Chapter 61

143 8 0
                                    


Sabrina's POV

Naglalakad ako patungo sa aking opisina. Kaya natanaw ko mula dito ang office ni Troy. Ngumiti ako ng bahadya. Kapag na-aalala ko ang mga bagay o mga lugar na kung san kami nagsimula.

Gustong-gusto kong puntahan sya pero mismong mga paa ko na ang pumiligil. Gusto ko syang kausapin at yakapin ng mahigpit. Sobrang miss na miss kona sya. Ako kaya namimiss nya? Naii-isip nya rin kaya ako? Kasi ako sobra!

Napabuntong hininga ako tsaka binuksan ang pinto. Pero nagulat ako ng may nakita akong babae na tila'y kanina pang naghihinta sakin. Naka-upo sya at nakatalikod sakin.

Naglakad ako para lapitan sya at saktong naman syang tumingin sa akin.

Taas noo syang tumayo. "Sabrina Right?"

Nag-nod ako "O-opo" naguguluhang tanong ko.

Sino sya? Bakit nya ako kilala.

"I am Maxine Dela Fuente" pakilala nya na may pagkabrutal ang bosess. "..Troy's Fiance"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nage-eco sakin ang idiniin nyang salita n Fiance daw sya ni Troy.

"A-ano? A-anong fiance?" Naguguluhang tanong ko.

Nagsimula ng kabahan ang dibdib ko. Para akong naghihina sa sinabi nya.

"Hindi ka naman bingi para ulit-ulitin kong Fiance ako ni Troy"

Naglaglag ang panga ko. Paano? Paanong naging fiance sya ni Troy. Ako ang girlfriend nya, at wala syang sinasabi sakin na may fiance sya. Paano ako maniniwala sa kanya.

"Hindi, hindi ka nya fiance. Ako ang girlfriend ni Troy at wala syang sinabi saking may fiance sya"

Tumawa sya na pang-asar "Really? Girlfriend? How pathetic! Hinding hindi ka nya papatulan. He's hot, handsome at very reach kaya wag kang umasa na magugustuhan ka nya"

Walang ako maimik sa mga salitang binabato nya. Halos blangko ang utak sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Hindi ko naiisip na may gantong mangyayari. Hindi lang nya ako sinaktan. Iginaya lang nya ako sa mga babae nya. Ginawa nya akong kabet! May fiance na pala ngunit binilog nya ang utak ko.

Lumapit sya sakin "Hindi si Troy yung tipong lalaki na magseseryoso sa isang babae. Mapaglaro sya sa mga babaeng nakaka playtime nya. Kaya kung isa kana sa mga babaeng yon, kalimutan muna lang sya"

"Hindi ako naniniwala sayo!" Pasigaw na sabi ko "...nagbago na sya, hindi na sya yung Troy na kilala mo dati"

Tumaas ang isang kilay nya "Oh c'mon stupid girl! Wag kang magpakatanga! Hindi mo pa gaano kilala si Troy. Ako ang nakasama nya pamula ng mga bata pa kami. Kaya wag magmalaki na parang kilala mo na sya noon pa. Dahil singit kalang sa buhay nya. Tandaan muyan!"

Nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Tama naman sya eh, siguro nga singit lang ako sa buhay nya. Hindi ko pa sya gaano kilala. Kaya ano bang karapatan ko para ipagmalaki ko ang masasayang ala-ala namin ni Troy. Tsaka anong laban ko sa babaeng to! Sya na nakasama pamula nung bata. At fiance nya pa.

"Maxine sabihin mo sakin kung paano ka nya naging fiance?" Seryosong tanong ko habang naiiyak.

Gusto kung alamin lahat-lahat, madaming katanungan ang utak ko tungkol kay Troy na wala akong alam kahit ni isa. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya, tungkol sa kanilang dalawa. Kung paano sila nagsimula. Kung paano sila nagmahalan.

"....magkababata kami. Ang pamilya ni Troy at ang pamilya ko ay malapit sa isa't isa, at ganun din kami. Pero nagkalayo lang kami dahil pumunta ako ng canada kasama ang pamilya ko tsaka ang daddy ni Troy. Sya ang naiwan dito, para mag manage ng Bussines nila" lumakad sya papunta sa likuran ko habang ako ay nakatayo habang nakakapit sa lamesa dahilan para hindi matumba dahil sa panghihina ng aking katawan.

"......and now, nakauwi nako. Sisimulan na namin ang pag-aayos ng kasal namin ni Troy" pagtatapos nya dahilan ng ma's lalo akong nanglambot.

"K-kasal? N-ngayon?" Mga tanong ko.

Nanghina at nanlumo ako sa sinabi nya. Hindi ko ata kaya ito! Hindi ko kayang mangyari ito.

"Yeah, aayusin na namin sa lalong madaling panahon"sabi nya at pumunta ulit sa harap ko.

".....kaya kung ako sayo. Lalayuan kona sya, dahil sa bandang huli ikaw lang ang masasaktan"

Pinahid ko ang luha sa mata ko tiningnan ko sya "Hindi! Hindi ako makapalayag. Mahal ko si Troy at ipaglalaban ko sya"

Sumama ang tingin nya sakin. "Anong klase ka?! Hindi mo kilala kung sino ang binabang-ga mo? Baka nakakalimutan mong babae kalang nya at Fiance nya ako"

"Fiance kapa lang nya, hindi ka pa nya asawa!" Sigaw ko.

Mas lalong uminit ang ulo nya. Hinablot nya ang buhok ko.

"Ahas ka! Hindi mo kilala kung sino ako!" Sigaw nya.

Sobrang nanghihina ako. Pakiramdam kong matutumba nako dahil sa sobrang pagsabunot nya sakin "Tamana na!"

Naramdaman kong may pumasok sa pintuan at inawat nila kami.

Kinuha agad ako ni ayumi at shantel sa kamay ni maxine. "Bruha ka, anong karapatan mo saktan ang bestfriend namin!" Sigaw ni shantel.

"Kasi yang babaeng yan, inaagaw si fiance ko!" Sigaw naman ni maxine.

"Tamana maxine, umalis kana!" Sabi ni drake.

Kumawala si maxine sa pagkakahawak nila drake at liam sa kanya. Tumingin sya sakin ng matalim "Binabalaan kita, layuan muna si Troy. Dahil sa bandang huli ikaw lang ang matatalo" sabi nya tsaka nagmadaling lumabas.

Pina-upo nila ako sa sofa at pina-inom ng tubig.

"Magiging ayos din ang lahat sabrina" alu ni shantel.

Patuloy parin ang pag-iyak ko hanggat dinala nila ako dito sa office ni drake.

"Alam na namin ang lahat Sabrina, mas mabuti pangang wag mo munang kausapin si Troy dahil mas lalo kang masasaktan" sabi ni ayumi.

"Hindi ko kaya ayumi, mahal ko parin sya kahit masakit na yung mga ginawa nya sakin" naiiyak na sabi ko.

"Alam namin sabrina ang nararamdaman mo pero iniisip lang namin yang kalagayan mo" sabi ni ayumi.

"Itong mga nakaraang araw. Hindi na namin nakakausap si troy. Ayaw na nyang magpa-abala na kahit na sino. Mula nung dumating ang Daddy nya at si M-maxine" sabi ni liam.

"Malaki na ang pinagbago ni Troy ngayon. Hindi na namin sya kilala. Kung noon brutal sya ngayon ma's lalo pa syang naging brutal" sabi ni drake.

Ano nga ba ang nangyayari sa kanya. Galit parin ba sya ng dahil sa nangyari samin ni Gavin. Pero ang sabi ni Gavin, nakakuha nadaw sya ng proweba  at ipapakita nya kay Troy ngayon mismo.

Ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad si Gavin at habol hininga. Tumingin muna sya sakin at halata sa kanya ang pag-aalala. Una nyang pinuntahan si Liam at drake tsaka naman sya tumabi sa akin.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Tahan na sabrina. Please! Nasasaktan kaming lahat kapag ganyan ka" alu nya sakin.

"Gavin, bakit ganon nalang kadali sa kanya kalimutan ang mga masasayang ala-alang nangyari samin" sabi nya at patuloy parin sa paghagul-hol pagiyak. "Bakit!? Minahal nya ba talaga ako?"

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit lang kasi eh, ngayon kolang kasi naramdaman ang masaktan ng ganito dahil sa pagmamahal sa isang tao.

"Gavin hindi ko kaya, mahal ko si Troy! Hindi ko kayang mawala sya"

Sya mismo ang nagturo sakin na magmahal ng sobra. Sya mismo ang nagturo sakin na kapag ang gusto mo ang isang tao, ipaglalaban mo sya hangga't kaya mo. Kaya napag-isipan kong ipaglalaban ko sya, hangga't sa makakaya ko. Mahal ko si Troy kaya ipaglalaban ko sya. Patutunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko sya.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka pinahid ang luha sa mata ko.

"Kakausapin ko sya, alam kong mahal nya ako. Alam kong ako parin ang pipiliin nya bandang huli" palaban na sabi ko tsaka naglakad palabas.

Pupuntahan ko si Troy! Patutunayan ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Fall In Love With Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon