Chapter 43

232 13 0
                                        

Sabrina's POV





Hindi kona sya nilapitan pa at naglakad na ako papalayo. Ng biglang may tumakid sakin. Dahilan kung bakit ako napasub-sob sa sahig.

"Wala ka bang mata? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Mataray na sabi ng babae.

Wow ha! Sya yung hindi tumitingin sa dinadaanan nya. Sya kaya ang tumakid sakin.

"May mata ako, tsaka ikaw yung unang tumakid sakin" sabi ko naman.

"Ano bang ginagawa ng isang chip na katulad mo dito?" Mataray pa nyang sabi.

Medyo naiilang nako kasi madaming tao na ang nakatingin. Tinapunan kolang kolang ng tingin ang babae tsaka naglakad papalayo pero agad nya akong hinawakan sa braso.

"Wag kang bastos kinakausap pa kita" sabi ng babae.

Ano bang problema ng babaeng to? Teka babae nga ba o bakla? Muka kasi syang bakla eh.

"Pwede ba kung gusto mo ng gulo hanap kanalang ng iba, wag ako" Mataray kong sabi.

Ngumiti sya na parang gusto nya talaga ng gulo "Eh pano kung gusto ko talaga ng gulo" sabi pa nya.

Tinaas ko ang kilay ko at tinarayan sya "Edi guluhin mo yang sarili mo, tss.. mandadamay ka pa!"

Kita ko ang pagpipigil ng galit nya sa muka. "Ang arte-arte mo ah" galit nyang sabi.

"Pwes ina-ayon ko ang arte ko sa ganda ko!" Palaban kong sabi.

Napa "ow" nalang yung nanonood samin. Sa galit nya, sasampalin na sana nya ako kaso bigla may humawak sa kamay nya at pinigilan ito.

"Don't hurt my girl!" sabi nya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"T-troy" bulong ko.

Galit ang muka nya habang nakatingin sa babae. At yung babae, mukang nangi-nginig sa takot. Ganon ba talaga sya katakot kay troy. Bakit bigla nlang sila natahimik.

Ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko tsaka hinila palabas. Wala akong nagawa kung di ang sumunod at magalakad kasabay nya. Ng nakarating kami sa labas.

"And you!" Sabi nya at humarap sakin. "What are you doing here?" Tanong pa nya.

Aba nag tanong pa sya. Hindi ba nya alam na sya yung dahilan kung bakit ako nandito.

"D-dahil sayo, s-sinundan kita dito" atat kong sabi dahil sa sobrang kabado.

"For what?" Galit pa nyang tanong.

Bakit ba sya galit sakin. Ako na nga 'tong concern sa kanya eh.

"Tumawag sakin si liam sabi nya lasing na lasing kana daw at nakikipag-away pa" sabi ko naman.

"Eh ano naman sayo? Hindi ba sabi mo. Wala kang tiwala sa hindi  siguradong tao?" sabi pa nya.

Ano bang pinagsasabi nya. Lasing na nga ata sya.

"Ano? Sir wala akong sinasabing wala akong tiwala sayo" sabi ko pa.

Tinapunan lang nya ako ng tingin tsaka naglakad patungo sa sasakyan nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Susundan ko ba sya o hindi. Pero lasing sya, hindi sya pwedeng mag maneho. Baka ano pang mangyari sa kanya. Sinundan ko sya at hinawakan ang braso nya para pigilan.

"S-sir teka lang" pagpipigil ko at huminto naman sya "Hindi ka pwede mag maneho, lasing ka!" sabi ko.

Tiningnan lang nya ako at nagpatuloy na namang maglakad. Bakit ba ang tigas ng ulo nya. Naglakad ulit ako at sinundan sya.

Fall In Love With Her SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon