Chapter 17

275 15 0
                                    

First kiss



Sabrina's point of view

Natapos na ang contest at bawat lakad namin ay may ilang nag papa picture at bumabati sa akin. Nakakatuwa at nakakataba ng puso pag may ilang taong humahanga sa iyo.

"Grabe Sabrina! Daig mo po ang artista ah." sabi ni theo.

"Dimo ba alam ako si kathryn bernardo haha!" Pabiro kung sabi.

"Alam ko, at ako si Daniel Padilla haha!" Pabiro nya ding sabi.

Halos bawat lakad namin ay tumatawa ako dahil kay theo, sobrang sarap nyang kasama at sobrang saya nya kasama. Sya na ata yung pinaka masayang lalaki na nkilala ko eh. Sana lang hindi sya magbago!

Madilim na ang paligid at medyo lumalamig na kaya nagpatuloy muna kami sa sarisariling room para makapagbihis, tsaka kami pumunta sa sinasabi ni theo.

Nagbihis lang ako ng white tshirt at highwaist maong-short. Magagabi narin naman kaya simple lang.

Ng may kumatok sa pintuan ng room ko at agad ko itong pinagbuksan.

Nakita ko ang isang theo nakatayo. Napakgwapo talaga ng nilalang nato. Sayang lang talaga at hindi kami talo! Haha.

"Let's go!" Aya nya.

Sumama na ako sa kanya dahil wala parin naman  sina shantel at ayumi, siguro ay nandun sila sa Bar at nagiinuman, lagay na naman ang loob ko na safe sila dahil kasama nya ang tatlo, alam kong hindi nila pababayaan sina shantel at ayumi.

Hindi narin ako nagpaalam sa kanila dahil malayo medjo yung bar dito eh. Dinala konalang yung cellphone ko at baka sakaling pag hinahanap nila ko ay masasagot ko sila.

"Kain muna tayo!" Aya sa akin ni theo.

Naglakad kami papuntang maliit na Restaurant. Don ko talaga dinala si theo dahil masarap yung tapa at longganisa nila don. Sobrang miss ko ang pakain nayun, nakakain lang ako non nung umuwi ako ng batangas.

Umupo na kami at kumakain na.

"Kumain kana kaya! Arte arte mo!" Sabi ko kay theo.

Tini-titigan nya lang ang pagkain na parang ayaw nya kainin. Tss! iba talaga pa laking mayaman ka.

"Masarap ba talaga to?" Sabi ni theo habang tiningnan ang .

"Kakainin ko ba to! Kung hindi masarap" pabiro kong sabi.

Tinuhog ko ng tinidor ang kalhating longganisa at isinubo kay Theo.

"Nganga..ahhhh" sabi ko at isinubo ko ito sa kanya.

"Ano masarap ba?" Tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay.

"Hindi" tipid nyang sabi

Sinamaan kolang sya ng tingin at nagpatuloy ng kumain.

Natapos na kaming kumain at nagulat ako dahil ubos at walang tira yung pagkain ni Theo.

"So hindi pala masarap?" Sabi ko.

"Hindi" tpid nyang sagot habang nakahawak sa kanyang tiyan.

"Uto-uto, naubos mo nga eh! Tapos sasabihin mo hindi masarap haha!" Sabi ko.

Umalis na kami at napatuloy na maglakad patungo sa tinuturo ni Theo.

"Saan ba tayo pupunta theo?" Tanong ko.

"Secret" sabi nya habang may malapad na ngiti.

"Uto-uto, saan nga kasi eh!" Sigaw ko.

"Malapit na tayo" sabi nya.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon