Selos
Sabrina' s POV
Bahagya kong naimulat ang mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiak.
"Ah-aray!" Daing ko at umupo ng dahan dahan.
"Gising kana!" Gulat na sabi ni theo at agad nya akong niyakap ng mahigpit.
"Theo" tawag ko sa pangalan nya. At kita ko ang tuwa sa muka nya.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto at nasa loob sina shantel, ayumi, gavin, liam, drake at theo. Pero nagulat ako sa tabi ni drake nakita ko si Troy nakatayo at nakapamulsa.
"Wag ka muna masyadong gumalaw baka mapano ka nyan eh!" Sigaw ni ayumi at ni shantel .
"Ayos lang ako, sumama lang pakiramdam ko kanina kaya siguro ako nahimatay" paliwanag ko.
"Suss kahit na! Pag talaga nakita ko yung Nica nayun, kakalbuhin ko sya hangga't maubos ang buhok nya sa ulo!" Gigil na sabi ni Shantel.
"Ano ba kayo! Ok na ako!" Sabi ko.
Lumapit sa akin si Drake at si Liam.
"Buti nlang nagising kana" sabi ni Liam.
"Ano may masakit ba sayo?" Sabi ni Drake habang hinihipo hipo ang aking noo. Halos itulak nila si theo papalayo sa akin para makatabi makasingit sa aking tabi.
Hahaha natatawa ako sa knila, akala mo naman may nangyaring masamang masama sa akin.
"Hoy! Hoy! Kayong tatlo" sigaw ni ayumi sa tatlong sina theo, liam, drake.
"Umalis kayo sa tabi ni Sabrina at maigi pang lumabas na kayo ng kwarto dahil magpapahinga pa si Sabrina!" Sawa'y ni Ayumi habang papalapit sya sa king kamang hinihigaan.
"Nakakainis naman 'tong si ayumi! Kinakamusta kolang ang sabrina ko eh!" Ungot na sabi ni drake habang napapakamot sa ulo nya.
Nagtawanan kaming lahat sa kwarto dahil sa inaasta ng dalawang si drake at ayumi na parang batang nag-aaway haha. Pero maliban kay Troy na napakaseryoso ng muka, tiningnan ko sya at napatingin nman sya kaso bigla nlang syang umiwas at lumabas ng kwarto.
Sinundan sya ni Gavin at sumunod narin ang tatlo. Kami nlang ni ayumi at shantel ang natitira sa kawarto.
"Si Nica? Ayos lang ba sya?" Tanong ko.
"Kalerki ka talaga Sabrina! At tlagang concern kapa sa demonyitang yon ha!" Sigaw ni Shantel.
"Naiintindihan ko naman si Nica kung bakit sya nagkaka ganon eh" sabi ko.
"Kahit na Sab! Sinaktan ka parin nya kahit wla kang ginagawang mali!" Sabi ni ayumi.
"Wag na nga lang natin isipin yun, ang mahalaga ok na ako ngayon" sabi ko.
"True! At ipapangako ko sa sayo Sabrina hinding hindi na makakalapit sayo yung babaeng yon!" Sabi ni shantel.
Nginitian kolang sya. At inaya ko na sila na lumabas ng kwarto dahil ok na nman ako.
Nakarating na ako sa office ko at nakaupo narin. Kasama ko parin ang dalawa at inalalayan din nila akong makarating dito sa office ko.
"Sigurado ka ba Sabrina na hindi mo ito ipapaalam kay Tita at pati narin kay Nate?" Tanong ni shantel.
"Oo, ayokong malaman nila at kilala nyo naman si Kuya nate diba? Sa oras na nalaman nya to, hinding hindi na nya ako pababalikin pa dito" paliwanag kong sabi.
"Oo Sabrina. Alam nmin" sabi ni ayumi.
"Pasensya na Sabrina ha! Di ka nmin natulungan nong inaway ka ng nica nayun" sabi ni shantel at hinawakan nya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomansSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...