Chapter 64

162 9 0
                                    

Marco's POV

Matagal na taon ko syang hindi nakasama at nakita. Kaya sobrang namiss ko sya. Namiss ko ang sabrinang makulit, mahin-hin, mala-anghel ang muka at mapagmahal.

Malapit na kaibigan ko sya noon. Wala nakong hinihiling na babaeng kaibigan kon'di sya lang. Nasa kanya na lahat ang gusto ko sa mga babae. Kaya nasasabi ko saking sarili, napaka swerte ng lalaking mamahalin nya.

Pero dumating ang araw na magkakahiwalay kami dahil naka-graduate na kami ng Senior high. Wala akong paalam sa kanya na sa ibang bansa ako mag co-college, at ayoko itong ipaalam kahit na labag sa kalooban ko dahil alam kong masasaktan ko sya ng sobra. Nangako kasi ako sa kanya na sabay kaming magtatapos ng pag-aaral pero yung pangako ko ay biglang napako. Nag decide si Daddy na sa canada nya ako pag-aralin kahit na ayoko kasi ayokong mapahiwalay kay sabrina pero wala akong magawa kay daddy.

Naplano nalang ako na wag na sa kanyang sabihin. Ang huli naming pagkikita ni sabrina ay noong nakapagtapos kami ng senior at pamula noon hindi kona sya nakita pang muli.

Habang nasana canada ako wala akong ibang inisip kundi si Sabrina lang. Nangangamba ako na baka makahanap sya ng ibang kaibigan na ma's higit pa sakin. Nangangamba ako na baka, kalimutan nya ako. Pero naglakas loob ako. Nag-aral ako ng mabuti, gaya ng lagi nyang pangaral sakin noon. Hang-ga't nakatapos ako ng college at ngayon ay ako na ang nagmamanage ng company namin.

Nagplano akong kumuha ng tauhan para alamin kung nasan at ano ang lagay ni Sabrina ngayon. Habang nagta-trabaho ako. At nung araw na nagbalita sakin ang isa sa mga tauhan ko sa pilipinas, na si Sabrina daw ay nagta-trabaho ngayon sa kumpanya ng mga Vergara. Kung saan ang nagmamanage nito ay si Troy Vergara. Ang mabangis kong pinsan.

Nangangamba nako nung nalaman ko iyon. Kaya ma's lalo kong pang binabantayan sa mga tauhan ko si Sabrina. Nung una nagalit ako sa kanya dahil pinapahirapan nya si Sabrina. Pangalawa natuwa naman ako dahik niligtas nya si Sabrina sa mga kumidnap sa kanya. Pero sa mga nagdaang araw unti-unti ng nangangamba ang puso ko dahil sa mga natutuklasan kong mga balita.

At dumating ang araw na ikinatatakot ko. Ang mahulog ang loob ni sabrina kay Troy. Nung nalaman kong naging sila na, parang gumuho ang mundo ko. Sobrang nasaktan ako, yung babaeng hinihintay at pinapangarap mo ay may ibang na palang mahal. Kaya tinang-gap ko iyon, hinayaan ko sila na maging masaya dahil nakikita kona naman na masaya din si sabrina sa piling ni Troy.

Panatag na ang loob ko kay Troy at alam ko sa kanya na mahal na mahal nya si Sabrina. At hindi nya ito sasaktan o iiwan.

Pero nitong nagdaang araw, may balita akong natanggap tungkol kay Sabrina at Troy. Kaya agad akong umuwi para kay sabrina. Dahil nag-aalala ako sa kanya na baka maulit pa ulit ang nangyari sa kanya dahil kay jace.

At don ako nagkamali sa pagkakakilala ko kay Troy. Ang akala ko mahal nya si Sabrina kaya naging panatag ang loob ko na sa kanya mapapapunta si sabrina. Pero mali ako, dahil isa rin pala sya sa mga lalaking mananakit sa damdamin ng pinakamamahal kong babae.

Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ko sya iiwan at pababayaan pero naudlot iyo.

Pero sisiguradhin kong matutupad ang lahat ng yon. Pinapangako kong hindi ko na sya muli pang iiwan at pababayaan.

Noon, pinipigilan kong sabihin ang nararamdaman ko para sayo. Pero ngayon hindi na, wala ng makakapigil sakin. Wala akong pakealam kung sya parin ang mamahalin mo. Basta gagawin kona kung ano ang sinasabi ng puso ko at yon ay ang mahalin ka.

Ipinarada kona ang kotse ko. Tiningnan ko sya. "Sigurado ka ba sabrina ikaw lang ang papasok?"

Ngumiti sya "Oo, wag kanang mag-alala. Ok nako"

"Sige, andito lang ako kung kelangan mo ng tulong" nakangiti kong sabi.

Bumaba na sya ng sasakyan at naiwan ako dito. Nagtungo na sya paloob. Lumabas din ako ng sasakyan para makalanghap ng hangin ng biglang may nagsalita mula sa likod.

"Anong ginawa mo dito?"

Ngumiti ako "Kamusta pinsan, ah wag kang mag-alala sinamahan kolang si sabrina dito dahil gusto kadaw nyang kausapin"

Maangas lang nya akong tiningnan. "Umalis na kayo" sabi nya at nagpatuloy na paglalakad.

Nakakapanibago si troy ngayon. Naging brutal na sya. Hindi kona sya kilala.

"Sandali" pagpipigil ko sa kanya. Naglakad ako at lumapit sa kanya ng konti. "Naghihintay si sabrina sa office mo ngayon. At sa oras na may sinabi ka sa kanya na ikasasakit nya hindi ako magdadalwang isip na bugbugin ka harap ng mga tauhan mo dito"

Napatawa sya "Bakit? Nag-aalala ka sa kanya? Gusto mo sya?"

"Oo, nag-aalala ako sa kanya. At gustong-gusto ko sya!"

Natahimik sya sa sinabi ko. "Bakit parang kung umasta ka? Malapit ka sa kanya at ang dami mong alam sa buhay nya"

"Dahil ma's kilala ko sya kesa sayo. Mas una ko syang nakilala at minahal kesa sayo Troy. Hindi mo alam kung ano ang pinakawalan mo!" ngumiti ako. "....para sakin, maganda ang naging desisyon mong, dahil ma's madali ko syang makukuha sayo"

Humarap sya at kita ko ang pagkunot ng noo nya "A-ano?"

"Hindi muna kelangan pang alamin ang tungkol samin, ma's mabuti pang puntahan muna sya sa office mo. Naghihitay sya sayo" sabi ko at naglakad nako papalayo sa kanya at pumasok na sa loob ng sasakyan ko.

Sana lang Troy matauhan ka sa sinabi ko.

____________________




Sabrina's POV

May kirot at sakit padin akong nararamdaman sa puso ko. Hanggang ngayon hindi ko padin matang-gap ang mga nangyari.

Pinuntahan ko sya dito para kausapin at magpaalam sa kanya. Labag sa kalooban ko pero kelangan eh, para sa bandang huli nako masaktan pa.

Bumukas ang pinto. Naramdaman kong naglalakad na sya patungo sa mesa nya. Hindi kami nagkakatininginan at tahimik lang ang paligid. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Pakiramdam ko kasi may posibleng oras na iiyak ako. Kapag magsasalita ako pakiramdam ko iiyak na naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

May ilang segundo ako bago maka-imik. Relax lang sabrina kaya moyan, wag kang iiyak! Ipakita mo sa kanya na malakas ka at kakayanin mo.

"G-gusto kolang s-sabihin na--" putol na sabi ko dahil pinangunahan nya ako.

"Kung magmama-kaawa ka para hindi kita iwan please! Wag munang ituloy, umalis kana lang" seryosong sabi nya. Hindi aya nakatingin sakin at nakatutok lang sya sa loptop nya.

Ilang tulo ng luha ang pumatak sa mata ko. Umaasa ako na iba ang sasabihin nya, na magsosorry sya pero ito ang inabot ko. Pinapaalis lang nya ako na parang isang tauhan lang nya.

"T-troy, gusto kolang sana magpa-alam na sayo" sabi ko at humigop muna ang ng hangin para magpakalma sakin. "....bago ako umalis sa kompanya mo"

"Mabuti kung ganon. Mas mabuti nga kung mag resign kana, para hindi na kita makikita dito" tiningnan nya ako "...makakaalis kana"

Eto na naman yung sakit. Yung luhang patuloy na pumapatak. Ang sakit! Sobrang sakit! Kulang nalang ikalad-kad nya ako palabas. Tumayo ako at pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Gusto kolang sabihin sayo Troy na hindi ko pinagsisihan ang mahalin at makasama ka. Dahil isa yon sa mga masasayang ala-ala sa buhay ko. Kaya kung gusto muna talaga itong tapusin. Kung gusto muna akong hiwalayan. Hindi kita pipigilan. Ma's deserve mo ang babae na magpapasaya sayo ng sobra-sobra Troy. Sana maging masaya kana, dahil mula ngayon malaya kana."

Pagkasabi ko non, agad akong tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Pinahid ko ang mga luha kong patuloy na tumutulo. Ayokong makita nya akong luhaan. Masakit para sakin ang pakawalan sya ng ganon lang, dahil minahal ko sya ng sobra. Pero yun ang tama, hindi na nya ako mahal kaya hindi kona dapat ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng opisinang to, unti-unti ko 'nang kakalimutan ang lahat na masasayang ala-ala namin dito. Unti-unti kona syang buburahin sa buhay ko.



(Ako habang nagsusulat: 😭😭😭)

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon