Chapter 13

309 20 0
                                    

Panaginip


"Pagod na pagod na ako"

Nakakainis naman kasing troy na yun eh! Kung bakit ako pa yung pinagawa nya dito sa halip na lalake yung gumagawa. Halos may isang timba na yung pawis na nababawas sa akin dahil sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Alam kung pinapahirapan at kinakalaban ako ng troy na yon para siguro umalis ako ng Vergara's building. Pwes mali sya ng bina bangga! Dahil hindi ako magpapaatinag sa kanya.

Nagsimula na ulit akong magbuhat na tambak na mga papel na nkalagay sa kahon. At sobrang bigat talaga.

Nako! Kung alam kolang talaga na ganto yung ipapagawa nya sa akin edu sana nagsoot ako ng mahabang pang baba kesa naman sa naka palda na hanggang hita ko lamang. Kaya hindi ako masyadong makagalaw eh dahil nakabantay ang magaling kung boss na ubod ng yabang. Sa halip na tulungan nya akong magbuhat, andon lang sya nakaupo na yoyosi. Tss.. ang sama talaga ng lalaking yun!

Tiningnan ko ang muka ko sa salamin at sobrang pawis at haggard na ng muka ko. Parang nakakamuka kona nga si sadaku eh! Syempre jok lang haha!

"Hoy wirdong babae! Wag kanang magsalamin dahil wala rin namang ibabago yang panget mong muka!" Sigaw ng magaling kung boss habang natawa na ikina inis ko.

Aba lokong taong to ah!

"Alam ko sir! Inaalis kolang po ang aligabok sa muka ko" pataray kung sabi sa kanya at nagpatuloy na ginagawa ko.

Kapal ng face nya ha! Hindi porket gwapo sya at makinis yung muka nya sasabihan na nya akong panget! Nako hindi na talaga ako makapagtimpi sa kanya!

Habang inaayos ko ang pag kakapatas ng malalaking kahon ay may nakita akong daga na dumaan sa paa ko kaya napasigaw ako ng palakas.

"Aaaaaaaaaaa! Huhuhu may daga!"

"What the! Ano ba? Kumakain kaba ng speaker at sobrang lakas ng boses mo!" Sigaw ni Sir troy habang nakatakip ang kanyang tenga gamit kanyang kamay.

"Ah..eh..ka-kasi po may d-daga" utal kung sabi at habang hinahanap ang daga.

"Hahahahahaha! Para Daga lang pero parang ahas na yung nakita mo!" Utas na sya sa katatawa na parang wala ng bukas. Eh kung suntukin ko kaya muka nya! Napaka yabang!

May naisip akong nakakaloko! Para gantihan ang mokong nato!...

"Sir troy may ipis sa paa nyo!" Sigaw kung sabi.

At agad naman sya umakyat sa upuan at nilundag lundag ang paa nya. Kita ko ang reaction nya at ang muka nyang takot na takot hahaha.

Bawian lang yan Ser troy HAHAHA!

HAHAHAHAHA! daga lang pala ha! Eh sya nman pala tong takot sa ipis. Tss ipis lang pala katapat. HAHAHA!

"Niloloko mo ba ako!" Sigaw ni Sir at magkasalubong na nman ang dalawa nyang kilay.

"Hinde po Sir. Totoo po may ipis po talaga, siguro po nagtago dahil natakot sa inyo" sabi ko kahit ang totoo nman talaga ay walang ipis hahaha!

At hindi ko na sya tiningnan at bumalik na ako sa aking trabaho.

Balak ko kunin ang isang box para ilagay sa aking tabi at pagka hakbang ko ay napadali sa matulis na bagay ang polo kung kulay white kaya ito ay napunit at dahilan kung bakit kita ang soot soot kung bra.

At napatingin si Sir troy at bigla nman syang umiwas ng tingin at bigla koding hinawakan ang aking dib-dib

"Patay na!" Bulong ko sa sarili ko.

"Bakit ba kasi hindi ka man lang nag sa sando" sabi nya at nakatalikod.

"Eh sir hindi ko naman po alam na mapupunit ito eh" paliwanag ko.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon