"Tama ba ang narinig ko sabrina? Anak ko si Hunter?"
Tulala at takot ang nararamadaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o isasagot ko sa tanong nya.
Alam na nya ang totoo, alam na nya yung lihim na tinatago namin noon pa.
Paano? Anong gagawin ko?
Galit na lumapit sakin si Troy.
"Ano!? Tutunga-nga kana lang? Hindi mo sasabihin kung ano ang totoo?" Sigaw nya sa akin.
Parang wala ako sa wisyo ko ngayon. Kahit gusto kong mag-salita o tumingin manlang sa kanya hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa ilalim ko at patuloy na umiiyak.
Naramdaman kong mahigpit na hinawakan ni Marco ang kanang kamay ko na parang ipinaphiwatig nya na kaya ko, at kakayanin ko.
"Wag na wag mong sisigawan si Sabrina gago ka!" Pasigaw na sabi ni Marco kay Troy.
Marahas nyang tiningnan si Marco at ganon din ako. Umigting ang panga nya at ganon din ang kamao nya na parang nagpipigil ng galit at bugso ng damdamin nya.
Huminga sya ng malalim tsaka nya pinagaan ang loob nya. "Gusto kong sagutin mo sabrina ang tanong ko"
".....anak ko ba si Hunter?"
"Oo, anak mo si Hunter" kunot noo kong tiningnan si Marco sa sagot nya kay Troy.
Humigpit pa lalo ang hawak nya sa kamay ko.
Kita ng dalawang mata ko ang pag-kagulat ni Troy sa narinig nya. Sa muka palang nya, parang hindi sya makapaniwala sa nalaman nyang sya ang ama ng anak ko. May ilang tumulo ding luha sa mga mata nya. Ang hindi ko alam kung masaya ba sya kaya ganitong emosyon ang ipinapakita nya O galit ba sya dahil sa nalaman nya.
"P-papaano? Ibig s-sabihin may anak ako sayo S-sabrina?" Atat na tanong nya sa akin.
Nag-nod ako sa kanya, sa ngayon hindi ko matagalan ang pagtitig sa mga mata nya dahil pakiramdam ko may mangyayaring hindi ko gusto. Ayokong mangyari na naman ang nangyari noon.
Lumakas na ang buhos ng luha nya sa mata nya at ganoon din ako.
"Anong klaseng kang ina!?"
Mabilis kong syang tiningnan dahil sa sinabi nya.
Lumapit pa sya lalo sa akin. "Tinago mo ang bata sa akin ng ilang taon para lang maikasal dito sa Marco nato!?"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at malakas ko syang sinampal. Anong karapatan nya para isumbat sa akin, at idamay ang pagpapakasal ko kay Marco kahit wala naman syang alam sa naging buhay ko noon.
"Anong karapatan mo para sabihin sa akin yan!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.
"May karapatan ako dahil anak ko si Hunter, pero inalis nyo ang karapatan ng bata sa akin bilang isang ama nya"
Nanlisik sa galit ang tingin ko sa kanya. Pilit akong pinapakalma ni Marco pero wala rin syang nagawa dahil sa sobrang galit ko kay Troy.
"Alam mo Troy? Wala kang karapatan sa pagiging ama sa anak ko. At tama lang na inalis ko ang karapatan na'yon sayo dahil wala kang kwentang tao, wala kang kwentang ama!"
"Pero si Marco meron!?"
Natawa pa sya na parang isinisisi nya si Marco kahit wala naman syang ginawang mali.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...
