Chapter 15

291 15 0
                                    


Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni shantel.

"Boracay andito na ako!" Sigaw ni shantel.

Halos lahat kaming nakasakay sa sasakyan ni Sir troy ay nakatakip sa tenga dahil sa malakas na sigaw ni Shantel. Mahabang oras ang lumipas sa aming mahabang byahe, halos lahat kami nakatulog sa loon ng Ban ni Sir troy. Si Shantel lang ata yung hindi dahil sa excitement HAHA!

Umayos ako ng upo at tumingin sa labas. Napatulala ako sa ganda ng dagat at napakasarap pakinggan ng mga alon. Medyo malapit lapit yung parking erea sa aming cottage kaya siguro dito itinigil ni Sir troy yung sasakyan nya.

"Sabrina akin na 'yang gamit mo, ako na magdadala" alok sa akin ni Gavin habang may malawak na ngiti.

Ibinigay kona sa kanya, kesa naman sa magtatalo pa kami haha! Kilala ko pa naman din to! Hinding hindi magpapatalo.

Kitang kita ko ang saya ng mga muka nilang lima at sobrang excited narin sila lumangoy haha! Habang si Sir troy ay hindi maipinta ang muka na kalamo'y pasan ang buong mundo.

"Sir ok lang kayo?" Tanong ko.

Tiningnan nya lang ako at ni isang katiting na salita ay wala akong narinig.

"Sungit!" Bulong ko.

May lumapit sa aming isang tauhan dito sa Malaking Resort na ito, at ang pagkakawari ko ay isa syang tour guide. Sinusundan namin sya patungo sa aming malaking cottage at sa isang malaking kubo ay may sari-sarili ding kaming kawarto.

"Drake dude! Tara dun! tayo daming chix don" sabi ni liam na may nakakalokong ngiti. Nagtatakbo sila sa mga nagumpukang mga babaeng naka bikini lang haha!

Tss..basta alang alang sa chix hinding hindi magpapahuli sina liam at drake haha! Habang si Gavin naman ay busy sa kanyang telepono. At si Sir troy eto! Nakatulala at magkasalubong na nman yung dalawang kilay.

Ano bang problema ng mokong nato?

"Sama ka samin sabrina" aya sakin ni ayumi at shantel.

"Sige kayo na lang! Mag-aayos pa ako ng gamit eh" sabi ko.

"Ahh ok, sunod ka na lang samin ha!" Sabi ni shantel.

"Sige, enjoy!" Sabi ko.

Inayos kona yung mga gamit ko at nagpalit nadin ako ng damit. Simpleng t-shirt lang ang soot ko at medyo maikling short.

Lumabas ako ng aking kwarto at pinasadahan ko ng tingin sa kwarto nila ayumi at shantel, pero wala sila don, ganon din sina gavin, drake, at liam.

Nasan na kaya mga yun?

Dumaan ako ng kwarto Sir troy at wala rin sya don. Siguro kasama nila drake.

"Ay kalabaw!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Bigla nlang lumitaw si Sir troy sa likod ko kaya naapakan ko ang paa nya.

"What the! Ano ba? Bakit ba hindi ka tumutingin sa dinadaanan mo!" Matigas nyang sabi.

"S-sorry po! Diko po kasi kayo nakita" sabi ko.

Sinamaan lang nya ako ng tingin at nag deresto ng paglalakad. Habang akoy naiwan sa kinatatayuan ko.

Sinundan ko si Sir troy sa paglalakad at napansin nya naman ako pero hindi nya ako pinagbabawalan. Patungo kami sa malaking kubo at siguro ay andun sina drake at sila ayumi.

"Sabrina!" Sigaw galing sa likod ko.

Nagulat ako at si Sir troy sa nakita namin.

"Oh Theo ano ginagawa mo dito?" Tanong ko at nagtatakbo sya patungo sa akin.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon