Gavin's POV
Sinundan namin si Sabrina sa office ni Troy. Halos kaming lahat ay nag-aalala kay sabrina. Sa pwedeng mangyari sa kanya.
Hindi ko parin maintindihan kung bakit nagawa ni Troy iyon sa kanya. Mahal na mahal ni Troy si sabrina kaya imposibleng iwan nya lang iyon ng basta-basta. Napa-kalaking imposible.
Ng nakarating na kaming lahat. Natanaw na namin si Sabrina na walang malay habang buhat sya ni Marco.
"M-marco?"
Anong ginagawa nya dito? Bakit nya buhat-buhat si Sabrina. Bakit parang kitang-kita sa muka nya ang pag-aalala kay Sabrina. Bakit kilala nya si Sabrina?
Dumaan lang na parang hangin si Marco samin habang buhat nya si Sabrina. Tiningnan lang nya kami.
"Anong nangyari sa kanya? Bakit mo sya buhat? Sino ka ba?" Magulong tanong ni Shantel kay Marco.
Parang wala syang narinig sa mga sinabi ni shantel dahil patuloy lang kanyang lakad. Sinundan ni Ayumi at Shantel si Marco.
"Marco" tawag ko at sinundan kodin sya.
"Dadalhin ko sya sa Ospital" tiningnan nya ako "Ako na bahala sa kanya, at ikaw na ang bahala kay Troy. Kausapin nyo ang gagong yon!"
Nagpatuloy na sya sa paglalakad habang ako ay naiwang nakatulala. Bakit ganon nalang sya kagalit kay Troy? Ano bang kinalaman nya dito? Ano bang alam nya.
Nabalik nalang ako sa sariling wisyo ng dumating ang dalawa.
"Gavin ano nangyayari?" Gulong-gulong tanong ng dalawa.
"Bakit andito sya sa pilipinas? Tsaka bakit nya kilala si Sabrina?" Tanong Liam.
Umiling-iling ako. "H-hindi ko din alam"
Kailangan kong alamin ang lahat lahat. Pero ang kelangan lang namin gawin ngayon, ay ang kausapin si Troy. Kung bakit nya ginawa iyon.
"Puntahan natin si Troy, kakausapin ko sya" aya ko sa dalawa.
Mabilis kaming nagtungo sa office nya, at pagkarating namin bumungad si Maxine para pigilan kami.
"Anong ginagawa nyo dito? Umalis na kayo!" Pagtataboy nya samin.
"Hindi namin gustong marining ang sasabihin mo at hindi namin gustong makita ang nakakasuklam mong muka" sabi naman ni Drake.
"Ang sama ng ugali mo!"
"Mas masama yang muka mo!"
"Ang panget mo! Kamuka mo si chitae" pang-asar ni Maxine kay drake.
"Mas pangit ka! Kamuka mi si Granny!" Bawi naman ni drake sa kanya.
"Dude tamana! Baka nakakalimutan mong babae yan!" Awat namin ni Liam sa kanya.
Napa-buntong hininga nalang ako sa kanila. Hindi kona sila pinansin pa ang pumunta nako sa loob.
Natanaw kona ang nakatayong si Troy habang iniinom ang hawak nyang baso na may lamang alak.
"Umalis kana--" putol na sabi nya dahil.
"Bakit mo ginawa sa kanya iyon? Anong dahilan mo?"
"Nasabi kona ang lahat sa iyo kanina, kulang pa ba iyon?" Galit na sabi nya.
"Oo! Kulang na kulang yon! Sa mga nagdaang taong ito! Ganon nalang ba iyon? Kakalimutan munalang sya ng ganoong kadali lang!"
"Please Gavin! Pagod nakong magpaliwanag. Gusto kong mapag-isa" sabi nya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Her Secretary
RomanceSABRINA ARIELLE isang ordinaryong babae lamang na nangangarap ng magandang trabaho, at natupad nya naman iyon kaso para sa kanya naging mahirap at di naging kadali nung nakilala nya ang mayamang lalaki na anak ng may ari ng Hotel na pinag ta-trabah...