Gavin's Revelation
Gavin's POV
Andito ako ngayon sa parking lot, nakasandal sa aking sasakyan habang nainom ng alak at nagyoyosi.
Halos lahat ata ng luha ko ay nailabas kona. Sobrang nasaktan ako sa pag amin ko kay sabrina. Expected ko na naman na hindi nya ako sasagutin eh. Sa gagong tulad ko, alam kona hindi sya babagay sakin.
Mula noong nakilala ko si Sabrina hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kanya ng sobra. Ang napaka-amo nyang muka at napakabait nyang babae. Halos ibang-iba sya sa nakilala ko. Matagal na akong nagkakagusto sa kanya pero hindi sinasabi at pinapahalata dahil ayoko malaman nya agad dahil natatakot ako na baka iwasan nya ako. Pero nitong nangyari ngayon, feeling ko magkakatotoo. Ayoko na lumayo ang loob nya sakin. Ayokong iwasan nya ako.
Sorry Gavin..
Sorry Gavin..
Sorry Gavin..
Halos hindi matang'gal at nag e-eco sa isip ko ang masakit na sagot ni Sabrina nung tinanong ko sya na kung pwede bang maging boyfriend nya ko. Tss.. kahit ako mismo nadadalian sa pagtanong ko sa kanya ng ganon. Sino ba ako? Isa lang naman akong malapit nyang kaibigan. At yun lang ang turing nya sakin.
Pero ang mahalaga ngayon naging matapang ako dahil na-amin ko sa kanya na mahal at gustong gusto ko sya kahit ni reject nya ako. At hindi ako magtatanim ng galit o sama ng loob sa kanya. Para sakin sya parin yung Sabrina mahal na mahal ko. At tatang'gapin konalang siguro na hanggang magkaibigan lang kami.
"Awwww" daing ko dahil bigla nalang may bumatok sa akin.
"Drake? Anong ginawa mo!" Sigaw ko
"Kanina pa kitang hinahanap dude bakit mag-isa kang nagmu muk-mok dyan?" Tanong nya.
Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya nangyari.
"Ah..eh.." sabi ko at nagiisip ako kung ano ba talaga ang sasabihin ko.
"Ah..ehh..ih..ohh.uhh.. ganon ba dude! Nice!! back to kinder kana pala ngayon ha! Haha" pang-asar nya.
Binatukan ko sya "Uto-uto"
"Aray! Lasing kana nga haha!" Sabi pa nya. Tss.. sino kaya ang lasing samin halos mapula na ang buong muka nya kesa sakin eh.
"Hoy! Punyeta ka! Kanina pa kita inaantay sa loob, yan tuloy walang nag-aya sa aking sumayaw" sigaw ni Shantel na may kasamang batok.
"Awww...Napaka amazona talaga ng babaeng to!" Angal ni Drake.
Haha! Double kill si drake ngayon. Buti nga sa mokong nayun.
"Bakit ako? Ang daming lalaki sa loob ah" angal ni drake habang nakanguso.
"Abaa! Aangal ka pa ha! Eh sa ikaw ang gusto ko eh" mataray na sabi ni shantel.
Ang saya nilang tingnan para silang aso at pusa. Bagay sila, pero hindi ko maintindihan kung bakit lagi silang nagtatalo haha! Siguro ganon talaga no? Haha! Halata ko naman na may gusto si shantel kay drake pero si drake hindi nya halata. Ewan koba dito kay drake eh maganda at sexy naman si Shantel tss...
"Sige dude una na kami" paalam ni drake.
"Teka! Asan nga pala si Sab? Diba kasama mo sya kanina?" Tanong ni shantel.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Baka pag sinabi ko ang totoo masira ang gabi ni drake ng dahil sakin.
"Nagpaalam sya sakin kanina eh, pero diko alam kung san sya nagpunta" sagot ko.
"Ahhh.. siguro nasa loob na, sige ha pasok na kami" sabi nya at naglakad na palayo sa kin.
Habang naglalakad sila papalayo pana'y ang pagtatalo nila para silang bata haha!
Tiningnan ko ang relos ko at mag aalas-dose na ng gabi. Medyo nakainom narin ako at umiikot narin ang paningin ko. Siguro kelangan konang umuwi para makapagpahinga at makapagisip. Pero parang nagu guilty parin ako dahil iniwan ko mag-isa si sabrina. Baka kung anong mangyari sa kanya.
Naglalakad ako pabalik na garden para balikan si sabrina.
"Teka, sasakyan yun ni Troy ah" bulong ko at lumapit ako para makita kung sasakyan nga ba nya.
Bigla nalang tumulo ng kanya ang luha sa dalwang mata ko. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko at sobrang sakit. Ang sakit sakit!
Si troy at Sabrina?
Nakita ko si Sabrina at troy na magkayakap sa loob ng kotse. Kanina ang daming tanong sa isipan ko. Pero ang lahat ng yon ay nabigyan ng kasagutan ngayon.
Napagtanto ko na, siguro nga hindi kami para sa isat isa. Siguro nga ginamit lang sya ni lord para baguhin nya ako. At si Sabrina yon. Sya ang nagbago sakin. Siguro nga hanggang dito lang ako. Hanggang kaibigan lang.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomantikSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...
