Chapter 75

201 10 0
                                    


Gavin's POV

Isang linggo konang napapansin parang may iba kay Troy. Sa araw-araw na magkasama kami sa trabaho ngayon kolang syang nakikitang masaya na hindi nawawala ang ngiti nya sa muka.

"Dude!"

Balisa akong napatingin kay'na drake at liam. Andito kami ngayon sa office ko, at hindi ko alam kung bakit ginawa nilang tambayan ang opisina ko kahit meron naman silang kanila.

"Oh?"

"Ang layo ng tingin mo eh" natatawang sabi ni liam.

"May iniisip lang"sagot ko.

"Babae ba yan? Share mo naman, parang hindi kaibigan ah" sabi pa ni drake.

Ang gagong to, parang walang shantel kung makahanap ng babae. "Gago!"

".....iniisip kolang si Troy"

Napasimangot naman sila. "Na naman!? Alam mo dude puro troy kana lang eh, gaano ba kahala sayo ang kaibigan nating yon?"

Binato ko sila ng ballpen. "Gago talaga kayo!"

"Biro lang!" Kantyaw naman ni liam

Muling sumeryoso ang muka ko. "Wala ba kayong napapansing iba kay Troy?"seryosong tanong ko sa kanila at mabilis naman silang napatingin.

"Wala naman?" Parehas nilang sagot.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni drake.

Umiling ako. "Ah wala"

Napakunot ang noo nilang dalawa. Alam ko sa kanila na naguguluhan sila sa tanong ko pero pinili nilang intindihin ako kesa sa magtanong, wala rin naman akong isasagot sa kanila eh.

Mabilis silang tumayo. "Dude mamaya nalang tayo, text ko sayo kung saan tayo iinom" sabi ni liam.

Napatawa ako. Hindi ko alam kung may natitira pa silang atay sa katawan.

"Alam mo dude kung ako sayo babae nalang iisipin ko at hindi si troy, may sariling buhay yung tao kaya hayaan muna" pahabol pang biro ni drake.

Bago sila makalabas binato ko sila ng gusumot na papel. Parehas silang natawa habang naglalakad paalis.

"Tss.. mga gago talaga" pabulong kong sabi.

Siguro nga tama  si drake, sa halip na iba yung isipin ko si troy pa yung napaglilibangan ko. May sarili syang buhay at pamilya siguro nga itigil kona tong kayibangan ko.

Maghapon kong nilibang ang sarili ko sa trabaho. Wala naman akong iba pang gagawin kundi ang mag trabaho. Naawa na nga ako sa sarili ko eh, pagkaka-uwi ko sa bahay walang sasalubong saking babae manlang. Tsk! Siguro oras nadin para humanap nako ng babaeng pakakasalan ko.

Pero sana si Mira nalang yun, para hindi nako kumilala pa ng iba. Sya lang naman ang minahal at nakilala ko ng lubos eh. Pero kahit anong gawin ko, hindi pwede. May boyfriend si Mira at ang alam ko nag propose na sa kanya yung lalake kaya matagal konarin syang hindi nakakausap. Nagbabatian naman kami, pero ngiti lang ang kaya nya. Hindi nya ako kinakausap o kinakamusta manlang. Pero ayos narin sakin yon, ang mahalaga naging malapit ko syang kaibigan kahit sa sandaling panahon man lang.

Pagkagaling ko ng trabaho napag-isipan kong pumunta sa bahay ni Sabrina para bisitahin si Hunter. Syempre hindi mawawala ang pasalubong ko para sa bata, nangako kasi ako sa kanya na kapag pumunta ulit ako sa bahay nila eh bibilhan ko sya ng paborito nyang ice-cream at sinamahan kona din ng ilang laruan.

Pagpasok ko sa gate nila sumalubong agad si Yaya neli. "Oh gavin naparito ka?"

Ngumiti muna ako sa kanya. "Dadalawin ko sana si Hunter, andyan po ba sila?"

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon