Chapter 74

143 9 0
                                    

Isang linggo narin ang lumipas noong nagkita kami ni Troy at mula noon hindi kona sya nakita pang muli. Sabi rin ni Hunter hindi nadaw pumapasok pa si Namra mula non. Kaya ang daming tanong ng utak ko.

Dahil ba parehas ng school ang pinapasukan ng anak nya at anak ko. O baka naman si maxine yung may ayaw na maging kaibigan ng anak nya ang anak ko.

Para sakin ma's maayos iyon, para naman maging komportable si Hunter. Ang dami-dami nya kasing tanong tungkol sa pamilya ng kaibigan nyang si namra eh. Ayaw nya akong tigilan kakatanong hangga't wala akong maisagot.

"So ibig sabihin nagkita na kayo ni Troy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shantel.

Nag-nod ako. "Oo, noong nakaraang linggo lang naman. Parehas kasi ng school ni hunter ang pinapasukan ng anak nya eh" sagot ko habang nagta-type sa loptop.

Sa ngayon kasi working home muna ako. Ayaw kasi akong papasukin ni Marco sa opisina nya eh. Ewan koba sa taong yon? Apaka wirdo!

"Beh anak ni maxine hindi ni Troy"

Napatigil ako sa pagta-type. "Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Ay hindi mo alam?" Tanong pa nya na may paghawak pa sa labi na parang  gulat.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Umayos ng upo si shantel tska nagsalita. "Hindi totoong anak ni Troy si Namra" paliwanag naman nito.

Nangunot ang noo ko. Paanong? Bat ngayon kolang nalaman to? Bakit hindi sinasabi o kine-kwento manlang ni Marco sakin ang tungkol dito? O baka naman hindi nya din alam.

"Paanong? Akala koba nagpakasal sila ni Maxine kaya natural na mag ka-anak sila"

Nag taas balikat si shantel. "Hindi kodin alam? tagal na nilang magkasama pero wala parin syang anak kay Maxine"

Ibig sabihin wala talagang anak si Troy kay maxine? Kasal lang sila pero wala pa silang sariling anak? Pero bakit?

"Paanong nangyari?" Magulo ko paring tanong.

Nagbuga ng hangin si maxine. "Magpapakasal na sila ni maxine noon, pero huli na noong nalaman ni Troy na buntis pala si Maxine sa ibang lalake. Pero pinanagutan naman ito ni Troy kahit hindi nya ito sariling anak, tinuring nyang parang tunay na anak si Namra"

Parang ang bigat lang sa pakiramdam. Siguro nga mahal na mahal ni Troy si Maxine kaya handa syang maging tatay kahit hindi sya ang tunay na ama. Ang sakit lang kasing isipin, may sarili syang anak sakin pero wala manlang syang ginawa noon. Alam naman nya na may nangyari sa amin noon pero hindi manlang nya naisip na mabubuo iyon. Hinayaan lang nya akong mawala sa kanya. Hinayaan lang nya kaming mawala sa kanya.

Nakakatakot man akong malaman ni Troy na may anak kami. At ayoko rin naman na malaman nya na may anak kami. Pero bakit ganon? Bat ang sakit-sakit parin kahit ilang taon na ang lumipas. Iniisip ko, harap-harapan nyang nakita ang tunay nyang anak pero wala manlang syang naging emosyon o naramdaman.

Para sakin wala syang karapatan na maging tatay sa anak ko.

"Hindi ba 4yrs old lang din si Hunter?" Tanong ni Shantel.

Nag-nod naman ako. "B-bakit?" Atat na tanong ko.

"Halos magka-edad lang pala si Namra at Hunter" nagtatakang sabi ni shantel.

Napalunok ako. Oo nga magkaedad lang sila, pero hindi ko alam kung anong buwan ang birthday ng anak nila troy at maxine.

"Anong month ba si Hunter?" Tanong ulit nito.

Nagsimula ng mangamba ang dib-dib ko. Parang natatakot ako sa pwedeng malaman ni shantel sa pamamagitang ng mga tanong at pagtataka nya kay hunter at namra.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon