Chapter 45

182 12 6
                                    

Gavin's POV



Andito kaming lahat sa office ni shantel habang pinapanood sina sabrina at troy sa office nya.

"Omg mukang gumana ang kalokohang plano ni troy ah hahahahaha" natatawang sabi ni shantel.

"Tingnan nyo yung muka ni sabrina oh, naginginig na ata sa galit haha!" Natatawang sabi naman ni drake.

Parehas talaga ang trip nina shantel at drake. Samantalang si Liam at Ayumi wala man lang pansinan. Nanonood lang sila at nakikinig sa usapan gaya ko.

Diko alam kung sang-ayon ba ako sa plano nitong si troy. Pinatawag nya si Prstr. Luke at Atty. Kim dahil lang sa plano nya. Haha! Ibang klase talaga mag-isip tong si troy.

Rinig na rinig namin ang pinag-uusapan nilang apat sa office ni troy. At malinaw rin namin silang nakikita dahil naglagay si troy ng camera sa loob ng opisina nya. Kita namin ang muka ni sabrina. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maa-awa sa kanya. Nakisimangot sya habang nakatingin kay troy at kim. Habang si kim ay nakapulupot kay troy. Kaya matalim ang tingin ni sabrina sa dalawa, na parang nagseselos. At itong si troy tila na parang tuwang-tuwa pa dahil nagseselos si sabrina sa kanilang dalawa.

Iba 'din si troy umisip ng plano nya. Ginamit nya si kim para pagselosin si sabrina at mukang gumana naman ito. Pumayag naman si kim kaya naging madali din ito sa kanya. At medyo nawiwirduhan talaga ako kay Prsctr. Luke na kanina pang tumitingin kay sabrina. Naiitindihan ko naman sya, maganda si sabrina kaya hindi nya maiwasan na mabighani sya sa kanya.

Mg biglang tumayo si sabrina. Siguro hindi na nya kinaya yung atmosphere na bumabalot sa loob haha! Nagpaalam na sya at dali-daling lumabas sa office ni troy.

Pagkalabas na pagkalabas ni sabrina. Parang batang nagtatalon si troy sa tuwa dahil gumana ang plano nya.

"HAHAHAHAHA" pare-pareho naming tawa.

"Ibang klase talaga tong si troy haha!" Natawang sabi ni liam.

"Mukang ang lakas ng tama nya kay sabrina" sabi naman ni drake.

"True. Sa ganda ba naman ng bestfriend naming yon at napakabait pa. Kaya deserve nya ang sobrang pagmamahal" masayang sabi ni ayumi.

Tama si ayumi don. Deserve nya ang sobrang pagmamahal. In short deserve nya si Troy.

"Stupid troy! Pinaglalaruan nya ang sabrina ko" mataray na sabi shantel.

"Hindi shantel. Hindi nya pinaglalaruan si sabrina, gusto lang nya patunayan sa sarili nya na gusto rin ba sya ni sabrina" sabi ko naman at tumayo. "At mukang napatunayan nya yon, gusto nga sya ni sabrina"

"San ka pupunta Gavin?" Tanong ni liam.

Ngumiti ako "Kay troy, kakausapin ko sya" sabi ko.

"Sige dude, pakisabi abay ako sa kasal nya haha!" Pabiro nyang sabi.

Nag-nod ako tsaka ngumiti. Loko talaga!

Iniwan ko sila sa loob at naglakad nako patungo sa opisina nya. Pagbukas ko ng pinto, bumungad si troy na may magandang ngiti. Tss.. naloko na haha!

"Troy dude mukang mapapalaban ka ah" natatawang sabi ko.

Tumayo sya at nagsalin ng alak sa baso at ibinigay sakin.

"Nasan sila?" Tanong ko.

"Umalis na, may mahalaga padaw silang pupuntahan" sagot naman nya at hindi parin mawala sa kanya ang ngiti.

Parehas na kaming nakaupo habang umiinom ng alak.

"Anong susunod mong balak?" Tanong ko.

"I don't know, wala pa akong naiisip. Ang iniisip kolang ngayon ay si sabrina" nakangiti nyang sabi.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon