Chapter 28

282 12 0
                                    

Sabrina's POV



"Hoy hoy! Miss minchin san ka pupunta ha?"

"Kuya nate naman eh! Dyan lang naman ako sa labas eh"

Palabas ako ng bahay para mag libot-libot sana, kaso hindi ako palabasin ng magaling kung kuya.

"Kahit na! Baka mamaya mahimatay kanalang bigla tapos walang makakakita sayo edi mapahamak ka na naman" sigaw nya sakin.

"Ang advance mo kuya mag-isip, daig mo pa ang matatanda sa una" mataray kong sabi.

"Ikaw pa 'tong matapang ha!" Sabi nya at sabay pingot saking tenga papasok sa loob.

"A-arayy ko! Kuya naman eh"daing ko.

"Dyan kalang ha! May kukuhanin lang ako kwarto" paalam nya.

Nasa salas ako at nakaupo habang nakisamangot. Eh pano ba naman, para akong batang puslit kung alagaan ni kuya nate.

"Ang boring naman kasi eh!" Bulong ko.

May isang linggo narin akong nakatigil sa bahay. At isang linggo narin bago ako na ospital noon dahil sa pagkakabaril sakin. Sariwa parin yung sugat sa tagiliran ng aking tyan, at inaamin ko medyo tumitibok parin sa sakit. Pero ok na naman ngayon, dahil may magaling akong tagapag-alaga. Si kuya Nate. At si mama naman ay kakaalis lang kahapon dahil sa Resto nya, kailangan na kasi si mama dahil madaming nagpa book para sa event na gaganapin sa resto nya. Ang sabi ay need nadaw si mama. Kaya pinilit ko syang umuwi muna para maintindi nya ang business nya.

Hindi narin ako nakapag trabaho mula noon. Dahil ang daming pumipigil sakin, baka daw kasi lalong lumala haha! Unang una don si kuya nate at mama. Pati narin si Sir troy, at yung malalapit kung kaibigan. Dumadalaw naman sila minsan, ay hindi pala minsan lagi haha! Grabe daig pa talaga akong na comatose ng isang buwan haha! Pero si Sir troy hindi sya dumadalaw dito sa bahay. Nagtataka nga ako eh, sabi kasi ni kuya nate halos si sir troy daw ang nagbabantay sakin sa ospital. Pero bakit hindi sya dumalaw dito sa bahay. Pero ok lang, hayaan na nga!

"Oh, sootin mo 'yan" sabi ni kuya sabay inabot sa akin ang kulay pulang jocket.

"Ano gagawin ko dito? Lalabhan ko? Pero kuya hindi ba ang sabi m-" putol na sabi ko dahil pinitik nya ang ilong ko "Kuya naman eh, sakit sakita kaya"daing ko.

"Shunga mo talaga noh? Malamang isoot mo!" Sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Para san? Bakit ko isosoot?" Tanong ko.

"Hindi ba lalabas ka? Medyo mainit sa labas, sige ka baka umitim ang makapal mong muka" pang-asar pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin "Thanks," sabi ko at sabay tumayo.

"Ahh- wait kuya bakit hindi ka sumama sakin" aya ko sa kanya.

"Ayaw! Baka umitim ang pogi kung muka" mayabang 'nyang sabi.

"Kung gano ka-init ang araw, kung gaano din kahangin yang ulo mo haha!" Pang-asar ko.

"Alam mo? Sabrina, sayo ata nagmana si Troy ng kagaguhan" sabi nya.

"Bakit naman napasama si Sir troy dito?" Sabi ko.

"Eh kasi parehas kayong sira ang ulo" sabi pa nya.

Lumapit ako sa kanya para kulitin "Sige na kuya! Tara na sama kana sakin please" sabi ko at nagpa cute.

"Hindi bagay sayo ang cute, kamuka mo si Granny" pang-asar nya.

"Kuya ba kita?" Sabi ko at tinaasan nya lang ako ng kilay "bakit ang sama mo sakin?" Sabi ko pa.

"Tss..tara na nga!" Sabi nya na ikinatuwa ko.

"Yeyyyy! Tara na" sabi ko tsaka ko hinawakan ang braso nya at sabayan sa paglalakad.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon