Chapter 39

259 13 0
                                        


Sabrina's POV



"Po, b-bakit po ako" sigaw ko.

"Please Sabrina!" pagmamaka-awa ni Mam Katherine.

Bakit ako pa? Andun naman si Nay carmen tsaka yung iba pang maid.

"S-sige po, punta na po ako sa bahay nya" sagot ko.

"Thankyou sabrina, salamat talaga" masayang sabi ni mam katherine.

"S-sige po Mam" sabi ko at tsaka binaba ang telepono.

"Ah Gavin mauna na ako ha, salamat" paalam ko at ngumiti lang sya.

Kita ko ang pagtataka sa muka nya. Ramdam kong may itatanong sya pero wala akong oras kelangan kong puntahan si sir troy.

Agad akong pumunta sa Parking lot at pina-andar ang aking sasakyan.

Kaya pala hindi ko sya nakita sa office nya may sakit pala ang mokong. Tinatalaban pala sya ng sakit, akala ko hindi haha!

Pero ang pinagtataka ko bakit hindi sya umiinom ng gamot o kumain manlang? Tumawag sakin si Mam katherine nakiusap sya na puntahan kodaw si sir troy sa bahay nya para painumin ng gamot at alagaan. Kaya wala akong choice kung di makinig.

Ang laki-laki na ni troy pero parang bata parin sya umasta. Sabi ni Mam katherine, hindi daw sya nagpapa-pasok sa kwarto nya pati pagkain hindi sya kumakain kahit dinadalhan na sya ni nay carmen.

Ano pa kaya ako? Secretary lang nya, hindi ko alam kung may magagawa ako? Baka nga ipagtabuyan pa nya ako eh.

Haystt bahala na, basta gagawin ko ag best ko para mapainom sya ng gamot. Kung kinakailangang ingud-ngod ko sa kanya yung gamot gagawin ko, para mapabuti at gumaling sya. Mahirap kayang magkasakit ngayon, tsaka kelangan sya sa Vergara's buiding.

Totoo nya kahit masama ugali nya sakin, nag-aalala parin ako sa kanya.

Pagkarating ko sa bahay nila ay pinarking kona agad ang aking sasakyan. Pumasok na ako sa mala-palasyo nyang bahay. Ay mali, palasyo na pala talaga. Ang laki-laki ng bahay pero sya lang yung nakatira bukod sa iilang maids at kay nay carmen.

"Sabrina hija, buti nakarating ka" bungad sakin ni nay carmen at nasa likod nya si neri, meri at chesca.

"Ahmm..kamusta na po sya?" Tanong ko.

"Hindi nga po namin alam eh, kanina pa po naming umaga hindi sya nabibisita dahil ayaw nyang magpapasok" sabi ni meri.

Napakagat nalang ako sa daliri. Kung hindi nya papasukin yung kasama nya sa bahay, ano pa ako? At the end ipagtatabuyan nya ako. Bahala na nga!

"Please hija, subukan mo syang pakainin at painumin ng gamot, kanina pang umaga sya hindi kumakain eh" sabi ni nay carmen.

Umaga!? Nalilibang na ba talaga yung mokong nayun!? Gusto nya bang mamatay ng maaga.

"Sige po susubukan ko" sabi ko.

Pumunta si nay carmen at sina meri sa kusina para kumuha ng pagkain at inumin pati narin ang gamot. Habang ako ay naglakad na patungo ng kwarto nya.

Pagkarating ko sa labas ng silid nya parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. Natatakot ba ako o kinakabahan? Nakakatakot kasi sya eh, lalo na yung sigaw nya!

"Hija eto yung gamot, tsaka yung pagkain nya" sabi ni nay carmen sabay abot sakin.

Nag nod ako tsaka ngumiti. "Sige na hija subukan mosyang tawagan ngayon" pakiusap ni nay meli.

Kumatok ako "Hello sir, ahmm..s-si sabrina po ito" tawag ko sa kanya.

Nagkatinginan lang kami nina nay carmen dahil walang sumasagot. Nasa loob ba talaga sya?

Fall In Love With Her SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon