Chapter 11

454 20 0
                                        


In love?



Sabrina

"Walang aalis! Dito kalang!"

"Hindi na ako makakapagyag na bumalik ka pa sa Vergara's building ngayon!"

Sigaw ni kuya. Andito kami ngyon ni kuya nate at mama sa kwarto ko. Nagtatalo kaming dalawa ni kuya tungkol sa pagbalik ko ng Manila.

Lumapit ako sa kanya at niyakap. "Kuya Nate hayaan muna ako, kelangan nila yung files na hawak ko ngayon!"

Pinakikiusapan ko si kuya Nate na payagan ako sa pagbalik ng Manila. Hindi nya ako pinababalik don matapos ng pasalitaan ako ni Sir troy noong nakaraang linggo. Kinewento ko ang lahat sa kanila, pati yung paga-away namin ni Sir troy.

"Sabrina! Bulag ka ba! Kita mo bang, pinahihirapan kalang ng Troy nayon! Tapos ngayon nakikiusap ka sakin payagang bumalik don" sabi ni kuya Nate at kita ko ang galit sa muka nya. Si kuya nate kasi napaka istrikto nyang kapatid sa akin, ayaw na ayaw nya akong nakikitang umiiyak at nahihirapan, lalong 'lalo na pag may uma-api sa akin.

"Kuya Nate isang buwan nlang naman nya akong magiging secretary eh, at tsaka sinisigurado ko na lalabanan ko na sya sa susunod at hindi hindi na ako magpapaapi kahit kanino man" sabi ko habang nakataas ang isa kong kamay para ipakita sa kanya na matapang na ako mula ngayon.

"Nate, hayaan muna yang kapatid mo. Malaki na sya at alam na nya ang tama at mali" usisang sabi ni mama para aluin si kuya dahil para syang sasabog sa galit.

Nginitian ko sya ng pag 'kalawak lawak at nagpa cute para lang payagan nya ako ulit mag trabaho.

"Ok fine, basta sisiguraduhin mong hindi ka uuwiang luha-an dito ha!" Sabi ni kuya.

Niyakap ko sya ng mahigpit pa sa mahigpit "thankyou kuya, i promise"

"Sige na, ilagay muna yang gamit mo sa sasakyan ko at ako na mismo ang maghahatid sayo sa Manila" sabi ni kuya. Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Kuya! Di mo na ako kelangan ihatid! Di ba may trabaho ka?" Sabi ko.

Tiningnan nya ako ng masama at alam kona ang ibig nyang sabihin.

"Ma! Tingnan mo si kuya oh!" Sigaw ko.

"Baby, hayaan muna yung kuya mo ihatid ka" sabi ni Mama.

Wala na akong nagawa kung hindi makinig.

"Sige una na ako sa sasakyan, sumunod ka nlang Sabrina" Aniya ni kuya nate.

Lumabas na sya at dala nya yung iba kung gamit.

"Mama aalis na po ako ha! Ingat ka lagi mama ha!" Sabi ko at binigyan ko sya ng mahigpit na yakap.

"Ingat ka don baby ha! Basta andito lang ako pag may problema ka" aniya ni mama.

"Opo mama iloveyou Ma! Alis na po ako babye" paalam ko kay Mama at lumabas nadin ako ng bahay.

"Sure ka kuya nate ihahatid moko" sabi ko.

"Kahit hindi mo itanong, ihahatid at ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo" sabi ni kuya habang nagmamaneho.

"Suplado" bulong ko at naglagay na ng headset.

"Arayyy!" Sigaw ko dahil piningutan ni kuya ang isa kong tenga.

"Kuya bakit mo ginawa yun!" Sigaw ko.

"Namiss ko lang ang panget kong kapatid" sabi nya.

"Pwes! Hindi kita miss" sabi ko at tinaryan ko sya.

"Ahhhh... hindi pala ha" sabay liko ng sasakyan nya para makabalik sa bahay.

"Kuyaaa! Biro lang! Huhuhu" sabi ko habang hawak ko ang kamay nya.

Fall In Love With Her SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon