Chapter 62

235 12 0
                                        

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto namilog ang dalawa kong mata, nakita ko si Troy na lumapit kay Maxine at pagkatapos ay naghalikan sila.

Gusto ko ng alisin ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gusto ko nga umalis at tumakbo pero diko magawa.

"Babe andito na sya, sabihin muna" sabi ni Maxine at kita ko ang pagtingin nya sa akin ng masama.

"A-ano ibig sabihin nito troy?" Utal kung sabi at unting unti kung ikinuyom ang nanga-ngatal kung kamay sa galit.

"Troy sabihin mo hindi totoo, yung mga nakikita ko diba?"Pag mamaka-awa ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi sya makatingin sa akin.

"Sabrina, I'm breaking up with you" sabi nya at kung tingnan nya ako ay parang di nya ako kilala at minahal.

"Troy joke to diba!

"No I'm serious"

Litong lito ako, gulong-gulo ako pero isang bagay lang ang malinaw sa akin. NILOLOKO AKO NI TROY, SINAKATAN NYA AKO.

Nilapitan ko sya at niyakap ko sya ng mahigpit para maramdaman nya na mahal na mahal ko sya. Kaso biglang may tumulak sakin at napaupo ako sa sahig.

"Tigilan mo 'na si Troy. Hindi ka nya mahal, at lahat ng nangyari sa inyo ay isa lamang kasinungalingan!"sigaw ni Maxine sa akin.

Kusa ng pumapatak 'yung mga luha sa mata ko. Ngayon alam kona 'yung pakiramdam na unting unti nadudurog 'yung puso ko. Sobrang sakit e. Ang sakit sakit!

"Troy alam kung nagugulahan kalang, alam nating mahal na mahal natin ang isa't isa!"Sabi ko habang patuloy na tumutulo ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"Sabrina makinig ka!" Sabi nya at lumapit sya at kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. "Hindi kita kailan 'man minahal. At kahit kelan hinding hindi kita mamahalin!"Sigaw nya sabay tulak sa akin.

Sobrang sakit ng mga binatawan nyang salita. At pakiramdam ko laha't lahat ng pinagsamahan namin ng ilang taon ay biglang nawala at napaltan ng galit at poot sa ginawa nyang pananakit sa akin.

Yung lalaking pinagkatiwalaan mo, minamahal mo ng lubos, yung lalaking nakasama mong bumuo ng masasayang ala-ala ay isa lang palang mang-gagamit, manloloko.

"Bakit troy? Ano bang nagawa ko? Bakit mo ako ginaganito!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuntok suntok kong ang matigas nyang dib-dib.

Kinuha nya ang aking braso at hinawakan nya ng sobrang diin dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"Sawang-sawa nako sayo sabrina. Lahat ng pinakita ko sayo ay hindi totoo, pinaglaruan lang kita tulad ng ibang babae. Tandaan mo sabrina, hindi kita minahal at hindi ako magmamahal ng isang katulad mo. Kaya kalimutan muna ako"

Hindi ayoko, hindi ko kayang kalimutan lang sya ng ganoon lang. Ano bang nangyayari sa kanya!

Hindi ito yung troy na nakilala ko. Hindi ito yung troy na minahal ko. Sa pagkaka-kilala ko ang isang troy ay malambing, makulit, at mapagmahal.

Bakit ba sya nagkaka ganito?

Ano ba nangyari sa kanya?

Bakit bigla nalang syang nagbago?

Nilapitan ko sya at lumuhod ako sa kanya para mag maka-awa na wag nya akong iwan.

"Troy wag! Wag mokong iwan mahal na mahal kita! Di ko kayang mawala ka sakin"

"Troy please wag"

"Mahal na mahal kita"

Pagmama-kawaawa ko sa kanya. Halos lahat ng luha ko ay naibuhos kona. Nagmamanhid na ang buong katawan ko, halos wala na akong maramdaman.

"Please Sabrina! kalimutan mo na ako. Si maxine lang mahal ko at hindi ikaw" seryoso nyang sabi kung tingnan nya ako parang wala kaming pinagsamahan.

"Hindi troy! Ayoko! Mahal kita! Wag mong gawin to sa akin" pag makakaawa ko at habang nakayakap sa tuhod nya.

Tinayo nya ako hawak hawak nya ang braso ko.

"Tama 'na wag monang pahirapan yang' sarili mo Sabrina. Wala nang mangyayari kahit umiyak ka pa. Wala na tayo, tapos na tayo!"

"Hinde! Troy ayoko, hinding hindi kita iiwan kahit ano pang gawin mo sa akin" sigaw kung sabi at patuloy ko parin syang niyakap.

"Ano ba?! Wag ka ngang tanga! Hindi na kita mahal! Siya na yung mahal ko, siya na at hindi na ikaw. Kaya kung may natitira ka 'pang awa riyan sa sarili mo, itigil mo na yan!

Kahit ano pa 'man ang sabihin nya hindi parin ako maniniwala sa kanya dahil alam kung mahal parin nya ako. Hindi ako nag paawat sa paglayo nya sakin, niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Ng biglang may humagip ng buhok ko at tinulak nya ako kaya napatama ang ulo ko sa sahig

Pagkasalpok ng ulo ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako at buong katawan ko ay namamanhid at walang pakiramdam. Papikit-pikit na ang mata ko at kitang kita ko si Troy na nakatayo at gulat sa nangyari. Ng biglang may naramdamang ako pag yakap sa akin at tinatawag nya ang pangalan ko.

Sana isa lang itong panaginip. Isang bangungot. Sana pag-gising ko ay wala na ako rito.

_______

Ngayong araw sisiguraduhin ko na walang ng Troy sa buhay ko. At balang araw makakaya ko syang tingnan na walang nararamdaman na kahit ano pa man sa kanya. Gusto kung ipamuka sa kanya at sa kanila kung sino at ano ako ngayon. Kung paano nila ako binago.

I want them to feel my sweet revenge.

Fall In Love With Her SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon