Chapter 86

185 11 0
                                    

Sabrina's POV

"Merry Christmas papa!"

"Merry Christmas Mama!"

Nagtatakbo si Hunter papunta sa amin ni Troy ay sabay din nya kaming niyakap. Napapikit nalang ako bigla, sa sobrang pagkakayakap ni hunter samin hindi ko maiwasan na mapalapit o mapalapat ang kabilang braso ko sa braso ni Troy.

"Merry christmas anak" bati nya sa anak nya. Tiningnan ako ni troy pero hindi ko sya tiningnan o pinansin manlang.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanila. Naiilang kasi ako, hindi sa anak ko kundi kay Troy. Ayokong isipin pa nya na, na sarap na sarap akong mapalapit sa katawan nya. Yabang pa naman ng mokong nato!

"Mama may gift po ako para sa inyo ni Papa" sabi ni hunter sabay inabot sa akin at kay troy ang regalo nya.

Aking kinuha agad ito. Nginitian ko naman ang anak ko tsaka ko binuksan ang regalo. "Ang sweet naman ng baby boy kong yan" sabi kopa.

Napa-awang ang labi ko ng makita kung ano ang nasa loob. Isang damit na kulay puti, at may mga letrang nakatatak na 'wifey'.

Wifey??

Sobrang natuwa naman ako sa regalo ni Hunter. Pero bakit ganto naman? Hindi ko alam kung sino ang ka-kunchaba nito para bilhin ito. Tumingin naman ako kay Troy para tingnan kung ano ang niregalo sa kanya ni Hunter.

Nagulat ako dahil katulad din ng damit ko ang damit nya. Kulay puti din ito, at may tatak na 'hubby'.

Anong??

"Couple shirt?" Ngunot noong sabi ko habang nakatingin kay troy.

At ang mokong, ang ganda pa ng ngisi. Tuwang-tuwa sa damit na ibinigay sa kanya ni Hunter.

"Mama ayaw mo ba?" Tanong pa ni hunter sa akin.

"N-no anak, syempre nagustuhan ni mama. Bigay mo 'to eh." nkangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko pinahalata sa kanya ang pagtataka ko.

Lumapit si Troy kay hunter tsaka ito binuhat. "Ang choosy pa ng mama mo anak" sabay itong naglakad papalayo kasama si hunter.

Ang putanginang yon! Talagang sinabi pa sa anak ko ang choosy-choosy kopa ha! Ang yabang! Sarap nyang sapakin sa muka! Kakairita!

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila sa hapag kainan para sa noche-buena.

Dito sa bahay nag palipas ng pasko si Troy. At wala na akong magagawa pa kahit labag sa kalooban kong makasama sya. Si hunter mismo ang nagsabi sakin na gusto nyang makasama ang papa nya sa pasko. Gusto nya na kompleto daw dapat kami sa noche buena. At sino ba naman ako para hindi pumayag.

Masaya naman akong nakikita si Hunter na masaya habang kasama nya ang kanyang ama. Hindi korin mabilang kung gaano karami na nyang kinwento kung gaano daw sya kasaya kapag kasama nya si Troy.

Naalala ko noong araw na sinabi ko kay hunter ang katotohanan tungkol sa tunay nyang ama. Madali nyang natanggap ang lahat. Kahit sa murang edad nya, napakalawak ng pang-unawa nya.

Noong una, nangangamba at natatakot akong magsabi sa kanya. Akala ko, kamumuhian at magagalit sya sa akin. Dahil nga, nag sinungaling ako sa kanya ng mahabang taon. Pero nagkamali ako, tinanggap parin ni hunter ang mga patawad ko sa kanya. Ilang beses ko syang kinausap at nag-sorry pero lagi nyang sinasabi na 'ayos lang yon mama, mahal na mahal parin kita kahit nag-Lie ka sakin tungkol kay papa'. Sobrang nakonsensya ako sa nagawa ko. Pero nagawa parin nyang hindi magalit sakin. Sobrang swerte ko na naging anak ko si Hunter, bukod sa mapagmahal na bata, napaka-maunawain pa nya.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon