Marco's POVIlang beses kong tinanong ang sarili ko na' makasarili ba ako? Wala ba akong kwentang ama kay Hunter. Pinag-kait ko sa bata na malaman nya kung sino ang tunay nyang ama. Mahigit apat na taon naming tinago sa bata ang katotohanan. Naging pabor din kay Sabrina ang mga ito. Sinoportahan at tinulungan ko syang makabangon, tinulungan ko syang palakihin si hunter na tinuturing kong anak ngayon. Sa bawat tanong ng bata tungkol sa pagiging-ama ko sa kanya, hindi ko alam yung isasagot ko. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao, dahil puro kasinungalingan lamang ang sinasabi ko sa bata. Hindi korin masisisi ang sarili ko dahil napamahal nako ng sobra kay hunter, kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman nya ang totoo.
Pa ulit-ulit na sumasagi sa isipan ko mga sinabi ni Gavin noong nakaraang araw.
"Hindi ginusto ni Troy na iwan si Sabrina noon, may rason sya kung bakit nya ginawa iyon"
Tumatak sa isipan ko ang sinabi nyang yon. Nalaman ko ang totoo, dahil kiniwento ni Gavin ng malinaw sa akin.
Dahil kay Tito Mario Vergara, ang ama ni Troy kaya nakipaghiwalay sya kay Sabrina. Nung nalaman ko yon, may naramdaman aking galit kay Tito, hindi ko alam na gagawin nyang pagbataan ng masama ang pamilya ni sabrina para lang mapaghiwalay ang dalawa. Noong nalaman ko yon, tingin ko sa sarili ko na ang sama-sama ko talaga. Kaibigan at malapit kong pinsan si Troy, pero hindi ko manlang sya natulungan noon sa problema nya. Parang naging masama akong kaibigan sa kanya. Alam ko kung gaano nya minahal ng sobra si Sabrina noon, pero hindi ko manlang naisip na may rason pala sya kung bakit nya tuluyang iniwan si sabrina noon.
Iniisip ko rin kung dapat bang malaman ni Sabrina ang totoo ga'yon na tahimik at payapa na ang buhay nya ngayon.
Pano na lang kung nalaman nya ang totoo? Paano ako? Mahal ko sya ng sobra-sobra at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa sila ni hunter sa buhay ko.
Sa ngayon iisipin ko muna ang kasiyahan ng ibang tao kesa sa sarili ko. Siguro mas mabuti na malaman nya na may anak syang apat na taong gulang na lalaki.
At sa oras na malaman ni Sabrina ang totoo. Paano ko sasabihin ang totoo? Paano ako?
Paano yung kasiyahan? At pangarap ko sa mag-ina ko?
Siguro tama na yung apat na taon na nakasama ko silang dalawa. Tama si Papa may mahalagang tao na mapapasayo pero hindi ibig sabihin non ay andyan lagi sila sa tabi mo. May karapatan si troy na malaman kung ano ang totoo.
Kaya ibibigay ko sa kanya iyon.
Sabrina's POV
Nawirduhan ako sa babagong pasok na si Marco na parang wala sa sarili.
"Marco andyan kana pala?" Bungad ko sa kanya.
Pag-pasok palang nya sa pinto sinalubong nya agad ako ng mahigpit na yakap.
"M-marco ayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya, at hanggang ngayon ay naka-akap parin sya sakin.
Hindi ko sya magawang yakapin dahil malansa yung kamay ko sa paglilinis ng bangus na pang-hapunan namin ngayon.
Nag deretso sya sa sala namin na walang imik na parang may iniisip sya na kung ano. Mabilis akong nag-hugas ng kamay at pumunta patungo sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka tumabi sa kanya. Hinawakan ko parehas ang kamay nya.
Malumanay ko syang nginitian. "May problema kaba?"
Hinawakan nya ang pisngi ko at malumanay nya rin akong nginitian.
Umiling naman sya. "Pagod lang ako"
Lumapit ako sa kanya tsaka niyakap. "Hindi ba sabi ko sayo, handa kitang tulungan kapag pagod kana sa lahat. Andito lang ako Marco para damayan at tulungan ka" kumalas ako ng yakap at humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...