Chapter 83

146 9 0
                                    


Sabrina's POV

"Siguro Mira kahit ikaw, ang sama-sama ng tingin mo sakin. Kasi lahat ata sila ganon ang tingin sakin, napaka selfish"

"Sabrina hindi, mali ka!" Sabay na niyakap ako.

"Mali bang magpaka selfish ako pagdating sa anak ko? Gusto kolang naman mapabuti ang buhay nya. Malayo sa walang hiya nyang Ama!"

"Sabrina naman, wag mong sabihin yan. Alam kong mahal na mahal mo si Hunter kaya umabot kayo sa ganang sitwasyon"

"Pero bakit ganon? Sa mata ng mga taong mahalaga sa buhay ko, ako pa yung may mali?"

"Siguro nga ganon yang iniisip mo pero maling-mali ka. Iniisip molang yan kasi yan ang pinaniniwalaan mo. Walang mali sa ginawa mo, dahil kapakanan ng anak mo ang nakataya dito"

Mariin nyang hinawakan ang kamay ko. ".....sabrina, malalaman at malalaman ni Hunter ang totoo, wag mong hayaang lumaki si Hunter na may lihim kang tinatago. Dahil sa oras na nag-kaisip ang bata at malaman nya ang totoo, baka lumayo bigla ang loob nya sayo"


Gulong-gulo ang isipan ko. Papalapit na papalapit ang kaso, pakiramdam ko kinakain ako ng konsensya ko sa ginagawa ko. Oo, tama sila. Mali naman talagang ipag-kait kay Troy ang anak ko. Pero paano kung tuluyan nyang ilayo ang bata sa akin. Paano kung angkinin nya ang anak ko sakin. Paano ako?


Noong huling nagkaharap kami ni Troy. Ramdam kong sobra pa sa sobra ang galit nya sa akin. Kaya hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kapag nabunyag ang lahat. Makapangyarihan sa pera ang pamilya ni Troy lalong-lalo na ang daddy nya. Kaya hindi malabo na ma-angkin ng ganoon kadali ang bata sa akin.

"Mira, natatakot ako. Paano kung kunin nila basta-basta ang anak ko? Anong magagawa ko?"

"Sabrina hindi magyayari yan, ikaw ang may mas karapatan dahil ikaw ang ina"

"Mira hindi, alam mo naman makapangyarihan ang pamilya ni Troy hindi ba? Lalo na't ang tindi ng galit ni Troy sakin"


"Sabrina makinig ka, kung ano man' ang iniisip mo, hindi mangyayari yan. Kilala ko si Troy, alam kong hindi nya ilalayo sayo ang bata lalo na't alam nyang malapit sayo si Hunter at ikaw ang nagpalaki sa kanya"


"Natatakot ako Mira"

"Wag kang matakot andito lang kami para sayo at kay hunter"

Sa mga oras na ito. Kahit konti nawala yung bigat na nararamdaman ko. Yung takot na nararamdaman ko eh bigla nalang naglaho dahil sa tulong ni Mira.

Unti-unti kong naisip na siguro nga mali ako. Mali na ipag-kait ko na ilayo si Hunter sa tunay nyang Ama. 

Pero may nararamdaman parin pangamba na baka ilayo nila si Hunter sa akin. At kung mangyari man iyon, alam kong may panlaban ako. At gaya ng sinabi ni Mira, hinding-hindi gagawin ni Troy iyon dahil sa mararamdaman narin ng anak ko.

Binukasan ni Mira ang pinto ng sasakyan nya.

"Maraming salamat sa payo mo Mira, napakalaking tulong non para makapag isip-isip ako" sabay yakap sa kanya.



"Walang anuman, ang mahalaga dito ay yung nararamdaman mo. Basta lagi mong tandaan sabrina, kung ano ang napag desi-syunan mo susuportahan kita. Andito lang ako, kami para tulungan ka"


"Thankyou Mira, sa inyong lahat. Andyan palagi kayo sa tuwing mya problema ako" sabay ko ulit syang niayakap.

"....sige na, baka inaantay kana nila Ayumi at shantel. Paki-kamusta nalang ako sa kanila ha!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sabrina kahit hindi ka nakakasama sa bonding wag mo sanang isipin na hindi kana belong ha! Hinayaan kanalang muna namin mapag-isa dahil sa sitwasyon mo ngayon. At kapag nalutas o natapos mo ang problemang to, mangako ka na sasama ka samin magpakasaya, dahil sobrang miss na miss kana namin eh."

Natawa ako. "Oo naman promise, pasensya na talaga, hayaan nyo kapag okey na ang lahat ako mismo ang magpapa-inom sa inyo"


"Sige lang ha! Ipangako mo iyan"

"Promise!"

Sobra pa sa sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil may mga kaibigan akong tulad nila. At may pamilya akong tulad nila. Naisip kona ako na ata ang pinaka may ma swerteng babae sa mundo.

Oo, naging makasarili ako pagdating sa anak ko. Pero hindi naman maging masama pagdating sa pag-aalala sa anak. Dahil bilang isang ina, handa kong ibuwis ang buhay ko para lang mapaganda ang buhay nya.

Na isip-isip korin, yung karapatan ng anak kong malaman nya ang katotohanan. Malaman nya na si Troy ang tunay nyang Ama.







Marco's POV

Naramdaman ko ang pagod sa maghapong pagta-trabaho. Umuwi agad ako ng bahay, dahil makita ko man ang muka ng babaeng mahal ko ay agad itong mawawala.

Binuksan ko ang pinto ng bahay. Bumungad ang nakangiting muka ni Sabrina habang nagluluto.

Nangunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala na maabutan ko sya na ganito. Noon kasi pagkapasok ko palang ng pinto makikita ko ang muka ni sabrina na may malaking problema na dinadala. Minsan nakangunot yung noo nya, pero hindi naman sya nagmamaladita sakin. At ngayon nakangiti sya na parang gaan ng loob nya.

Anong nangyari sa kanya.

Napatingin sya sakin at humakbang sya papalapit sa akin.

"Andyan kana pala"

Napansin ny siguro ang nakangunot kong noo. "Bakit ganan tingin mo sakin?" Tanong pa nya.


"A-ah.. naninibago lang sayo, may nangyari ba sayo? Bakit parang ang saya mo ata?" Mga tanong ko.

Ngumiti sya tsaka bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto.

"Pumunta si Mira dito sa bahay kani-kanina lang"

"Then?"

"Tapos nag-kausap kami, alam mo sobrang saya ko. Siguro nga dahil matagal din kami hindi nag-kausap kaya ganon nalang ako kasabik na ka-kwentuhan si Mira"

"Hmm...good for you, tapos yun lang kinamusta kalang nya"

Tumingin naman sya ng seryoso sa akin. "Nag-kausap din kami tungkol kay hunter at don sa kaso"

Hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman.

"Anong s-sabi nya?"

Lumapit sya sakin at tumabi. Hinawakan nya ng mariin ang kamay ko.

"Marco, habang kausap ko si Mira. Napag isip-isip ko ang kapakanan ng anak ko" seryosong sabi nya.


"What do you mean?"

"Marco......"tawag nya sa pangalan ko habang kagat nya ang pang ibabang labi nya.

".......hindi kona ilalaban pa ang kaso, ibibigay ko ang gusto ni Troy na makilala sya at makasama nya ang anak nya"


Bigla nalang akong nanghina. Gusto ko to! Alam ko sa sarili kona ginusto kong malaman ni Hunter ang totoo. Pero bakit ganon? Parang ang sakit para sa akin ang katotohanan.

Napamahal ako sa bata. Mula noong sanggol palang sya hanggang ngayon ako ang tumayong ama nya. Pero bakit ganon ang sakit sakit lang?

Pero ito yung tama, at wala nakong magagawa pa. Siguro nga hanggang dito nalang ang pagiging ama ko sa bata, at hindi ko kailanman pinag-sisihan iyon. Napaka swerte ko dahil naging anak ko ang tulad ni Hunter.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon