Chapter 16

253 16 0
                                    

Contest

Andito ako ngayon sa backstage habang inaayusan ng mga sikat na make up artist.

"Sobrang ganda mo Ms. Sabrina, parang ikaw lang yung magandang inayusan ko eh" sabi ng makeup artist na bakla.

"T-thankyou po" sabi ko habang nauutal.

Natapos na akong ayusan at may tumawag sa akin.

"Hi Ms. Sabrina, pinapatawag po kayo ni Ms. Shantel nasa Room no.1 po sya" sabi ng isang assistant.

Tumango ako at pumunta na ng Room. Pagbukas na pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang dalwang mgkapatid na shantel at ayumi.

"Sabrina your so pretty!" Sabi ni ayumi at hinawakan ang dalwa kong kamay.

"Grabe pak na pak! Sabrina parang bumalik yung dating model ng batangas ah" sabi shantel.

Tumawa lang ako dahil sa sinabi nya. Tama sya, isa akong model at sumasali rin akong ng pageant pati narin noong highschool at senior.

Pero dipa rin maalis sa akin ang kaba na nararamdaman ko dahil sasabak ulit ako dito. Matagal naring taon na hindi kopa ulit nararanasang maglakad sa enteblado parang feeling ko madadapa ako.

Tinanggal ko ang aking oversize na polo at naka black swimsuit lang ako.

"Ok lang ba ayumi at shantel yung katawan ko, hindi ba ako tumaba?" Tanong ko sa knila.

Sobrang nanlaki yung mata nila nung hinubad ko ang aking polo.

"Wow! Grabe Sab! Hindi parin nagbago yang maganda mong katawan" sabi ni shantel.

Medyo natuwa at medyo nawala yung kaba na naramdaman ko dahil isa itong kahihiyan pag nskita nila yung bilbil ko haha!

"Grabe Sabrina ang ganda parin ng katawan mo, hindi padin nawawala yung sexy shape ng bewang mo" sabi ni ayumi.

"Suss.. kung kayo nalang kaya lumaban." pabiro kung sabi.

Tiningnan ni shantel ang buong katawan at pati narin yung likod ko.

"Sabrina kelan pa yung tattoo mo sa likod mo?" Tanong ni shantel.

"Ah..matagal nayan, senior high palang ako nagpatattoo nako." sagot ko.

Isang payat na mahabang kulay pulang ahas ang nakatatak sa likod ko na parang lumalakad pataas ng batok ko. Mula sa tapat ng bewang papuntang batok ko yung ahas. Naalala ko si Marco dahil sa tattoo nato, dahil sabay kaming nagpalagay nito noong nag punta kaming resort sa tagaytay noon. Sa kanya tagiliran at sakin ay sa likod. Sabi ng iba madumi daw ang tattoo sa katawan lalo na't babae ka. Para sa akin hindi, dahil ang tattoo ay isang sining. I love tattoo!

"Ok lang ba daw? Na may tattoo yung contestant?" tanong ayumi.

"Pwede naman daw, dagdag apil pa nga daw ito sa mga judges eh" sagot ko.

"Pero ang bagis at ang ganda ng tattoo mo Sab, bumagay naman sayo" sabi shantel.

Nginitian kolang sila àt nagpatuloy sa paguusap ng dumating ang isang nag mamanage ng Competition. Pinatawag na nila ako dahil magsisimula na.

Sana maging maayos ang lahat!

__________________

Troy's Point of View

"Grabe dude, ang gaganda ng mga babae dito" sabi ng dalwang mokong.

"Gavin ano oras ba mag i-start yung event?" Tanong ko kay Gavin na knina pang bc sa kakapindot ng telepono nya.

"Event or Contest?" Tanong ni Gavin na may nakakalokong ngiti.

Sinamaan kolang sila ng tingin.

Bakit ba kasi binigyan ako ng mga kaibigang kulang sa buwan.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon