Chapter 55

153 9 0
                                    

"Mahal mo ba ang anak ko?"

Parang kung anong sumabog sa dib-dib ko dahil sa kaba. Isa lang ang isasagot sa kanya at yun ay ang totoo. Naikuyom ko ang aking kamay at pumikit ako.

"Mam sorry po, alam ko po ang aking limitasyon sa anak nyo. Secretary lang nya ako at boss ko sya. Pero mam, hindi ko po maiwasan ang nararamdaman sa anak nyo, mahal na mahal ko po si Troy" naiiyak na sabi ko. May ilang luha ang tumulo sa aking mata. Expected konang mangyayari ito, pero hindi ako handa. Ayokong mawalay kay troy mahal ko sya.

Napabalik ako sa wisyo ng may biglang akong naramdamang yumakap sa akin.

"Oh god! Thankyou sabrina, salamat talaga!" Masayang sabi ni mam katherine habang nakayakap sa akin.

"M-mam? Hindi po kayo galit sakin?" Tanong ko.

Humiwalay sya ng yakap sa akin. "Hindi! Ano kaba? Bakit naman ako magagalit sayo, masaya nga ako at nagpapasalamat dahil nagawa 'mong tanggapin at mahalin ang anak ko"

"Po? Pero, hindi nyo ba kami paghihiwalayin?" Magulong tanong ko.

Natawa sya "No! Bakit ko naman gagawin yun, totoo nga eh excited ako sa inyong dalawa"

Lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko ay napaltan na ng saya ngayon. "Mam salamat po!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

Minasahe nya ang aking buhok "Hija ako dapat ang magpasalamat sayo, dahil kung wala ka malamang hindi magbabago ang Troy ko ngayon. Ibang iba sya ngayon, at lagi nalang sya nakangiti noong nakilala ka nya hija. Sobrang saya ko ng nabalitaan ko na girlfriend ka nya"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sobrang masaya din po ako dahil tanggap nyo po ako bilang girlfriend ng anak nyo"

Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko "Basta hija, wag na wag mong susukuan ang anak ko ha! Wag mo syang hihiwalayan kahit anong mangyari. Mahal ka nya hija ramdam ko yun. At sana mahalin mo sya higit na higit pa sa pagmamahal nya sayo"

Nag-nod ako "Opo Mam katherine promise ko po iyan sa inyo. Mamahalin at aalagaan ko ang anak nyo"

"Thankyou hija, and don't call me 'Mam' Tita nalang ok?"

"Opo Ma--tita pala hehe!"

Ngumiti sya at niyakap nya ulit ako "Napa swerte ng anak ko sayo"

"Napaka swerte ko din po sa anak nyo tita" nakangiti kong sabi.

Sobrang saya ng puso ko ngayon, hindi akalaing, tanggap ako ni mam kahit secretary lang ako ng anak nya. Sobrang bait nya talaga.

"O sya hija, mauna na ako ha! Napadaan lang ako dito. And don't worry, kinausap kona si Troy tungkol sa inyong dalawa. Basta maging matatag at magmahalan pa kayo ng mabuti ok" nakangiti nyang sabi.

Nag-nod ako "Opo tita" ngiti kong sabi.

"I have to go na, hija" paalam nya.

Naglakad na sya palabas "Bye po ingat po kayo" Masayang paalam ko kay Tita katherine.

                       ♡♡♡♡♡♡♡

"Aray ko naman, saan nyo ba ko dadalhin bakit kelangan nyo pang takpan 'tong mata ko?"

"Chill kalang dyan sabrina!" rinig kong sabi ni drake. Akala ko ba, may pupuntahan sila ni shantel?

"Wag kang masyadong magalaw sabrina, baka matanggal ang make-up mo! Pinaghirapan ko pa 'man din yan" sabi naman ni Liam.

Weh talaga ba? Pinag hirapan nya o pinaghirapan ko. Bigla nalang kasi nila ako kinid-nap sa bahay kanina. Pagkarating na pagkarating ko pinagbihis nila agad ako ng damit este gown. Eh mali, dress pala. Muka kasing gown eh hehe! Tapos balak pa ni Liam na ayusan ako ng muka, dahil ang utos daw ni Troy ay wala akong ibang gagawin kung di ang umupo at yung tatlong mokong nadaw ang bahala sakin. Nako! Kung hindi ko pa pinakealam ang muka kong inaayusan ni Liam kanina, magmumuka akong clown. Ang kapal ng lipstick at kulay blue pa yung nilagay nya. Tapos para akong si Sasa gurl, dahil sa kapal ng foundation na nilagay sa pisngi ko. Ayan tuloy napatagal pa kami, inayusan ko sarili ko. Hay nako nakakaloka talaga mga to!

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon