Chapter 70

191 14 2
                                    


Mira's POV

Pagtapos naming mag-ayos at maghanda para sa pagdating nina Sabrina, kinausap ako ni tsang Neli.

"Alam kong naguguluhan ka, Mira"

Talagang naguguluhan ako. "Tsang Neli, hindi ko po maintindihan eh. Alam ko naman po na Apat na taon ng wala si Sabrina dito at kasama nya si Marco kaya hindi malabong maging sila. Pero ang ikinagulat ko talaga, si Sabrina at Maco ay may anak na!?"

"Shh....ano kaba Mira! Wag kang maingay, sayo ko lang ito sinabi" puna sakin ni Tsang.

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon. Pero nagingibabaw talaga yung saya sa puso ko. Sobrang excited nakong makita si Sabrina pati narin ang little boy nya.

"Matagal nyo na po bang alam tsang?" Tanong ko.

"Hindi, noong nakaraan lang. Kinausap ako ni Mam Elise tungkol don at bilin nya sakin na wag ko ng sabihin pa sa iba. Pasensya na Hija, hindi ko nasabi sayo, ayokong malaman pa ng iba eh"

Ngumiti ako kay tsang neli. "Tsang ok lang, atleast ngayon alam kona at magkikita na ulit tayo"

".....pero wala parin po bang alam sina Ayumi o shantel dito?"tanong ko.

"Wala pa hija, balak nila na isorpresa sila. Kaya hayaan nalang natin sila" sabi ni tsang neli habang nakangiti.

Nag nod ako. Tama si tsang, dapat hayaan na namin sila. Sobrang saya ng puso ko. Si Sabrina ay may baby boy na. Kwento sakin ni tsang, 4yrs old ndaw sya. Kaya hindi ako makapaghintay na makita sila.

Masaya parin ako na si marco ang nakatuluyan ni sabrina bandang huli. At sa loob ng mahabang taon, nakabuo na sila ng isang pamilya.

(Guys sensya na ulit madaming POV dito hehe, gusto ko kasi malaman nyo lahat ang reaction ng malapit na kaibigan ni sabrina sa nangyari sa kanya)

Ayumi's POV

Napansin ko sila Yaya neri at Mira sa kusina kaya lumapit ako sa kanila.

"Yaya! Mira!" Tawag ko.

Ng tinawag ko sila sabay silang humarap sakin. Parang gulat at namutla silang dalawa nong tinawag ko silang parehas.

"A-ayumi k-kanina ka pa?" Atat na tanong ni Mira.

Umiling ako. "Hindi ngayon lang, bakit?"

"Wala naman hehe"

"Ikaw talaga mira" sabi ko tsaka napatawa. "Nga pala, yaya dumating na yung ilang inorder nating pagkain. Pwede po kayo nalang mag-ayos non?" Sabi nya kay tsang.

Agad namang pumayag si tsang neli tsaka sya naglakad papunta sa inihanda naming venue sa labas ng bahay ni sabrina.

Umupo si Ayumi sa tabi ko. "Mira, alam mo hindi nako makapaghintay, sobrang miss kona kasi yung bestfriend nating yun eh"

"Ako nga din ayumi eh, pero nasanay ako sa sabrina noon. Sana hindi sya nagbago"

"Ano kaba! Alam kong si Sabrina parin yung makikita natin mamaya" sabi ko.

Alam kong ang iniisip ni Mira, nag-aalala sya para kay sabrina. Kahit ako nagaalala din eh, pero malakas ang pakiramdam ko na yung dating sabrina parin yung makikita namin ngayon, at walang magbabago sa kanya. Sya parin yung bestfriend ko.

Tumungo kami ni mira sa labas para tumulong pa sa mga dapat gawin. Paglabas namin bumungad sina liam at drake na nagtatalo at nagkukulitan, isama narin si ate shantel na nakikisama sa tatlo.

"Dito kasi yan!" Pasigaw na sabi ni ate shantel.

"Hindi pede dyan bhie dyan unang dadaan sina Sabrina baka mamaya makasakit payan!" Sabi naman ni drake.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon