Chapter 72

160 10 4
                                    


Troy's POV

"Sir Troy, pinapatawag po kayo ni Boss"

Wala akong sinayang na oras at agad akong tumayo at lumabas patungo sa office ni daddy.

Pagbukas ko ng pinto kita ko na agad ang matikas at nakatalikod kong Ama.

"Pinatawag nyo daw ako?"

"May pag-uusapan tayo" aniya nya.

Umupo ako sa itim na malaking sofa sa office nya. Nakatayo at nakatalikod parin sya sakin.

"It's been 4 years, Right?"

Nangunot ang noo ko. "What?"

"Wag kanang mag maang-maangan pa troy, umuwi na sya hindi ba?" Seryosong sabi nya humarap ng tingin sa akin.

Naikuyom ko ang kamao ko at nagpipigil ng galit. Malakas ang kutob ko na uulit-ulitin nya dahil nabalitaan nyang umuwi si Sabrina ng pilipinas.

"Yes it's been 4yrs, you rigth dad umuwi na sya, at kung ano yung gusto nyong sabihin sa akin. Please, wag nyo ng ituloy" seryosong sabi ko.

"Why?" Ibinaba nya ang hawak nyang alak sa mesa. "Dahil ba mahal mo parin ang babae? O baka naman ayaw mong pag-usapan natin sya dahil meroon na syang asawa at anak? Dahil nasasaktan nya ang damdamin mo ngayon?"

Sinamaan ko ng tingin ang Ama ko. Hindi ko lubos maisip at matang-gap kung bakit gantong klaseng ama ang meron ako. Isa syang sakim at wala kwentang ama para sa akin. Naiinis ako sa kanya, kahit anong pagsisikap ko para lang mapansin at mapuna nya ang maganda kong nagawa para sa kanya. Pero ang dami parin nyang nakikitang mali sa akin eh. Dahil para sa akin hindi ako nagkulang bilang anak nya, sya ang angkulang bilang ama ko.

"Yes dad!" Pasigaw ko. May ilang hiblang luha ang tumulo sa mata ko.

".....tama kayo, mahal ko parin ang babaeng minahal ko noon. Oo dad! Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Sobra dad!" Naiiyak na sabi ko.

"Hindi kita pinalaking maging mahina Troy, hindi kita pinalaking mabaliw o magmahal sa isang babae lang. Lagi mong tandaan na ikaw ang magmamana ng kumpanyang maiiwan namin ng mommy mo. Ikaw ang hahawak sa apelyidong inaalagaan ko"

"Oo dad, naging mahina ako pero hindi lang isang babae si Sabrina. Minahal ko sya dad higit pa sa buhay ko. Sya yung naging buhay ko, kaya noong naghiwalay kami parang gumuho yung mundo ko. Ng dahil sa inyo dad!"

Kita ko ang galit sa muka nya. Wala na akong pakealam kung saktan o itaboy nya ako, ang mahala masabi ko sa kanya yung nasa loob ko.

"Gumising kana sa katotohanan anak, hindi na ikaw ang mahal nya. May sarili na syang pamilya at ganon kadin, kaya kung may binabalak kang makipagbalikan sa babaeng yon wag munang ituloy" galit na sabi ni daddy. Lumapit sya at dinuro ako.

".....binabalaan kita troy, sa oras na may ginawa kang ikagagalit ko. Hindi ako magdadalawang isip na itaboy ka bilang anak ko. Lahat ng yaman mo ngayon ay babawiin ko. Hindi ako magdadalawang isip na ituloy  ang balak sa pamilya ng babaeng minamahal mo"

Muli ko na namang naikuyom ang palad ko. "Binabalaan din kita, sa oras na malaman kong may ginawa ka sa pamilya ni Sabrina. Ako mismong anak mo ang papatay sayo"

Hindi na ako nagtagal pa sa office nya at lumabas na ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magalit sa kanya. Ama ko sya at anak nya ako, pero hindi ko man lang naramdaman na minahal nya ako. Para sa akin, reputasyon at pera lang ang mahal nya. Hindi ako na anak nya.

Nagpatuloy akong umuwe ng bahay at nadatnan ko roon si Mommy na naka-upo sa sala.

"Mom what are you doing here?" Tanong ko sabay yakap sa kanya.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon