko?!"
"Umalis kayo sa office ko ngayon din, ayokong makita ang pagmumuka nyong lahat!"
Sigaw mula sa office ni Mam katherine na ang duda ko ay si Sir troy at wala ng iba.
Pumunta ako sa labas ng gilid ng pintuan ni Sir troy para pakinggan ang bawat lalabas na masasakit na salitang galing sa bibig nya.
"Gusto mo bang isupalpal ko yung papel na ito sa bunganga mo?!" Sigaw nya at may narinig akong basag ng isang nakakarinding bagay, siguro ay isang base iyon. "Stay away from me! Stupid."
Nakakatakot. Sobrang nkakatakot talaga syang magalit parang ayoko ng pumasok at gusto ko nalang umuwi at humiga nalang maghapon.
Lumabas yung isang emplayado na luhaan at kitang kita ko ang takot sa muka nya.
"Ok kalang?" Tanong ko sa babae na kakalabas lang galing sa office ni sir troy.
"Ate Sabrina nakakatakot syang magalit" sabi ng isang empleyadong ka close ko din, habang nakayakap sya sakin dahil siguro ay sa takot. Bata pa ang babaeng ito at ang pagkakaalam ko babago palang sya sa Vergara's building kaya wala pa syang medjo alam.
"Ano bang problema bakit nagalit sya sayo?" Tanong ko.
"Hindi ko po kasi agad na-ayos yung papers na pinapaayos ni Sir eh." sabi nya habang iyak parin ng iyak.
"Sige na pumunta kana sa office mo" hinaplos ko ang likod nya para kumalma dahil sobra syang natakot sa mokong nayun.
Kahit ako diko alam yung sasabihin ko dahil sa kaba ng nararamdaman ko. Bahala na si batman sa akin.
Unti-unti kong binubuksan ang pintuan ng office ni Mam katherine na office na ngayon ni Sir troy.
At pagbukas na pagbukas ko, agad na bumungad sa akin ang muka ni Sir troy na galit na galit.
"Bakit ngayon kalang?" Seryoso nyang tanong at kitang kita ko yung pagsalubong ng dalawa nyang kilay.
Patay na talaga ako neto......
"S-sorry po Sir troy" sagot ko habang nauutal.
"Ayusin mo ang trabaho mo, pinagkakatiwalaan ka ni Mommy. At hindi ko alam kung ano ang nakita nya sayo ay muka ka namang walang alam." Sigaw nya sa akin dahilan kung bakit may tumutulo na luha sa dalawang mata ko.
Nakatungo lang ako dahil ayokong makita nya akong umiiyak.
"Ano tatahimik kana lang ba dyan!" sabi nya habang naglalakad patungo sa upuan nya.
Samantalang ako'y hindi makatingin sa muka nya dahil sa kaba at takot.
"Kung malaki ang galit nyo sa akin Sir, dahil sa ayaw nyo akong maging sekretarya nyo. Mas mabuting kausapin nyo si Mam katherine." Matapang na sabi ko sa kanya.
Eto na yung panginginig ng katawan ko. Unti-unti syang naglalakad patungo sa akin habang ako naman ay unti-unti ding nalayo. Hindi kalayuan yung pader sa aking likod kaya muli akong napasandal.
Habang papalapit na papalapit sya sa akin ay kitang kita ko ang pag-igting ng panga nya at habang akoy unti-unting nalayo ay unti-unti din syang lumalapit at konting hakbang nya na lang ay maari nya na akong mahalikan.
"You are my stupid secretary! kaya wala kang karapatan para diktahan ako!" sabi nya sakin at amo'y ko ang hininga nyang mabango dahil magkalapit ang aming mga muka.
Hindi ko sya tinitingnan at iniiwas ko ang muka ko sa kanya dahil konting konti nalang maglalapat na ang aming mga labi.
At ng biglang may humila ng damit nya sa likod at kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...