Protective BossNatapos na ang maghapong pag ta- trabaho ko at saktong mag aala-sais na ng gabi kaya medjo dumidilim na.
Niligpit kona ang mga gamit ko sa office. Dali dali akong lumabas para makauwi na ng maaga. Naglalakad na ako palabas ng building at tinext konalang sina Ayumi at shantel na uuwi na ako at kitakits nslang mamaya sa bahay.
"Medyo kulim-lim na naman ang langit, siguro uulan na naman." bulong ko.
Nasa tabi na ako ng aking sasakyan para pumasok na sa loob.
"Ay kalabaw!" Sigaw ko sa gulat dahil bigla nlang may lumitaw sa likod ko. Kinabahan ako at natakot ng husto sa kanya.
"Sir! Ano ba! Papatayin nyo ba ko sa gulat!" Sigaw ko habang nakahawak sa dib-dib.
"Wirdo ka talaga!" Sabi pa nya.
"Ano nga pala kailangan nyo Sir, may ipapagawa pa po ba kayo?" Tanong ko.
"Nothing." tipid nyang sagot.
Tiningnan ko lang sya at nakatingin lang din sya sakin. Nagkakatinginan lang kami na parang ewan.
"Tara, sumama ka sakin." aya nya at sabay lakad.
"Ano sir? Sumama saan?" Tanong kong sabi.
"Dami mong dada! Sumama kanalang kaya" sabi nya at sabay lakad. Sungit
"Sir hindi na po! Uuwi narin po ako" sabi ko at papasok na papuntang loob ng sasakyan ko. Pero nabigla ako dahil bigla nlang nya akong hinila papuntang sasakyan nya.
"Sir! Ano bang ginagawa nyo!" Pigil ko sa kanya at patuloy parin ang paghila nya sakin habang naglalakad sya ng mabilis.
"Wag ka ngang maarte dyan!" Sabi nya at sabay na ipinasok nya ako sa sasakyan nya.
Sinaraduhan nya ang pinto at sabay pumasok narin sya. Tiningnan nya ako ng masama. Inawasan kolang sya ng tingin dahil naiilang at kinakabahan talaga ako pag lagi nya iyong ginagawa.
"Hoy wirdo! Hindi mo ba alam na delikado kang mag-isa lang, at ang lakas talaga ng loob na umuwi ng ikaw lang" sabi nya at nakatingin parin sya sa akin.
"S-sir, malapit lang naman po ang village namin dito eh, tsaka safe naman po ako dahil madami rin akong kasabayang sasakyan pag gantog oras" paliwanag ko.
"Nag-iisip ka ba talaga? At sa tingin mo may pakealam sila sa taong nakapaligid sa kanila, Sabrina hindi mo sila kilala hindi mo alam kung anong maaring gawin nilang masama sayo, kaya please lang makinig ka sakin, at please mag-ingat ka!" sigaw nya sakin.
Literal na napatulala ako sa binitawan nyang salita. Concern ba sya? Bakit ganon nalang ang pag-aalala nya sa akin.
Umiwas sya ng tingin sa akin na parang nabigla din sya sa sinabi nya. Pina-andar na nya ang sasakyan at pina harurot ng medyo mabilis. Naiwan ang sasakyan ko sa parking erea ng V' building, siguro ay bukas ko nalang babalikan.
Walang pag-uusap, walang pansinan ang ganap sa loob ng sasakyan ni Sir troy. Napakatahimik lang namin sa loob at ang tanging naririnig kolang ang kabog ng dibdib ko.
"Ihahatid kita sa inyo, sumabay kana lang kay Sabrina o Ayumi bukas para sure na safe ka" sabi ni sir troy.
Diko alam kung kinikilig ba ako o ano? Haha! Pero ang sarap sa feeling na may taong nag-aalala sayo at inaalagaan ka.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malapit narin kami sa bahay ko at gusto ko sanang ayain si Sir troy sa loob ng bahay para makahantay sa tila ng ulan.
"S-sir, ahmmm... tutal andito na rin naman kayo, pede po muna kayong pumasok ng loob at maghintay sa pag tila ng ulan" sabi ko.
"Ok lang ba?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...