Chapter 59

149 8 3
                                    


Sabrina's POV

Minulat ko ang aking mata. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit.

"A-aray!" Daing ko.

Buo kong minulat ang mata ko. Nanlaki ang aking mata sa hubad kong katawan. Pagkabaling ko nakita ko si Gavin na....

Hubad din!?

"A-anong nagyari!? Bakit sya nandito? Bakit ganto ang itsura namin?"

Dali-dali kong sinoot ang aking  t-shirt. Anong nangyari? Hindi ko maalala. Hindi ko din maalala kung bakit kasama ko si gavin. Bakit sya nandito, wala ni isa akong na-aalala. Sumagi sa isip ko ang bagay na hindi ko mamagawa. Tsaka malabong mangyari yon! Tiningnan ko ang baba, ganun padin naman ang pagkakasoot ng aking palda. Ang pinagtataka kolang, bakit hubad ang damit ko?

Pilit kong inalala ang nangyari. At nag sink sakin yung lalaking tinulungan ko kanina. Tama! Sya yung may kagagawan nito! Kung bakit nawalan ako ng malay.

Lumapit ako kay Gavin at ginsing ito. Wala syang damit pero may maong pants naman syang soot.

"Gavin gising! Gumising ka!"

Umibo sya at minulat nya ang kanyang mata. Bumalikwas sya sa pagkaka-upo. Halatang gulat sa nangyari, habang sapo ang kanyang batok.

"A-anong nagyari? Tsaka a-yos kalang ba? Ayos kana ba?" Nag-aalalang tanong nya.

"Oo ayos lang ako, pero hindi ko alam kung anong nagyari eh, tsaka anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Naa-alala kong nagtext kasakin na pumunta ako dito kaya, dali-dali akong pumunta nag-aalala ako sayo" sabi pa nya.

"H-ha? Pero w-wala akong na-alalang nag text ako sa iyo" magulong sabi ko.

"Ano bang nagyayari satin? Bakit parehas tayong nandito?" Magulong tanong naming parehas.

Bumangon si Gavin at nagsoot sya ng pangitaas na damit. Ng bigla namang may pumasok.

"Troy!?" Gulat na tawag naming parehas ni Gavin.

Gulat at kabado ang nararamdaman ko ngayon dahil sa muka nyang galit na galit.

Natawa sya "Nagulat ko ba kayo O na-abala ko kayo?"

Walang makikitang emosyon sa kanya kundi ang galit. Nanlilisik ang mata nya kay Gavin at ganun din sakin.

Lumapit si Gavin kay Troy. "Dude magpapaliwanag ako, m-mali ka sa nakita mo"

Tinulak ni Troy si gavin "Hindi ako tanga Gavin. Tsaka wag mo akong matawag-tawag na dude, dahil wala akong kaibigang gago at ahas" gigil na sabi ni Troy.

Natulala ako at blangko ang utak sa nangyayari. Nakita kami nya kami ni Gavin sa iisang kwarto. At isa lang ang iisipin nya. May ginawa kaming kasalanan kahit na wala naman.

Bumalik lang ako sa aking wisyo ng pinagsusuntok ni Troy si Gavin sa kama. Duguan na ang labi ni Gavin pero hindi parin sya tinatan-tanan ni Troy sa pagsuntok.

Lumapit ako sa kanila "T-tama na please, baka magpatayan pa kayo nyan" awat ko.

Hindi ko sila natinag dahil naitulak nila akong dalwa para mapalayo sa kanila.

Tiningnan ko ang muka ni Troy at galit na galit.

"Troy please! Tamana baka mapatay mo 'nyan si Gavin. Please tumigil na kayo" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Sinuntok muna ni Troy ng malakas si Gavin tsaka sya tumigil. Lumapit sya sakin na galit na galit. Kita ko ang pag-igting ng panga nya. Mga naglalabasang ugat nya. Ang dalawang kamao nyang naka-kuyom. Nakakatakot ang reaksyon nya.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon