Chapter 22

267 16 2
                                    


Mokong



Sabrina's POV

"Awwww!" Sabay hawak sa aking balakang.

Ano ba naman yan! Agang-agang kinapitan na agad ako ng malas.

"Arayy! Huhuhu" daing ko habang tumatayo.

Hindi ko namamalayan na nalag-lag na pala ako sa aking kama, siguro sa kasarapan ng tulog ko.

"Grabe naman yon, para akong nagkarayuma" daing ko.

Wahhhh!! Alas-otso na pala! Wala akong kamalay malay. (Sampal sa noo)

Eh kasi naman alas-dos na ako naihatid ni sir troy kagabi. At hanggang ngayon hindi parin matang'gal sa isip ko ang nangyari samin ni gavin kagabi.

"Ok lang kaya sya? Hindi kaya galit sya sakin? Baka mamaya hindi na nya ako pansinin!" Bulong ko.

Wag naman sana huhuhu..mahalaga parin sya sakin eh at tsaka mahal na mahal ko sya bilang kaibigan.

Pumunta na ako ng banyo para maghilamos at mag toothbrush. Hindi na rin muna ako nagpalit dahil mag aalmusal muna ako hehe.

Lumabas ako ng kwarto at natanaw ko agad ang bukas na pinto sa salas.

"T-teka, sinara ko yon kagabi ah?"

May kung ano akong naramdamang takot. Oh myyy!! Hindi kaya magnanakaw? Dahan dahan akong bumaba habang may hawak na pamispis. Ng nakababa ako eh wala namang nabago sa anumang gamit dito sa bahay ko. Ng tumingin ako sa may kusina nanlaki ang mata ko dahil may nakasalang na kung ano 'mang niluluto.

"Baby A!!!"

Nanlaki ang mata ko at sobra saya ko dahil andito ulit sila.

"Yaya Neli! Mira" sigaw ko at sabay yakap sa kanila.

"Baby ko! Namisss kita sobra pa sa sobra" sabi ni yaya sakin at sabay yakap ng mahigpit.

"Yaya ko namiss kita! Grabe tagal nyo bumalik ah" sabi ko.

"Pasensya kana ha! Medyo natagalan yung pag-asikaso sa anak ko eh" sabi ni yaya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Mira! Namiss din kita sobra" sabay yakap ko sa kanya. Nakatingin lang sya sakin na parang nahihiya.

"Haha! Ikaw talaga mira hindi kana na nagbago, mahiyain kapa din" sabi ko sabay pisil sa pisngi nya.

Si yaya neli naging katulong at nakasama ko sya dito sa manila pati narin si mira. Sobrang napalapit na sila sakin at feeling ko nga nagkaroon ako ng pangalawang ina at kapatid eh. Si yaya neli ay 40+ na at si Mira naman ay kasing edad kolang din. Umalis sila dito dahil may inasikaso sila. Medyo natagalan sila kaya sobrang namiss ko sila.

"Teka, sino naghatid sa inyo? San kayo sakay? Dapat kasi pina alam nyo sakin, edi sana nasundo ko kayo o nakapaghanda manlang" sabi ko.

"Ano ka ba naman baby A! Syempre Surprise" sabi nya.

"Susss!" Sabi ko na may malawak na ngiti.

"Alam mo Baby A! Napakasungit ng guard ng village dito, ni hindi kami pinapapasok, kaya tinatawagan ka namin kanina pero walang nasagot, siguro tulog ka" sabi ni yaya.

"Sorry po! Diko po kasi alam eh, pero pano kayo nakapasok kung hindi kayo pinapapasok?" Tanong ko.

"Eh yun na nga baby eh, buti saktong pupunta dito yung gwapo mong boyfriend, kaya sya nagpaliwanag sa guard at isinabay nya kami, oh diba napakagwapo na nga napakabait pa" protesta ni yaya na may malawak na ngiti.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon