Gavin's POVApat na taon na ang nakalipas at madami narin ang nagbago. Masasabi munalang talaga na napakabilis ng oras, araw at panahon.
"Ano bang problema mo Troy!?"
"Tinanong mo kung ano problema ko?" Sabi ni troy at lumapit kay maxine. Halatang ang init-init lagi ng ulo nya kapag nakikita nya si Maxine." Ikaw! Ikaw lang naman ang problema ko eh"
Napa-awang ang labi ni Maxine. "What!?" Pagkasabi ni maxine sinampal naman nito si Troy "Alam mo hindi kita maintindihan. Mahabang taon na tayong nagsasama pero ni pag-aalala at pagmamahal wala akong naramdaman sayo" naiiyak na sabi ni Maxine kay troy.
Nagkakatinginan nalang kami nina drake at liam. Masyado silang magulo. Palagi kasi silang nag-aaway mapa-opisina at mapa-bahay man eh.
Pero hanggang ngayon hindi ko parin maiintindihan si Troy. Nakipaghiwalay sya noon kay sabrina dahil ang sabi nya ma's mahal nya si Maxine. Pero eto lagi yung ganap sa pagmamahalan nila. Away, sisihan at batuhan ng masasakit na salita. Minsan nga hindi na makatiis si maxine na saktan o hamapasin sa dib-dib si troy dahil sa inaasta nya. Pero kahit na ginagawa yon ni maxine kay troy, hindi nya kaya itong bawian dahil nga babae sya.
"Umalis kanalang" seryosong sabi ni troy.
Sinamaan sya ng tingin ni Maxine. "Hayop ka talaga" sigaw nya kay troy at pinaghampas-hampas nya sa dib-dib. "Hindi ka ma'n lang ba nahihiya sa anak mo, sa mga inaasta mo sa aming mag-ina?" Galit na sabi ni maxine.
Dinuro ni Troy si maxine. "Wag na wag mong idadamay dito ang bata"
"Mommy! Daddy! Wag na po kayong mag-away" pag-aawat sa kanila ni Namra. Ang nag-iisa nilang anak na babae.
Tumingin ang dalawa sa anak nilang nagmamakaawa para tumigil sa pag-aaway. Lumuhod si Troy para mapantayan ang kanyang anak.
"Don't cry baby, hindi kami nag-aaway ni mommy mo" pag-alu nya kay namra. Niyakap nya ito ng mahigpit at hinalkan sa noo.
"Bakit ka po galit kay mommy? Daddy" tanong ni namra sa daddy nya habang pinapahid ang luha sa mapupula nyang pisngi.
Hindi sinagot ni troy ang tanong ng anak nya. Sumenyas sakin si Troy para kuhanin sa kanya si namra upang mailabas sa opisina.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na naman bago itong mga nangyayari eh. Sa lumipas na apat na taon. Unti-unti ng nawawala at nagbabago ang lahat.
Naglakad ako papalapit kay namra. "Namra let's go" kinuha ko ang maliit nyang kamay. "Ililibre ka ni tito gavin ng favorite ice cream ni mo. Gusto mo ba iyon?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Sumaya ang muka nya. At kitang-kita ang singkit na mata nya. "Really tito? Thankyou po!"
Tumingin muna ako kay drake at liam, para senyasan sila na sumama muna sakin at para makapag-usap sina troy at maxine. Naiinis kasi ako minsan kapag nag-aaway sila sa harap ng bata. Wala ka muwang-muwang ang bata sa mga problema nila kaya dapat hindi sila sa harapan ng bata ng nagtatalo.
Hindi ko na tiningnan pa sina troy at maxine. Hinila kuna si Namra palabas ng opisina.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad kong binuhat si namra. Ngumiti ako sa kanya. Kita marin sa kanya na malungkot sya. "Ang lungkot naman ng Namra naming yan" sabi ko habang naka pout.
Bigla naman syang ngumiti. "Nag-woworry lang po ako kay daddy at mommy. Palagi nalang po kasi silang nag-aaway" malungkot na sabi nya.
"Alam mo namra ang sama kasi ng ugali ng mommy ar daddy mo--- arayy" hindi na naituloy ni drake ang sinabi dahilan ng niyapakan ko ang paa nya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
Storie d'amoreSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...