Sabrina's POV
Ma-aga akong nagising kahit hindi ako nakatulog kagabi kaka-isip. Andito kaming lahat sa hapag kainan at nag-aalmusal. Si mama at si kuya nate pati narin si yaya ta mira. Umuwi sina mama at kasama nya si kuya dito sa bahay ko. Tinanong ko sila kung bakit sila napasugod dito. Ang sagot naman nila bibisitahin daw nila ako. Nakakapagtaka naman dahil sa pagkaka-alam ko busy sila parehas sa business nila. Wirdo nga eh. Pero ayos lang masaya naman ako at andito sila.
"Mama" tawag ni kuya.
"Hmm?" Sagot naman ni mama.
"Pukpukin nyo kaya ang ulo ng kapatid ko kanina pa 'yang tulala eh" sabi ni kuya at sinamaan ko sya ng tingin.
Tinaasan ko sya ng kilay "Eh kung ikaw kaya pukpukin ko!"
"Magtigil nga kayong dalawa nasa harap tayong pagkain" pangaral ni mama.
Eh kasi naman 'tong si kuya kanina pa eh. Kanina pa nyang pinapainit ang ulo ko. Inaasar ba naman ako na 'panget daw ako kaya malabong magustuhan ni troy'. Hindi ko alam kung kuya ko ba sya o kaaway. Narinig nya kasing nagk-kwento ako kay mama tungkol sa crush crush nayan. Tapos narinig ng magaling kong kuya, hindi ko nga alam kung bakit si troy agad yung naisip nya na crush ko.
Natapos na kaming kumain kaya nag-ayos narin ako para makapasok na. Mahirap na baka, pag-initan ako ni sir troy.
"Ma! Alis na po ako" paalam ko.
"Sige nak ingat ka, uwi ka ng maaga para sabay tayo mag dinner" sabi ni mama habang nakangiti. Gana talaga ng mama ko.
"Opo ma!" Nakangiti kong sabi.
May ilang hakbang ang nilakad ko palabas ng pinto pero biglang tumunog ang telepono ko. Hinugot ko ito sa bulsa ng pantalon ko.
"Hello?" Panimula ko.
"S-sabrina si t-troy!" nanginginig na sabi ni Gavin.
Bigla nalang akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit.
"H-ha ano si troy? B-bakit?" Nauutal kong sabi dahil sa kaba.
Hindi sya nasagot at tanging hagulhol lang ng iyak ang naririnig ko. Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko.
"Gavin ano ba!? Sagutin moko! Ano bang nangyayari!?" Pasigaw kong sabi.
"S-si troy." Tanging sagot nya lang na parang naiiyak.
"Ano nga kasi!? Sagutin moko Gavin please. Nag-aalala nako!" sabi ko at unti-unti napapa-hibi dahil sa kaba.
"N-nasa Hospital k-kami ngayon, nabangga si troy kani-kanina lang" sabi pa nya.
Ilang luha ang tumulo sa mata ko.
"A-ano? K-kamusta sya. Ok na ba sya" nauutal kong tanong.
"H-hindi, malala ang pagkakabangga sa kanya" sabi nya.
Naibaba ko ang ang telepono. Ilang segundo akong natulala. Blangko ang utak ko sa nangyari. Sa pagkakatulala ko hindi ko namamalayan na natawag pala si kuya at si mama na nag-aalala.
Naramdaman ko nalang na niyu-yugyog pala ako ni mama dahil sa pagkakatulala ko "Anak sabrina ayos kalang ba? May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni mama habang nasa likod nya sina kuya at yaya.
"M-mama, kuya . Si troy po nasa Ospital kelangan ko syang puntahan mama. Pupuntahan ko po sya" sabi ko habang umiiyak.
Hindi kona sila pinakinggan at nagmadali nakong pumunta sa sasakyan ko tsaka ito pina-andar.
Pinahid ko ang luha sa mata ko dahilan para makita ko ang daan. Umiiyak ako habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit sobrang na-epektuhan sa nagyari kay troy. Basta ang alam kolang, kelangan ko syang puntahan.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...