Chapter 82

148 8 0
                                    

Troy's POV

Itinigil ko ang aking sasakyan sa isang parke. Bumaba ako at bumungad sakin ang hampas ng hangin.


"Kuyang pogi, bili na po kayo ng bulaklak mabango po ito at tsak na magugustuhan po ito ng inyong girlfriend" nakangiting alok ng batang lalaki.

Hinaplos ko ang buhok ng bata. "Magkano ba yan toy?"

"70 po isang tali, pero 50 nalang po para sa inyo" nakangiting sabi ng bata.

Natawa naman ako. Lumuhod ako para mapantayan sya. "Dahil mabait ka? Bibilhin ko yan lahat sayo. Ipangako molang sakin na magbabait ka? Ayos ba yon?"

"Wow talaga ho? Ang bait nyo naman ho, siguro ang ganda-ganda ng girlfriend nyo? Ang pogi nyo kasi eh"

"Tss.. nang-bola kapang bata ka!"

Kinuha ko ang pitaka ko tsaka binigyan sya ng pera.

"Nako kuyang pogi ang laki ho nito, wala akong panukli"

"Sayo nayan, dahil tinawag mo akong pogi" sabi ko sabay kindat.

"Nako salamat ho, napakagandang papasko neto sa pamilya ko" masayang wika ng bata.

Masaya nyang inabot sa akin ang paninda nyang bulaklak. Inisip ko na kung saan ko ba pwedeng ibigay ang bulaklak na ito.

Papasok na sana ako sa sasakyan ng biglang tumunog ang aking telepono.

"Hello mom?" Panimula ko.

"I need to talk to you son" sagot ng boses lalaki.

Dad.

Mabilis kong naimaneho ang aking sasakyan at mabilis din akong nakarating sa bahay ko. Pagbukas ko ng pinto nakita kona agad si daddy at mommy na nakaupo at may seryosong mga muka.

Napa-isip ako. Hindi sila madalas na pumarito at hindi ko inaasahan na dumalaw sila dito ngayon dahil ang alam ko'y kakaalis lang nila papuntang Vietnam para sa isang bussiness trip.

"Mom, dad" bati ko sa kanila tsaka ko bumeso kay mom.

Tiningnan ko agad si mommy na may seryosong muka. Habang si daddy naman ay hindi ko malaman ang emosyon.

"What are you doing here dad?"

"I need to talk to you, about your ex-girlfriend" seryosong sabi ni dad.

Nangunot naman ang aking noo. "What are you saying dad? My ex girlfriend?"

"Oo anak, tungkol kay Sabrina at sa anak nyo"

Mabilis akong lumingon sa sinabi ni mom. Paano nila nalaman ang tungkol doon? Wala akong isang salita n sinabi sa kanila ang tungkol doon dahil wala talaga akong balak sabihin sa kanila muna yon.

"You can't deny it son, sabihin mo ang totoo?"

"San nyo nalaman ang tungkol dyan?" Seryosong tanong ko.

"Troy anak hindi na mahalaga kung saan pa namin nalaman ng daddy mo ang tungkol doon, ang gusto lang namin marinig ang katotohanan" ani ni mommy.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pa sa kanila. Hindi rin naman nila ako paniniwalaan kung itatanggi ko pa ang nalaman nila. At kung mag sinungaling man ako ngayon alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan para malaman ang totoo.


"Mom, Dad. Hindi kona kelangan pang ideny ang nalaman nyo. Oo, anak ko si Hunter anak namin sya ni Sabrina."

Gulat at hindi ko malaman ang emosyon sa mga muka nila. Si mom, alam kong masaya sa narinig at nalaman nya. Pero si dad, hindi ko alam. Natatakot ako sa pwede nyang gawin. Kinatatakot ko rin, kapag may ginawa sya kay Hunter ay tuluyan na ilayo ni Sabrina sakin ang bata.

"But? H-how?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mom.

"Noong kami pa ni sabrina, hindi namin alam na nabuo pala namin si Hunter. At nong naghiwalay kami wala akong idea na magkakanak kami. Pumunta sya ng ibang bansa na buntis, at kasama nya si marco. Mom, si Marco ang tumayong tatay ni Hunter sa halip na ako" nagsimula ng tumulo ang luha sa mata ko.

"...sobrang sakit lang na wala akong magawa. Masaklap pa non, nakipag-hiwalay at pinagtabuyan ko sya habang dala-dala nya sa sinapupunan ang anak namin"


Niyakap ako ni mommy at ramdam ko ang pagka-awa nya sa anak.


"Anak wala kang kasalanan. Hindi mo alam at hindi mo ginusto na saktan ang damdamin nya" alu sakin ni mommy.

"Please Mom and Dad. Hayaan nyo muna ako ang magtapos nito. Hayaan nyo na ako gumawa ng paraan paraan para makasama ko ang anak ko" paki-usap ko.

"Anak I'm sorry, alam kong ako lahat ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang bagay na ito sa iyo. Patawad anak"

Agad akong niyakap ni Dad. Gusto kong isipin na nagsisisi sya sa mga nagawa nya.

"Handa ka namin tulungan Troy sa laban mong yan. Mag h-hire ako ng matatas na abugado para mapadali at mapanalo ang kaso mo" alok ni dad.

Umiling ako. "No Dad, hindi ko kelangan. Kaya kong ipanalo ito"

Ngumiti si daddy at mommy na nagpapahiwatig na kaya ko.

"I trust you son, alam kong matapang ka. Alam kong hindi ka magpapatalo."

Tinapik ni dad ang braso ko. "Thanks dad"

"Mangako ka sa akin at sa mommy mo na makakasama natin ang apo kong si hunter sa darating na pasko" nakangiting sabi ni daddy.

Para akong lumulutang sa saya sa mga salitang binitawan ni daddy.

"Yes dad, i promised"

Nauna nang lumabas si daddy palabas at naiwan namin si mom upang mag paalam.


Ngumiti si Mom tsaka ako niyakap. "Masaya ako para sa inyo ng daddy mo"

"......pinilit ako ng daddy mong umuwi agad-agad ng pilipinas noong nalaman nya ang tungkol sa apo kong si Hunter. Sobrang saya ng puso ko anak" nakingiting sabi sakin ni mom.



"Mom thankyou po sa inyo ni daddy" tsaka ko sya niyakap ulit.



"Mahal na maha kita anak" hinawakan ni mom ang aking pisngi. "...you promised me na hindi lang si Hunter ang mababawi mo anak"

"Mom??"

"Anak kita troy, wag kana mag-kaila pa. Alam kong mula noon hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang pagtingin mo kay sabrina. Alam mo sa sarili mo na mahal mo parin si sya"

Agad akong napaiwas tingin sa mata ni mommy.

"Anak sundin mo ang sinasabi ng puso mo"


"Mom hindi nyo na kelangan sabIhin yan sakin, dinako bata para pangralan pa nyan" Natatawang sabi ko.

"......at para sa kaalaman mo Mom, kay hunter lang ako enteresado, sa anak kolang. Wala na akong pakealam sa Mama nya" pagtatapos ko.


Natawa si mommy. "Nak wag ako! Wag kang magsalita ng tapos. Baka sa bandang huli kainin mudin yang mga salitang binitawan mo" nakatawang sinabi ni Mom tsaka sya naglakad palabas.



Tsss....

Hinding hindi mangyayari yon, wala nakong iba pang nararamdaman para kay Sabrina.

Ang gusto kolang ngayon, mabawi o makasama ko ang anak ko.

Yun lang, wala ng iba pa.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon