Chapter 79

141 8 0
                                    

Gavin's POV

Nasa bahay ako ni Troy, hindi ko alam kung bakit nya akong tinawagan para lang may sabihin sya sakin.

Wirdo nga eh, hindi ko sya maka-usap ng maayos dahil nakatingin lang sya sa malayo habang umiinom ng alak.

Ilang beses konarin syang tinanong kung ano ba sadya ko rito dahil bigla nya akong tinawagan. Pero hindi sya sumasagot.

"Dude kung wala kang sasabihin aalis nalang ak--" putol na sabi ko.

"I have a son......"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"H-ha? Alam ko Troy may anak ka" natatawang sabi ko.

"......at si Namra iyon" pagkasabi ko non agad akong tiningnan ni Troy.

Ano bang nangyayari sa kaibigan kong to! May anak daw sya?

Tsk baliw na ba sya?

"Bukod kay Namra, may iba pa Gavin" seryosong sabi nya at tumayo sya tsaka lumapit sa akin.

"A-anong sinasabi mo? Sino?" Nagtatakang tanong ko.

Ano bang sinasabi nya? May anak daw sya bukod pa kay namra?

"Gavin anak ko si Hunter"

Agad naman akong nagulat at natulala sa sinabi nya. Anak nya si Hunter? Pero pano?

"Paano? Troy hindi mo alam sinasabi mo, nasisiraan kana ba?"

"Gavin totoo! Anak ko si Hunter. Anak namin sya ni Sabrina" git-git na sabi nya sakin.

"Troy makinig ka. Hindi ikaw ang ama ni Hunter, hindi mo sya anak ok? Ano bang nangyayari sayo? Nababaliw kana ba?"

"Tskk..."taltak nya.

Para syang naiinis sa itsura nya at giniit nya na si Hunter daw ay anak nya.

Huminga sya ng malalim tsaka umayos inayos ang sarili.

"Makinig ka Gavin. Hindi ako baliw, at hindi rin sira ang ulo ko. Totoo lahat ng sinasabi ko. Maniwala ka!"

".....alam kong mahirap paniwalaan lahat pero totoo gavin anak ko ang batang yon. Noong nakita ko sya noon hindi ko alam kung ba't ang gaan ng loob ko sa bata. Kung bakit ang sarap nyang tingnan at hawakan pati narin ang yakapin"

Kunot noo akong nakatingin kay Troy. Hanggang ngayon walang pumapasok sa utak ko kung paano nangyari iyon. Paano nya magiging anak si Hunter?

"Pero sa pagkaka-alam ko si Marco ang ama ng bata. Kasal sila at hindi malabong magkaanak sila. Kaya hindi ko alam ang mga sinasabi mo Troy"

"Kahit ako dude hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyare. Pero sobra pa sa sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon"

Sa ngiti palang nya alam kong nagsasabi talaga sya ng totoo.

"Pero paano mo nasasabing anak mo si Hunter?" Seryosong tanong ko.

"Ilang araw konang alam lahat. Nung nakaraang araw pumunta ako sa bahay nila Sabrina, at naabutan kong nag-tatalo si Sabrina at Marco kaya diko mapigilan ang makinig sa mga sinasabi nila"

"T-teka? Bakit ka pupunta sa bahay nila? Anong sadya mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga lang rito ay paano ko mababawi si Hunter sa kanila" may galit sa tono ng pananalita nya.

Mababawi? Sa kanila? Naguguluhan na talaga ako.

"Troy linawin mo nga ako? Ano bang talagang katotohanan?"

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon