Epilogue

390 11 0
                                    


Sabrina's POV

Oo, alam ko sa sarili kong wala naman talaga akong isang salita. Ilang beses kong sinabi at ipinangako sa sarili ko na hindi kona sya muling papatawarin. Wala eh, kapag mahal mo talaga ang isang tao. Pilit mo syang patatawarin at iintindihin, tsaka mas lalo mopa syang mamahalin.

Pero ngayon, eto. Kasama ko syang tumanda. Kasama ko syang magpalaki ng dalawa naming anak na sina Hunter at Eliana.

Sobrang dami naming pinagdaanan mag-asawa. At ngayon, andito parin kami. Patuloy na nag-uunawaan at nagpapatawaran. Kasama nadon ang matibay na pagmamahalan.

"Eliana nakita mo ba kuya mo?" Tanong ni Troy sa bunso naming anak na si Eliana. Dalaga narin sya, at sobrang ganda pa. Syempre san paba magmamana kung di sa akin hahaha. 15 years old na sya at si Hunter naman ay 19 years old na ngayon. Katunayan nyan, birthday nya ngayon.

"Hay nako pa! Wag nyo ng hanapin, alam nyo na naman kung nasan yun."

"Hindi pwedeng wala sya, aba birthday nya  ngayon. Padating na mga lola nya eh." Sabi ko habang naghahanda ng pagkain.

"Asan ba kuya mo?" Tanong pa ulit ni Troy.

"Papa nakita ko sya sa Mall kanina may kasamang dalawang babae."

Napatawa ako. "Ano? Batang yon talaga!"

"Haha! Manang-mana sayo anak mo troy ah." Patawa na sabi ko.

Sinamaan nya akong tingin. "Tss..hindi ako naghanap ng babae noong mag shota pa tayo. Ikaw lang sapat na" sabay kindat sa akin.

Humalakhak ng tawa si Eliana. "Si papa ang jejemon talaga! HAHAHA"

"Hay nako, wala talaga kayong pinag-kaiba ng mama mo" sabi naman ni Troy kay eliana sabay lumayo na sa amin.

Nagtinginan kami ni Eliana tsaka tumawa. Lumapit sya sakin tsaka may inabot na paper bag.

"Ma, isoot mo yan mamaya ha! Binili koyan kanina sa Mall."

Binuklat ko ito para tingnan ang ibingay nya. Nagulat ako ng makita ko ang laman ng loob nitong paper bag.

"Nak naman, pagsosootin moko nyan? Eh halos hubad na yung likuran ko nyan eh. Tsaka anak, hindi ma bagay sakin yan, maedad nako. Nakakahiya naman!"

Napahilamos sya sa muka. "Mama naman eh! Halos nag effort ako para hanapin yan tapos hindi nyo naman pala sosootin" sabi nya sabay nag pout.

"Anak, pang-dalaga yan eh. Matanda nako oh"

"Mama, wag mong intindihin yang edad mo. Tsaka helo! Hindi naman halatang maedad kana, tingnan mo nga sarili mo Ma, ang kinis pa ng balat mo tsaka ang ganda parin ng hugis ng katawan mo!"

Hindi talaga sya nagpapatalo. "O sya bahala na mamaya, sosootin ko yan"

Niyakap nya ako tsaka hinalkan sa pisngi. "Aasahan ko mama ha! Iloveyou Mama."

Ngumiti ako sa kanya. "Iloveyoutoo anak ko"

"Oo nga pala Ma, nag chat sakin si Erela at Einica. Pupunta raw po sila"

"Oh edi maganda at makokompleto tayo" nakangiti kong sabi sa kanya.

Si Erela at Einica ay anak ni Shantel at Ayumi. Halos sabay namin sila pinagbubuntis na tatlo. Kaya magkaka-edad lang silang tatlo.

Natawa nga ako eh. Si Ayumi at Liam parin ang nagkatuluyan sa huli at nabuo nila si Erela. Si Shantel at drake naman ay ganon din, nabuo rin nila si Einica. At syempre si Gavin hindi nag-pahuli. Sila parin talaga ni Mira ang nagkatuluyan. Ang kaso eh wala parin silang anak. Sabi sakin ni Mira, ayaw na muna daw nila mag-anak.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon