Chapter 80

153 9 0
                                    


Maxine's POV

Sa apat na taon, naging masaya ako bilang isang asawa kay Troy at bilang isang ina kay Namra. Alam ko noon, hindi maganda ang pag-trato ko sa mag-ama ko. Naging masama akong ina kay namra at naging masama akong asawa kay Troy.

Pero hindi ibig sabihin non, hindi ko sila minahal bilang isang pamilya ko. Napagtanto ko kasi, sobrang swerte ko dahil meron akong sila na nagpapangiti sa labi ko, at bumubuo ng araw ko. Binago ko ang sarili ko, dahil naisip ko na sobrang naging masama ako noon kay Troy.

At noong tinanggap nya parin ako, don ko napagtanto na yung isang demonyitang tulad ko eh may patutunguhan ding mabuhay at magbago. Pinakasalan nya ako, at sobra padon ay ang pina-nagutan nya yung anak ko sa sinapupunan ko noon kahit hindi sya ang tunay na ama. Sa loob ng mahabang taon, kahit kelan hindi sya naging masamang ama kay Namra. Kung may bigayan lang ng award bilang isang the best tatay in the world. Suss, hindi mawawala si Troy doon. Dahil para sakin at kay Namra the best sya sa lahat ng tatay sa buong mundo.

Tinanggap parin nya buong pagkatao ko sa lahat ng masasamang nagawa ko sa kanya. Sa kanila ni Sabrina.

Ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Sabrina. Kinausap ko si daddy na makipag deal kay tito Mario noon ang ama ni Troy. Na kapag umuwe ako ng pilipinas eh magpapakasal kami ni Troy. At tinuloy din iyon ng daddy ko pati narin ni tito mario para lang din sa malaking pera at mas lalong lumago ang kanilang bussines.

Ramdam ko ang sakit na dinaramdam ni Troy noon dahil sa pag-iwan nya kay Sabrina. Noong mga araw nayun, gusto ko nang sumuko. Sinubukan ko kasing maging mabuting asawa kay Troy. Minahal at inalagaan ko sya tulad ng ibang ginagawa ng mga babae, tulad ng ginawa at pinaranas sa kanya ni Sabrina. Pero hindi iyon rason kung tuluyan ko na nga ba syang iwan. Mas lalo akong naging panatag at lumaban. At doon ko nakita ang tunay na pagmamahal. Sa masayang pamilya na pinaranas sakin ni Troy at Namra. Hindi ko alam kung minahal nga ba ako ni Troy, pero alam ko sa sarili ko na minahal ko sya ng sobra pa sa sobra.

Pero hindi sapat ang pagmamahal nayun kung hindi ko pa sya palalayain. Siguro kung hihiling ako ng mga bagay na gusto kong mangyare? Yun ay ang mabuo ulit ang totoong pamilya nya. Ang mabuo ulit ang masasayang pinagsamahan nila ni Sabrina.

Bumuhos ang luha sa dalawa kong mata habang mahigpit na nakayakap sa aking anak na si Namra.

"Mama don't cry na po, madali ka po nyang tatanda eh" sabi ni Namra tsaka pinahid ang luha sa aking pisngi.

Ngumiti ako. "Masaya lang ako baby dahil tinanggap mo ang katotohanan. Alam kong mahirap para sayo ang lahat, kaya sana mapatawad mo si mommy"

"Mama hindi mo po kailangang humingi ng tawad. Kahit noon po talaga alam kona ang totoo na hindi ako tunay na anak ni daddy troy, at masaya parin po ako dahil naging daddy ko sya" nakangiti nyang sabi.

"Baby? Alam mong hindi ka totoong anak ni daddy troy mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Ngumiti sya. "Mommy, sa tuwing nag-aaway kayo ni daddy noon, naririnig ko po kayo. Ang lakas lakas po kayo ng boses nyo" saad nya pa.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero masaya parin ako dahil sa bata nyang edad eh mulat na sya sa reyalidad.

Natawa ako. "Ikaw talagang bata ka!" Sabay pisil sa pisngi nya.

"Mama" mahin-hing tawag nya sakin.

"Baby?"

"Hindi po ba sabi nyo? Ang tunay na anak ni daddy troy eh si Hunter? Ibig po sabihin non eh, mag-asawa si daddy Troy ko at tita Sabrina noon?"

Nagulat ako sa mga tanong nya. "Baby masyado ka pang bata para dyan, kaya hindi muna kailangan pang malaman ang tungkol doon. Basta ang mahalaga eh alam may kapatid ka at si Hunter iyon"

"Hindi po ba mommy, hindi ko tunay na ama si Daddy? Pero bakit kapatid ko po sya?" Tanong pa nya.

Eto talagang batang to! Hindi ko alam kung saan-saan nya nalalaman ang pag-uusisa sa mga bagay-bagay.

"Syempre tinuring kang anak ni daddy troy mo kaya kapatid narin ang turing mo kay Hunter ok?"

Ngumiti sya tsaka ako niyakap.

"Let's go baby baka mahuli pa tayo sa flight natin eh" aya ko sa bata.

Mabilis naman syang bumaba sa kama tsaka kinuha yung maliit na bag nya tsaka isinagbit sa maliit nyang braso. Hinila konarin ang maleta kong may lamang gamit.

Mabilis ang pagkilos ko dahil baka maaubutan pa kami ni Troy. Hindi nya alam na aalis kami ng bansa. At wala akong balak na sabihin pa sa kanya. Ok narin yon, ayoko ko kasing may isipin pa syang iba. Alam ko namang madami syang problema na dapat ayusin kaya siguro mabuti na lumayo muna kami ni Namra para makapag isip-isip naman sya.

"Baby faster lang ha" sabi ko sa kanya habang palabas ng bahay.

"Mommy hindi nyo po ba sasabihin kay daddy na aalis tayo?" Tanong pa nya.

Lumuhod ako para mapantayan sya. "Baby hindi pwede eh" tsaka ako ngumiti sa kanya.

Alam ko kapag sinasabi ko sa kanya hindi sya papayag ayoko namang maka abala pa kami ni namra sa kanya.

"Pero mommy magiging sad si daddy kapag umalis tayo na hindi nya po alam, ayoko po na sad sya"

Hinaplos ko ang manipis nyang pisngi. "Baby naiintindihan kita, alam kong nag-woworry ka kay daddy mo. Pero kelangan natin tong gawin, kelangan muna natin syang iwan para maayos nya yung problema nya. Then kapag ok na tsaka tayo babalik, ok ba iyon anak?"

"Iiwan nyo din ako ni Namra? Bakit?"

Nagulat ako sa boses mula sa likuran ko. Binaling ko ang ulo tsaka sya tiningnan.

"T-troy?" Gulat na tawag ko sa pangalan nya.

Mabilis syang lumapit sakin tsaka hinawakan ang aking kamay.

"Maxine please! Dito lang kayo ni namra" nagmamaka-awa nyang sabi sakin.

"P-pero troy, may dapat kang ayusing problema"

"Aayusin ko yun ng kasama kayo ni namra. Ang anak ko na si namra ang naging inspirasyon ko noong may problema ako. At ngayong may kelangan ulit akong ayusin, gusto ko andito lang sya sa tabi ko, at ikaw maxine."

"T-troy"

"Maxine please wag mo ilayo sakin ang bata, hindi ko kaya na pati si namra eh mawawala sakin"


Pinahid ko ang luha sa pisngi nya. "Troy hindi ko ilalayo sayo si namra, kelangan mo muna naming umalis para makapag-isip ka."


"Pero maxine hindi nyo naman kailangang umalis eh, aayusin ko ito ng kasama kayo!"


Ngumiti ako sa kanya tsaka ko inalis ang kamay nyang nakahawak sa akin.


"Troy nanga-ngako akong babalik kami ni Namra. Makakasama mo ulit ang bata, kailangan naming lumayo muna. Isipin mong makaka-apekto ang problemang to kay namra, pati narin sa anak mong si hunter"


Humakbang sya papalayo sa akin. "Kung iyan ang desisyon mo, sige. Pero sana tuparin mo parin ang pangakong makakasama ko ulit ang anak ko. Napamahal na sakin si Namra, at hindi ko kaya pati sya ay mawala sa akin"

Yumakap si Namra sa tuhod ni Troy. Lumuhod naman si Troy para mapantayan si Namra.


"Daddy troy, love na love po kita. At nangangako po kami ni mommy na babalikan ka namin" sabay nyang hinalikan si troy sa pisngi.

"Oo baby hihintayin ko kayo ni mommy mo" sabay mahigpit na niyakap nya ang bata.

Sorry troy! Pero kailangan ko itong gawin. Kailangan mo munang mag-isa at makapag isip-isip manlang.

At pag dumating ang araw na maayos na ang lahat, sisiguraduhin kong makakasama mo na ulit si Namra.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon