Nagkwentuhan kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa kubo. Hindi ko napansin kanina na malayo-layo na pala ang nilalakad ko, buti nalang ay nadaanan nya ako, dahil kung hindi malamang ay naligaw na ako.
"Salamat nga pala, buti nalang nasalo mo ako. Dahil kung hindi baka nadoblehan na yung pananakit ng bewang ko" nakangiti kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.
"Wala iyon, bakit nga pala kayo napadalaw dito?" Tanong nya sabay tingin sa akin.
Hindi ko ipagkakaila na gwapo sya. Moreno at matangkad sya tsaka ang ganda din ng kurba ng labi nyang mapula. Samahan pa ng makapal na kilay at tangos ng ilong. Pero, mas pogi padin ang Troy ko!
"Dinala nalang ako dito ni Troy basta basta eh, tsaka ang pagkakaalam ko dinalaw nya rin si Lola beatrise" sagot ko.
"Ahh... mabuti naman kung ganon, sobrang miss narin ni lola si troy eh" nakangiti nyang sabi.
Sya yung sinasabi ni Troy na apo daw ni lola "Ah Pio.. sabi ni lola kababata mo 'daw si Troy?"
Nag-nod sya "Oo, parang kapatid narin ang turing ko sa kanya eh. Madalas kasi syang pumupunta dito" pagkasabi nya ay tumingin sakin "Pero wala syang ibang sinasama kung 'di ikaw lang"
Inawas kona agad ang tingin sa kanya, pakiramdam ko kasi tinatawag ako ng mapupungay nyang mata. Grabe din kasi sya makatitig eh.
"Ah.. siguro nagkataon lang talaga na naisama nya ako"
"Kilala ko si troy. Hindi sya basta-basta magsasama na kung sino-sino lang"
"H-hu? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.
"Spesyal ka sa kanya hindi ba?" Balik tanong nya.
"H-hindi ko m-masasagot yan" atat na sagot ko. Hindi ko naman talaga alam kung special nga ba ako sa kanya. Oo nga't girlfriend nya ako pero, hindi ako sigurado kung mahalaga nga turing nya sakin. Ayokong maging assuming!
"Dapat may sagot dyan" sabi nya tsaka tumigil sa paglalakad habang ang dalawang kamay ay nasa likuran nya. "Hindi ba't girlfriend ka nya? Tsaka nababalitaan kong may ibang babae sya noong hindi ka pa nya kasintahan. Pero ikaw lang ang tanging dinala nya rito, at ang ibig sabihin non ay mahalaga at pinagkakatiwalaan ka nya"
Ilang segundo ang napa-isip sa sinabi nya. Kung ganon nga, dapat kong sigaraduhin iyon. Maitanong nga mamaya kay troy? Wala nakong sinagot sa kanya at ngumiti lamang ako.
Ng nakarating na kami sa kubo ay kita kona agad si troy sa labas na pauli-uli sa paglalakad.
"Shit... Sabrina! Saan kaba pumunta?" Agad nyang tanong at sinung-gaban ako ng yakap. Mahigpit na mahigpit. Wow ha! Akala mo naman ilang araw nawala eh isang oras lang at mahigit ata.
"D-dyan lang sa tabi-tabi" sagot ko. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
Nagunot ang noo nya "Bakit ang dungis mo?"
"Ah.. eh.. nadulas kasi ako kanina sa putikan"
"Jusko.. buti nalang hindi ka nabalian, delikado talaga yung daan pababa" nag-aalalang sabi ni Lola.
"Ikaw lang? Wala kabang kasama?" Tanong ni troy.
Tumingin ako sa likod "Meron nasaliko--" putol na sabi ko dahil walang Pio sa likod ko.
Nasan na yun? Magkasabay lang namin kami ah.
"Where?" Tanong ulit ni Troy.
"Apo!" Masayang bati ni lola kay Pio na paparating palang.
"Lola! Troy!.." bati nya at sinamahan pa ng malawak na ngiti.
Naglalakad na sya papalapit sa amin "Tol kamusta" bati ni troy sabay tapik sa balikat ni Pio.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
عاطفيةSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...