Sabrina's POV
Isang araw ng nakalipas mula noong umuwe kami galing baguio. At hanggang ngayon, iniisip koparin yung nangyari sa amin ni Troy. Hindi kodin inaasahan nung araw ding yon, iniwan nya kami ni hunter sa baguio. Pag-gising ko wala na yung gamit nya, pati yung sasakyan nya. Pero may driver at sasakyan naman na naghihintay sa amin ni hunter para makauwe.
Pana'y nga ang tanong sakin ng anak ko kung bakit daw ang bilis namin magbakasyon, at kung bakit daw kami iniwan agad ng papa nya. Gumawa nalang ako ng ibang dahilan para may masabi lang ako sa anak ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, kahit ayaw na ayaw kong mag-sinungaling sa kanya. Naiintindihan ko naman sya, yung sitwasyon nya. Alam kong labis ko syang nasaktan. At yung araw ding yon, sobrang gulo ng utak ko kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin kopa sa kanya. Hindi parin ako handa sa gusto nyang mangyari. Andito parin kasi yung sakit eh, kahit alam kona naman yung katotohanan kung bakit sya nakipaghiwalay sa akin noon.
"Tulala ka ata?"
Bigla akong napalingon sa babagong dating na si Marco.
Ngumiti ako sa kanya. Tumabi naman sya sa tabi ko. "May iniisip lang"
"Talaga? Sino naman? Ako ba'yan?" Patawa nyang sabi.
"...biro lang. Ano ba iniisip mo?"
Tumingin ako sa kanya. "Marco nag-usap na kami ni Troy"
Bigla nalang naalis ang ngiti sa muka nya at napaltan ito ng lungkot. "Anong pinag-usapan nyo? N-nagtapat na sya sayo?"
Nag-nod ako. "Oo"
"Talaga? Pinatawad mo na ba sya?"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Oo pinatawad kona sya"
Ngumiti sya sa akin tsaka sya tumingin sa malayo. "Masaya para sayo Sabrina, at lalo na kay hunter."
Tiningnan ko syang nakatingin parin sa malayo.
"......isa din yon sa hinihiling ko kay god. Ang mabuo kayo bilang isang masayang pamilya. At sa tingin ko naman eh, natupad yon. Pinatawad mo sya, at hindi malabong mahulog ulit ang loob mo kay Troy."
"Humingi sya ng sorry sakin. At walang pag-aalinlangan ko syang pinatawad, pero gusto nyang bumalik kung anong meron kami dati."
Mabilis nya akong tiningnan. Hindi sya nagsasalita at hinihintay nya ang mga susunod kong sasabihin.
"P-pero Marco, h-hindi ko kayang ibalik pa ang masasaya naming nakaraan."
Hinawakan nya ang kamay ko ng sobrang higpit. "Sabrina, hindi. Mali ka"
".....alam kong kaya mo. Dahil hindi ka pa handa. Oo, alam kong nasaktan ka ng sobra, dahil sa nagawa sa iyo ni troy. At ngayon, alam muna ang katotohanan."
Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Marco hindi mo ako naiintidihan"
"Alam kong naguguluhan kalang Sabrina. Alam mo sa sarili mong, mahal mo pa sya, andyan parin sya sa puso mo"
Tama sya. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga magawang kalimutan sya. Kahit anong pilit ko sa sarili kona kalimutan sya, hindi ko kaya. Dahil pilit syang pumapasok sa isip at puso ko. Sa tuwing nakikita ko yung anak ko, bumabalik lahat ng nakaraan ko.
"Marco bakit mo ba'to ginagawa? Bakit pilit mo syang tinataboy sa akin?"
"Kasi mahal ka pa nya Sabrina. Sa tuwing nag-uusap kami, ramdam ko ang galit nya sa akin. Nasasaktan sya kapag nagke-kwento ako ng masasaya nating ginagawa habang kasama natin ang anak nyo. Kahit hindi nya sabihin sa akin, alam kong mahal kaparin nya. Pinsan kodin si Troy, sabay kaming lumaki dahil kababata ko sya. Kilalang-kilala ko sya sabrina, kaya please paniwalaan mo lahat ng sinasabi ko sayo"
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomansaSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...