Sabrina's POV"Sorry Sabrina, dapat pala hindi ko naisip yon. Edi sana walang gulong nangyari kanina, tsaka kung di dahil sakin edi sana hindi nya malalaman ang tunay"
Hinawakan ko ang kamay nya tsaka nginitian ng malumanay.
"Marco wala kang kasalanan, hindi ba sabi mo walang lihim na hindi mabubunyag. Oo yung lihim nayun ay kinatatakutan kong malaman ng lahat lalo na si Troy. Pero wala akong magagawa, nangyari na at alam na nya"
Niyakap nya ako. "Alam kong may mali rin ako, ikaw yung ina ni Hunter at dapat ikaw ang magdedesisyon, pero pinangunahan kita. Sorry Sabrina, sorry talaga"
"Naiintindihan kita Marco, alam ko ang nararamdaman mo. Concern ka kay Hunter at ganon din ako"
Kumalas sya sa pagkakayakap. "Anong balak mo ngayon? Ipapakilala mo na ba syang Ama kay hunter? Sasabihin muna ba ang totoo?" Seryosong mga tanong nya.
Umuling ako. "Hindi"
Nangunot ang noo nya tsaka nya akong tiningnan.
".....hindi ko naisip na ipakilala sya bilang ama ni Hunter, hinding-hindi ko sya ipapakilala kay hunter"
"Pero Sabrina? Kakalabanin ka ni Troy, maghaharap kayo sa korte. Ipaglalaban at ipaglalaban nya ang anak nya" nag-aalala nyang sabi.
"Anak kodin sya! at mas may karapatan ako kay Hunter. Ako ang tumayong ina nya at ikaw ang tumayong tunay nyang Tatay. At ayoko ng mabago pa iyon Marco, sana naiintindihan moko"
"Naiintindihan kita Sabrina, pero paano si Troy? Malalaman at ma-aapektuhan ang bata sa mga mangyayare, kilala ko si Troy, sabrina. Ipaglalaban at a-angkinin nya kung ano ang dapat sa kanya."
"Pwes ipaglalaban kodin ang anak ko. Kung kelangan mag harap pa kami sa korte, sige gagawin ko. Alang-alang lang sa anak ko. Hindi nya pwedeng basta angkinin nalang si Hunter ng ganon-ganon nalang. Matapos nya akong iwan at pagtabuyan? At noong nalaman nyang may anak kami, akala nya basta-basta lang nya makakasama at makukuha ang loob ng anak ko?"
"...pwes mali sya, anak ko si Hunter. Anak ko lang"
"Alam ko kung gaano ka pinatibay ng sakit na pinaramdaman nya noon Sabrina. Pero hindi ibig sabihin non, gaganti ka sa kanya. May nabuo sa pagmamahalan nyo noon sabrina"
Hinawakan ni Marco ng mahigpit ang kamay ko. "Kaya dapat lang na may karapatan din sya bilang ama ni Hunter" malumanay na sabi nya.
Hindi ko alam kung pakiking-gan ko si Marco sa sinasabe nya. Mahirap kasi eh, sobrang hirap tanggapin ulit ni Troy. Hindi man sa akin, pero sa anak ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari, kung pinagtabuyan nya ako noon, natatakot ulit ako na baka pagtabuyan nya ulit ako. Hindi lang ako kundi ang anak ko.
****
Maaga akong nagising dahil niligpit ko ang gamit ni Hunter. Sa ngayon, dadalhin ko muna sya kay'na Mama sa Batangas. Hindi kasi ako mapakali kapag andito si Hunter, baka bigla nyang kunin sakin ang anak ko. Mas makakabuting andon muna sya sa piling ni Mama dahil alam kong safe sya.
"Yaya neli, ikaw na muna ang bahala kay Hunter ah"
Ngumiti sya tsaka nya ako niyakap. "Oo sabrina, ako na bahala basta ipangako mo na magiging ok ang lahat kapag bumalik si Huntet dito ah. Pag-isipan mo rin ang sinabe ko sa iyo kagabi."
Hinawakan nya ang aking pisngi. "Hija lagi mong tatandaan, mas mabuting magpatawad kesa mag-tanim ng galit sa mahabang panahon"
Nag-kwento ako kay Yaya neli kagabi lang at sinabi konarin ang totoo sa kanya. Pinayuhan at kinausap naman nya ako, at laking pasalamat ko gumaan medyo ang pakiramdam ko. Parang nasa tabi konarin si mama kahit na malayo sya sa akin.
Wala kasing alam si Mama at kuya sa mga nangyari eh. Wala akong balak na sabihin sa kanila na alam na ni Troy ang totoo. Ayokong lumaki at dumag-dag pa ang problema nila at ayokong mag-alala pa sila sa akin.
Nag-nod ako tsaka ngumiti. "Opo Yaya neli, maraming salamat po ah"
Pagkasabi ko non agad kong niyakap ang aking anak. Mamimiss ko sya, sobra pa sa sobra. Medyo matagal ko syang hindi makakasama dahil, aayusin ko ang dapat ng ayusin.
"Mama sigurado po kayo na hindi po kayo sasama sa amin ni Yaya?" Inosenteng tanong ni Hunter.
Hinaplos ko ang malambot nyang buhok. "Sorry nak, may aayusin lang si Mommy, at promise ko sayo kapag naging ok na ang lahat, kami mismo ni Daddy marco ang kakaon sayo kay'na lola mo ah"
Ngumiti sya. "Sige po Mama" sabay halik nya sa aking pisngi. "Mahal na mahal po kita mama, ingat po kayo lagi ni daddy ha"
Ngumiti naman ako tsaka sya niyakap ulit. Pagkalas ng yakap sa kanya kinuha naman ni Marco si hunter sa akin.
"You promise baby na magbabait ka kay Lola at Yay neli ah?" Sabi ni Marco kay hunter sabay niyakap at hinalikan nito sa noo.
Hindi ko kayang sabihin o ipahalata sa kanya kung ano ang mga nangyayare ngayon. Pakiramdam ko ang sama kong tao. Ang sama-sama kong ina. Lagi konalang tinatandaan na para kay hunter ang ginagawa ko, para sa kapakanan nya.
Inaya kona si Marco sa loob ng maka-alis sina Yaya at si Hunter.
"Uminom ka muna" alok sakin ni Marco ng tubig.
Kinuha ko ito tsaka ininom. Sa ngayon madaming pumapasok sa utak ko, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin o ano ang susunod kong gagawin.
Unang plano ko na ilayo ang anak ko sa Ama nya. Ginawa ko yun para hindi na nya malapitan o makuha ang bata sa akin habang nag-hahanap kami ng magaking na abogado.
"Anong susunod mong gagawin Sabrina?" Tanong ni Marco.
"H-hindi ko alam, wala pa akong naiisip na paraan para patunayan sa kanya o sa ibang tao na hindi sya ang ama ng anak ko"
"Sabrina wala kang dapat patunayan, kahit ilang abogado pa ang kuhanin mo, si Troy at si troy parin ang ama ni hunter"
Tiningnan ko sya. "Alam ko"
"....alam ko Marco, pero wala na bang ibang paraan para mawalang bisa ang sampa nyang kaso sa akin?"
"Wala na Sabrina, ang kelangan mo lamang ay harapin at humanap ng magaling na abogado para labanan sya"
Isang oras kaming nag-antay sa kinuha ni Marco na abogado. Ugagang-ugaga ako at hindi ko alam kung paano tumigil sa paglalakad sa harapan nilang dalawa.
"Sabrina pwede ba umupo ka muna? Walang mangyayari kung umuli ka ng umuli sa paglalakad" ani ni marco.
"Attorney sabihin mo, hindi ba ma's may karapatan ako sa anak ko? Ilang taon ko syang inalagaan at minahal, kaya may tyansa na hindi sya manalo hindi ba?" Balisang tanong ko kay Atty. Salazar.
"Tama ka Ms. Sabrina, pero may tyansa parin si Mr. Troy na mapalapit sa bata at may karapatan parin ang bata na malama nya ang tunay nyang ama." Paliwanag sakin ni atty.
Nangunot ang noo ko. "Ano? Anong ibig nyong sabihin?"
"Ms. Sabrina, lahat tayong mga tao may sari-sariling karapatan. Ma'pa bata 'man o matanda"
Lumapit ako sa knila. "So ibig sabihin, kahit manalo ako, o ipawalang bisa nya ang sinampa nyang kaso may pagkakataon syang maging-ama sa bata? Tama ba?"
"Actually Ms. Kung itutuloy nyo parin ang kaso at manalo kayo, tuluyan ng maililipat ang apelyido ng anak nyo kay Mr. Marco kahit hindi sya ang tunay na ama ng bata. Pero may karapatan parin si Mr. Vergara na makita o makasama nya ang inyong anak"
Nagkatinginan kami ni Marco. "Sabrina nasasa-iyo ang desisyon kung itutuloy o ilalaban mo ang kaso. Basta lagi mong tatandaan na andito lang ako sa tabi parang tulungan ka" ani ni Marco.
Huminga ako ng malalim tsaka nirelax ang sarili ko.
"Attorney ilalaban ko ang sinampa nyang kaso sa akin"
Ngumiti sakin si Marco na parang sinasabi nya na kaya ko. At nasa tabi lang nya ako at hindi iiwan.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...