"Troy please sabihin mo? Ano bang masakit?" Halos pasigaw na tanong sa kanya.
Kita ko ang pangungunot ng noo nya dahil siguro sa sakit na nararamdaman nya. Nag-aalala nako!
"Troy ano ba sabihin mo!"
"S-sabrina.. k-kulang ako.. ah-arayy!" Daing nya at halos masabunutan ang ang buhok nya sa sakit.
"H-ha? Saan? Anong kulang? Kulang saan!?" Magulong tanong ko habang yakap sya.
"Sa kiss" sabi nya na may nakakalokong ngiti habang turo-turo nya ang kanyang pisngi.
Dahil sa pag-kainis sa kanya. Pinungutan ko sya sa tenga ng madiin. "Aray.. aray! T-tama na sabrina masakit!"
"Masasaktan ka talaga" sabi ko at tumayo na "Gago ka talaga no! Akala mo ba nakakatuwa yang ginagawa mo?"
"Hahaha.. sorry na, promise hindi mauulit" natatawa nyang sabi na parang tuwang-tuwa pa dahil napipikon ako.
"Tawa ka pa ng tawa! Alam mo bang halos mangatal nako sa takot dahil dyan sa biro mong hindi nakakatuwa!"
Tumayo sya at pumunta sa likuran ko. Niyakap nya ako ng mahigpit "Promise hindi na mauulit"
"Bakit mo ginawa yon?"
"Gusto kolang naman ng kiss mo eh" maamong nyang sabi.
Pftt HAHAHAHA seryoso ba sya. Niloloko ba ako ng mokong nato? Oh baka naman masaya sya kapag naiisahan nya ako.
"Loko ka ba? Halos himatayin ako sa takot dahil sayo. Tapos sasabihin mong gusto molang ng kiss"
"Mala'y kobang ganoon ka ka-concern sakin? Tsaka akala ko iiwan moko diti mag-isa sa office eh" nagpapa-awa nyang sabi habang nakayakap parin.
"Loko! Bat naman kita iiwan? Hindi ko kaya no! Natatakot akong baka may mangyari na naman sayo"
"Ang swerte swerte ko talaga sa girlfriend ko. Kaya mahal na mahal kita eh" sabi nya at humigpit ang yakap nya.
"T-tamana hindi nako makahinga eh" pagkasabi ko ay humiwalay naman sya sa pagkakayakap at iniharap sa kanya.
Hinawaka nya ang dalawang pisngi ko "Alam kong hindi sapat ang sabihin sayo na mahal kita. Pero gagawin ko ang lahat para mapasaya kalang at mahalin mo pa lalo ako" sabay halik sa aking noo "I just want to say na mahal kita palagi"
Hinalkan nya ulit ang noo ko pababa sa ilong at sa labi. "Mahal kita na higit pa sa buhay ko"
Hinawakan ko ang pisngi nya "Mahal din kita troy. Ikaw yung lalaking mahal ko at mamahalin ko"
"Ang corny mo!" sabay pisil sa pisngi ko.
Inirapan ko sya "Wow ako pa talaga! Baka ikaw! Ang corny corny ng sinasabi mo"
"Corny 'man pero totoo" sabi pa nya.
"Haha! Talaga lang ha?" Sabi ko pa.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papalabas ng office nya. Bakit ba ang hilig nya manghila? Buti nalang talaga may may taba ako ng konti, kasi kung wala kalas kalas na 'tong katawan ko.
"San na naman tayo pupunta?"
"May ipapakita ako sayo" sabi pa nya
"Saan? Tsaka ano?"
"Ang dami mong tanong! Sumama kanalang!"
"Oo na! Oo na!" Sabi ko at tumigil "Basta wag muna akong hilahin, magtataob ako sayo eh"
Ngumiti sya at umakbay sa akin at ngayon sabay na kaming naglakad. Madadaan naman pala to sa magandang usapan eh. Hehe!
"Bilisan mong maglakad!"
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
Storie d'amoreSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...